Chapter 22

3 5 0
                                    

Vote and Comment Guys 💗
--

"Heneral, heneral"pagsisisigaw na naman ni Primo habang papalapit sa kinaroroonan ko. 

Narito ako sa isang silid, tinitingnan itong mga ulat mula sa ibat ibang lugar.

"Masayang balita, heneral"masayang sabi niya matapos buksan ang pintuan. Hingal na hingal pa siya ng makarating dito.

Tiningnan ko lang siya at hinihintay na sabibin ang magandang balita niya.

"May nahanap ng perlas heneral, kasing laki ng pinagsamang dalawang mansanas"aniya.

"Talaga? Asan?gusto kong makita"sabi ko saka tumayo.

"Naroon sa labas heneral, dalhin namin dito"aniya.

"Hindi, pupuntahan natin"sagot ko.

"Sige heneral"aniya.

Lumabas kami sa silid at pinuntahan ang perlas na nakuha nila. Nasa isang lalagyan ito at natakpan ng tela.

Tinanggal ko ang tela at namangha sa nakita ko.

"Ang ganda"usal ko.

Namangha ako sa nakita. Ang laki nga. Perpekto ito para ibigay sa hari. Kung nagkataon, ang Larko pa lang ang makapagbibigay ng ganitong regalo sa hari.

"Magaling Primo, sino ang nakahanap nito?"tanong ko.

May lumapit sa aking isang lalaki.

"Siya heneral"turo ni Primo sa kanya.

Tiningnan ko siya saka ngumiti.

"Ibigay mo ang nararapat sa kanya Primo"utos ko.

"Masusunod heneral"sagot niya.

"Anong pangalan mo?"tanong ko rito.

"Karrius heneral"sagot niya.

Eh? Kapangalan pa ng kabayo ko.

"Isang malaking tulong ang nagawa mo sa Larko, ang perlas na nakuha mo ay siyang ibibigay sa hari sa araw ng kaarawan niya"sabi ko sa kanya.

"Ginawa ko lang ito heneral dahil sa malaking pera na kapalit, pero dahil sa sinabi niyong ihahandog ito sa hari, ay isa itong karangalan para sa akin"aniya.

Ngumiti ako sa sinabi niya.

"Primo, ikaw nang bahala sa perlas"sabi ko saka umalis na roon.

Bumalik ako sa silid na kinaroroonan ko kanina. Masaya ako sa balitang natanggap ko kanina. Dalawang araw na lang ay kaarawan na ng hari . Buti na lang at nakahabol iyong perlas na iyon. Nabasawan ang mga iniisip ko. Pinagpatuloy ko ang pagtingin sa mga ulat. Mga impormasyon lang ito sa mga nagaganap sa mga border. Walang masyadong seryoso.

Sumandal ako sa upuan ko saka nagisip isip nang may kumatok sa pintuan.

"Pasok"ani ko.

"Heneral, pinatatawag kayo ng gobernador Larko. Magkita raw kayo mamayang hapon"ani ni Gregor.

Sigurado akong tungkol na naman ito sa kaarawan ng hari.

"Sige, Punta tayo mamaya"sagot ko.

"Sige heneral"aniya saka umalis.

Ilang sandali lang nang may kumatok ulit.

"Pasok"ani ko.

"Ito na po iyong kape niyo heneral saka dinagdagan ko na ng tinapay"ani ni Rica.

"Iwan mo na riyan"sabi ko

"Sige heneral"rinig kong sagot niya.

"Hmm, heneral"kunway sabi niya.

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon