Chapter 2

21 10 0
                                    

Vote and Comment Guys 💗
--

Anak nga siya ng  Gobernador Faros dahil ipinakita niya sakin ang tsapa ng Faros. Pinahintulutan siya ng kanyang ama upang gamitin ito. Ang tanging meron lamang nito ay ang limang gobernador at nakita ko na ito minsan sa aking ama. 

Matapos niyang sabihin sa akin ang pagkatao niya at ang misyong gagawin niya ay hinayaan ko na lang siya dahil sa mga ganitong usapin ay kaming mga heneral ay walang paki alam. Sinabi ko pang tutulungan siya ng gobernador Larko, pero tumanggi siya at sinabing huwag ipaalam sa iba ang napagusapan namin. Pumayag ako at hinayaan na lang siya sa kung anong balak nila sa kondisyong walang madadamay na mamamayan ng Larko.

Naging malaking katanungan din sa akin kung bakit ang anak ng gobernador Faros ang ipinadala at bakit hindi hinayaang ang gobernador Larko ang humawak sa kasong dahil siya ang mas nakakaalam sa bayang ito. Itatanong ko na sana ito sa kanya pero hinayaan ko na lang.

Pagkatapos ng mahaba habang usapin naming dalawa ay ipinatawag ko si Primo at sinabing bigyan siya ng matutulugan at bukas ng umaga ay aalis din siya. Nagtataka pa siya ng una at bakit hinahayaan ko itong nahuli niyang espiya na bigyan siya ng matutuluyan. Umiling lang ako at naintindihan na niyang nagkamali uli siya ng nakuhang espiya. Alam niyang sa pagkilala ng tao ay mahusay ako ron.

Mag ala una na ng mapagpasyahan kong matulog.

*
Umagang-umaga ay nandito ako sa labas upang tingnan ang mga sundalong nageensayo. Lumapit sa akin si Gregor, kanang kamay ko. Isa siya sa pinakamahusay kong sundalo.

"Magandang umaga heneral"bati niya sa akin sabay yuko. Tumango lang ako.

"Nadagdagan tayo ng dalawampu kahapon, tatlong buwang ensayo lang ay pwede na silang isalang" dagdag niya.

Tinutukoy niya ang napapabalitang may grupo ng mga rebelde na namumuo sa may border ng bayang Hera. Sinasabing mga rebelde ito galing sa kanluran.

"Hanggat walang utos ang hari, Wala tayong kinalaman dun" sagot ko sa kanya.

Nagpatuloy pa ang paguusap namin tungkol sa mga nangyayari sa bansa ngayon, nang biglang sumingit si Primo.

"Magandang umaga heneral" bati rin niya sa akin.

"Babantayan ko muna sila" pagpapaalam ni Gregor saka umalis.

"Heneral, sino yung nahuli kong lalaki? Pakiramdam ko kasi may hindi magandang mangyayari sa akin eh"

"Talagang may hindi mangyayari sa iyong maganda kong patuloy kang mamimintang ng maling espiya, yung taong pinagkamalan mo.. " abang na abang siya sa sasabihin ko sana ng biglang sumulpot si Cade sa harapan namin

"Magandang Umaga" sabi niya ng may ngisi sa labi.

"Ano pang ginagawa mo rito?" sabi ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin at ngumiti. Ito namang isang kasama ko, yun at natulala sa kanya. Pambihira.

"Magiging bisita niyo muna ako ngayon" sagot niya.

"Hindi ito lugar na tumatanggap ng bisita, hindi mo ba nakikita kung nasaan ka?" Sabi ko sakanya habang tinuturo ko ang mga sundalong nakahilera sa baba.

"Heneral, huwag ka namang ganyan sa bisita natin, hehe. Mukha naman siyang mabait" pagsasabat ni Primo.

"Mabait? Hindi ba't ikaw ang nagsabing espiya siya?"

"Heneral naman. Noon yun, iba na ngayon. Hayaan na muna natin siya dito heneral" pamimilit sakin ni Primo. Anong nakain nito. Eh, parang kahapon lang ng pinagpipilitan niyang espiya to.

"Kahit sino ka pa, hindi ka pwedeng manatili rito, pagbibigyan kita ngayon, bukas na bukas din ay aalis ka na. Primo, samahan mo siya bukas sa Sentro, ihanapan mo siya ng magandang matutuluyan" pagtatapos ko sa usapan.

Kahit anak pa siya ng gobernador, hindi siya pwedeng manatili dito. 

Paalis na ako sa pwesto ko dahil nakaramdam ako ng gutom. Hindi pa pala ako naguumagahan.

"Primo, sabayan mo akong kumain" tawag ko sa kanya. Naglalakad ako ng hindi ko maramdamang sumusunod siya sa akin. Sinulyapan ko siya at tiningnan ng matalim.

"Ah, heneral, kumain na kasi ako. Uh, ikaw na lang PCade ang sumalo sa kanya, Hehe, sige na" sabi niya habang tinutulak si Cade. Psh, kahit papaano ay anak pa rin siya ng gobernador. Napagkamalan pa siyang espiya ni Primo. 

"Kayong dalawa, tara na" malamig kong usal sa kanila.

Nandito kami ngayon sa hapag, at habang isa isang dumating ang pagkain ay isa isa namang  kinikilig  itong mga nagdadala. Ngayon lang ba sila nakakita ng lalaki? Eh hile hilera yung nasa labas ah.

"Ang gwapo ko talaga" pagmamayabang na sabi ni Primo.

"Oo naman, mas lutang nga lang yung akin" pagmamayabang din ng isa.

Natahimik si Primo at hindi na nakipagtalo. Dati, hindi yan titigil hanggat hindi siya nananalo. Pinagmamayabang pa niyang siya ang pinakagwapo sa lahat ng naging sundalo ko. 

Ito rin namang isa, akalain mong marunong din palang magbiro. Akala ko seryosong tao nito.

Huling dumating si Rica, dala ang nahiwa hiwang mga prutas. Matapos iwan ang dala ay napatingin siya kay Cade. Feeling niya pa ay namamalikmata siya.

"Grabe ka heneral, bakit sayo napupunta lahat ng kalalakihan. Batalyon na nga yung nasa harapan mo, itinatago mo pa pala yung pinakagwapo" manghang saad niya at nagpapacute pa.

"Ang landi mong utusan ka, umalis ka na nga" pangtataboy ni Primo sa kanya habang nakasimangot.

"Teka, ngayon ko lang nakita ang pinakagwapo, hayaan mo naman akong titigan saglit"

"Tigil, bastos ka, alam mo bang pwede kang putulan ng ulo sa ginagawa mo? Alis" pagtataboy sa kanya ni Primo. Hindi nagpatinag si Rica kaya napilitan sana siyang kaladkarin ni Primo.

"Oo na, alis na. Kung may kailangan pa kayo heneral, tawagin niyo lang ako" sabi niya tapos ay tumingin siya kay Cade.

" Ikaw din, kung kailangan mo ako, anytime" malanding usal niya kay Cade saka nagmamadaling umalis.

" Akala mo naman makakapasa yung utusan na yan sayo" pailing iling na sabi ni Primo.

Habang kumakain kami, ay napapansin kong madalas pagsilbihan ni Primo si Cade. Ayung isasandok niya ito ng ulam at kanin. At kung pwede lang na siya ang ngumuya sa kinakain niya ay malamang ginawa na niya. Mukhang alam na niya kung sino ito at pinagsisisihan ang pagbibintang ginawa rito. Mabuti naman, sana maging leksyon sa kanya ito dahil baka sa susunod hindi ko siya kayang iligtas pa.

"Tapos na akong kumain, bilisan mo Primo, may gagawin pa tayo" pagmamadali ko sa kanya.

" Sige, enjoy mo muna yang pagkain mo Cade. Kung may kailangan ka pa, tawagin mo lang ako, Hehe" Hindi ba niya alam na kung may dapat siyang pagsilbihan, ako dapat yun. Gunggong.

"Sige" maikling sagot niya kay Primo saka tumingin sa akin at kumindat.

"Ingat ka Barbara" Nabigla ako sa sinabi niya. Nakakapangilabot nung binigkas niya ang pangalan ko. Sisinghalan ko na sana siya dahil wala siyang karapatang tawagin ako sa pangalan ko. Anak lang siya ng gobernador. Mas mataas pa rin ako sa kanya. Pero bago ko pa nagawa yun ay hatak hatak na ako ni Primo palayo sa kanya.

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon