Chapter 21

5 6 0
                                    

Vote and Comment Guys 💗
--

Narating namin ni Gregor ang Herom,  at madaling nahanap namin ang kuta ng mga kawatan. May itinayo silang masisilungan at naroon sila na nagkumpulan. Sa tantya ko ay walong kalalakihan ang naroon.

"Anong gagawin natin heneral?"tanong sa akin ni Gregor.

"Patayin silang lahat"sagot ko.

"Papatayin heneral?"hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo"sagot ko.

"Baka pwede natin silang kausapin heneral, na umalis na lang dito at huwag nang babalik"suhestyon niya.

"Hindi, pag hinayaan natin silang umalis na lang ay may malaking posibilidad na gawin nila ang ginagawa nila ngayon sa ibang pang mga bayan, saka sa nakikita ko, hindi sila ang tipong makikiusapan"paliwanag ko sa kanya.

"Susugod ba tayo heneral?"

"Tara"sabi ko sa kanya.

Lumapit kami sa kuta nila at napansin nila kami agad.

"Sino itong mga hindi inaasahang bisita"sabi ng isa na sa palagay ko ay ang namumuno sa kanila.

"Alam niyo bang ang dami niyong naperwisyo sa mga pinag gagawa niyo?"sabi ko sa kanila.

Tumawa sila sa naging pahayag ko.

"Sino ka ba? Ang lakas ng loob niyong humarap sa amin, eh dadalawa lang kayo"aniya.

Kinuha ko ang espada ko saka tinutok sa kanya. Naalarma ang iba pa niyang kasama at inilabas rin ang kanilang mga armas.

"Ang lugar na inaabala niyo, ay ang lugar na pinangangalagaan ko"malamig kong ani  sa kanila.

"I-ikaw ang heneral ng Larko?"utal niyang tanong sa akin.

"Oo, at hindi ko hahayaang maka alis kayo ng buhay dito"hayag ko sa kanila.

"Pinuno, anong gagawin natin?"tanong ng isa sa kanya.

"Nagkamali kami, pangako, hindi na namin uulitin itong ginagawa namin ngayon"pagmamakaawa sa akin ng pinuno nila.

Ngumisi ako sa sinabi niya.

"Yan ang laging sagot ng mga taong gumagawa ng kasamaan, pero ngayon, wala akong balak na bigyan kayo ng isa pang pagkakataon"saad ko saka pinaglandas ang espada ko sa leeg niya.

Natumba siya kaya sumugod ang ibang kasamahan niya. Si Gregor ang humarap sa kanila. Pinanood ko lang ang nangyayaring labanan. Ilang saglit lang ay wala nang buhay ang walong kalalakihan.

Pinasok namin ang kuta nila at doon ay nakita namin ang mga gamit na ninakaw nila. May mga mapa at kompas rin na naroon. Ang nakakuha ng pansin ko ay ang mapa.

"Sa tingin ko heneral, ang mga tuldok sa mapa ay ang mga lugar na pinagnakawan din nila"saad sa akin ni Gregor.

"Ang dami na nilang pinagnakawan"dagdag na sabi niya.

"Tara na, libutin natin ang paligid baka may mga kasama pa sila"sabi ko.

"Sige heneral"

Nilibot namin ang lugar pero wala na kaming nakita na kahinahinala rito.

"Sa tingin ko heneral, sila na lahat ang mga iyon, madalas kasing dumating ang mga mangangalakal tuwing hapon, masyado pang maaga para manambang sila"aniya.

Tiningnan ko muna ang paligid.

"Sige, bumalik na tayo"sagot ko.

Pinatakbo na namin ang mga kabayo pabalik sa base. Nang makarating kami ay dumiretso kami papunta sa mga nagsasanay.

"Heneral, tungkol sa ginagawang paghahanap sa perlas, halos maliit lang ang nakukuha nila"sabi ni Gregor habang naglalakad kami.

"Ayos lang, kapag wala pang mahanap na malaking perlas pagdating ng kaarawan ng hari ay may isa pa naman na pwedeng ibigay sa kanya"saad ko.

"Mabuti kung ganoon heneral, kinabahan ako na baka iyong mga maliliit na perlas ang ibibigay natin sa hari"natatawang sabi niya.

"Heneral, kumusta ang lakad?"tanong ni Primo.

"Maayos naman Primo, hindi na sila muling makakapag nakaw pa"sagot ni Gregor.

"Talaga? Mabuti nakausap niyo sila"sabi ni Primo.

"Hindi, pinatay namin sila"saad ni Gregor.

Napasinghap si Primo at nanlaki pa ang mga mata.

"Hehehe, Oo nga no, hindi pa ba ako sanay sa iyo heneral"saad ni Primo.

"Nasaan pala si master Cade? Bakit hindi niyo kasama?"tanong niya.

"Ha? Hindi namin siya kasama"  sagot ni Gregor.

"Pero sabi niya sa akin susunod siya sa inyo"aniya.

Napatingin ako sa kanya

"Anong sabi mo? Sumunod siya kanina?"tanong ko.

"Oo heneral, tinanong pa nga.. "

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at mabilis na pumunta sa kwadra para kumuha ng kabayo. Madali ko itong pinatakbo at tumungo ulit sa Herom. Bakit siya pinayagang pumunta roon ni Primo? Hindi niya kabisado ang lugar na iyon. Ano ba kasing naisipan niya at sumunod pa sa amin. Hindi ba maliwanag ang sinabi ko sa kaniya kaninang umaga.

Nang matanaw ko ang tulay ay mas binilisan ko ang pagpapatakbo. Nang malagpasan ko ito ay tiningnan ko kung saang direksyon siya pwedeng tumungo. Dumiretso na lang ako at tumingin tingin sa paligid. Ano na lang pag may kasama pa iyong mga magnanakaw na iyon. Baka magkasalubong pa sila at kung ano ang gawin nila sa kanya.

Nagpatuloy lang ako ng makita ko siya. Nakasandal siya sa isang puno at nakapikit ang mga mata. Sa tabi niya ay naroon ang kabayo at kumakain ng damo.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo rito?"tanong ko sa kanya.

Napamulat siya ng mata at tumingin sa akin ng nakangiti.

"General"usal niya.

Lumapit ako sa kanya saka bumaba sa kabayo. Tumayo naman siya.

"Alam mo ba kung gaano kadelikado ang lugar na ito? Bakit ka sumunod? Hindi ba't sinabi ko sa iyo kanina na manatili ka lang sa base. Bakit ba ang kulit kulit mo, Paano kung may mangyari sayo dito"tuloy tuloy na sabi ko sa kanya.

Ngumiti ulit siya saka niyakap ako ng mahigpit.

"Stop worrying about me, I can defend myself. Also, I dont know why, but I can't just stop following you General"usal niya.

"I know I'm lost, but instead of trying to find the way I just sit there, thinking"dagdag niyang sabi. 

"Saka sinubukan ko kung hahanapin mo ba ako, tama iyong hinala ko. Mas maaga ka pa kaysa sa inaasahan ko, ganyan mo na ba ako kamahal, General?"tanong niya.

Tinulak ko siya kaya nagkahiwalay kami. Ngumisi lang siya. Gunggong to.

"Anong mahal? Asa ka"sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa sinabi ko.

"By the way, kumusta iyong pinunta niyo dito?"pagtatanong niya.

"Nagawan na namin ng paraan, wala ng magtatangkang magnakaw sa mga mangangalakal na lalakad dito"sagot ko.

Tumango lang siya.

"Sa darating na kaarawan ng hari, pupunta ka?"tanong ulit niya.

Tiningnan ko siya.

"Hindi"kunway sagot ko sa kanya.

"Ah, mabuti kung ganun"saad niya.

"Ayaw mo akong pumunta sa selebrasyon ng hari?"tanong ko.

"Hindi sa ganun, balita ko kasi, hindi maganda ang selebrasyong gagawin niya, kaya huwag na tayong pumunta"saad niya.

"Okay"sagot ko.

"Tara na ba? O gusto mong mag date tayo rito?"aniya ng nakangisi.

"Siraulo ka, tara na"sabi ko saka sumakay sa kabayo.

Tumawa siya sa sagot ko saka sumakay na rin siya sa kabayo niya at sabay naming nilisan ang lugar na iyon.

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon