Chapter 18

5 7 0
                                    

Vote and Comment Guys 💗
--

Nagising ako sa ingay na naririnig ko sa labas. Tiningnan ko ang orasan. Mag aala-sais pa lang. Nag ayos ako saka lumabas sa aking silid at pinuntahan kung saan nagmumula ang ingay. Doon nakita ko ang mga sundalo na kumakanta, naroon rin si Primo na nakiki kanta. Nang makita nila ako ay parang hindi mapakali ang mga itsura nila.

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Imbes na magsanay kayo heto kayo't  gumagawa ng ingay"sigaw ko sa kanila.

"Nanghaharana heneral"takot na sagot ng isa.

"Pasensya na heneral, Ngayon lang ito, sana mapatawad mo kami"sabi ni Primo saka pinagpatuloy ulit nilang kumanta. May pwesto pa silang ginawa para makabuo ng hugis puso. Nanlaki ang mga mata ko sa ginagawa nila. Nasisiraan na ba ang mga ito?

Habang kumakanta sila, pumasok sa eksena si Cade na may dalang bulaklak. Pumunta siya sa harapan nila saka tumigil na sila sa pagkanta.

Ngumiwi ako sa nangyayari.

"Magandang umaga heneral"pagsisimula ni Cade.

"Buong gabi ko itong pinag isipan kaya makinig ka ng husto"utos niya sa akin.

"Ang pagpunta ko sa Larko ang pinakamagandang naging desisyon ko dahil nakilala kita. Madalas kong marinig ang pangalan mo at doon pa lang ay naging interesado ako sa iyo. Nang una kitang nakita dito sa Larko ay namangha ako dahil hindi lang sa taglay mong kagandahan kundi pati na rin sa taglay mong galing at talino. Alam mo bang tuwing may nakikita akong sundalo mo na nagkalat dito sa Larko, ikaw ang naiisip ko. Kapag iniisip ko ang hinaharap ko, lagi kang naroon. Alam kong may sinumpaan kang tungkulin pero pwede mo bang baguhin iyon at idagdag ako?"aniya ng nakangiti.

May tumili sa likuran ko at nang tingnan ko kung sino ang mga ito, sina Rica kasama ang iba pang serbidora.

Nagpatuloy ulit siya sa pagsasalita kaya nakinig lang ako sa sinasabi niya.

"Hindi mo alam ang naging epekto mo sa akin dahil habang mas matagal kitang nakakasama, mas minamahal kita."

Nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi niya. Gunggong, alam kong may nararamdaman siya para sa akin pero hindi ko akalaing sasabihin niya ito sa harap ng pinamumunuan ko at sa ganitong kaaga. 

"Kaya pormal kong sasabihin sa iyo ito dahil mukhang hindi mo ito maiintindihan pag hindi ko sinabi at ginawa na lang"aniya.

Insulto ba yun?

"I will court you and eventually make you my wife General"seryosong sabi niya.

Lumapit siya sa akin at inabot iyong hawak niyang bulaklak. Napalunok ako. Sa dalawampu't limang taon kong nabubuhay, ngayon lang may nagtapat ng pagibig sa akin. Kinakabahan ako.

"Ang gandaa ng heneral natin"
"Mag-aasawa na si heneral?"
"Kinakabahan ako kaninang kumakanta tayo, akala ko kakatayin tayo ng buhay ni heneral"
"Ayiiiiehh, may boyfriend na si heneral"
"Bagay sila"
"Nagustuhan niya kaya yung kanta natin?"
"Hanga ako kay master Cade, ang lakas ng loob niya"

"Hindi ako mahilig sa bulaklak"sabi ko na lang.

"Ha? Eh anong gusto mo?"tanong niya habang tinapon yung bulaklak sa likuran niya na nasalo ni Primo.

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon