Chapter 17

5 7 0
                                    

Vote and Comment Guys 💗
--

Naglalakad kami ngayon ni Cade habang hila hila ang kabayo nang matapos kaming kumain. Palabas kami sa Sentro.

"Sino yung kausap mo kanina?"tanong ko sa kanya.

"Ah yun ba, nakita mo pala kami"aniya at tumingin sa akin.

"Kaibigan ko, taga Faros din siya"dagdag niya.

"Kaya pala pamilyar, sa Faros ko pala siya nakita"ani ako.

"Nakita mo na siya dati?? Ako ba nakita mo na rin ba noon?"tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Hindi"sabi ko.

"Bakit siya nakita mo ako hindi"nakasimangot na sabi pa niya.

"Ewan ko, baka hindi ka kapansin pansin"natatawang sabi ko.

"Anong hindi kapansin pansin? Alam mo bang lahat ng nadaraanan ko kahit lalaki ay napapatingin dahil sa taglay kong kakisigan"aniya .

"Arte mo, ano ngayon kung nagkita tayo noon"saad ko.

"Nakilala kita at siguradong akin ka na sana ngayon"seryosong sabi niya. Napatatigil kaming pareho.

"Kung anu-ano na naman ang pinagsasabi mo riyan"sabi ko at inunahan siyang maglakad.

"Hintayin mo naman ako"rinig kong sabi niya habang papalapit sa akin.

"Kapag ba tinanong kita na pakasalan ako, pakakasalan mo ba ako?"tanong niya.

Tinitigan ko siya.

"Hindi"sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Bakit laging hindi ang sagot mo?"aniya.

Hindi ko siya sinagot. Walang kwenta ang pinagsasabi nito eh.

"Then, time will come and you will say yes to me General"dagdag niya.

Tahimik lang ako na pinakikinggan ang mga sinasabi niya.

"Nakikita mo iyong burol na iyon"sabi niya habang itinuturo niya ito.

"Ano ngayon?"tanong ko.

"Paunahan tayong makarating doon"aniya.

"Yun lang?"sabi ko.

"If I win, patawarin mo ako pag may nagawa akong kasalanan sa iyo"aniya.

Kasalanan ha?

"Kung ako ang nanalo?"sabi ko

"Ikaw, ano bang gusto mo?"tanong niya.

"Bumalik ka sa Faros"sagot ko.

Natahimik siya at mukhang pinagisipan pa ang sinabi ko.

"Sige, payag ako"sabi niya

Sinimulan na naming sumakay sa kabayo at naghanda. Siya ang magbibilang.

"Isa.... dalawa.... tatlo..."dahan dahang bilang niya.

Pagsapit ng tatlo ay sinimulan na naming patakbuhin ang kabayo. Halos sabay lang kami pareho kaya't mas binilisan ko pa. Mas nauna ako sa kanya ng kaunti pero agad din siyang nakahabol, tanaw na namin ang burol nang.

"I won"masayang sabi niya.

Halos sabay lang kami pareho pero mas nauna siya. Bumaba siya sa kabayo niya at lumapit sa akin. Sumandal siya sa kabayo ko at tumitig sa akin.

"Im determined to win because you make me General"saad niya saka ngumiti sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanya. Iniisip kung paanong natalo ako. Ano naman ngayon, tsk, pabilisan lang naman sa pagpapatakbo ng kabayo, Sa kakaisip ko hindi ko na namalayang  biglang hinawakan niya ang batok ko at inilapit sa kanya.

1
2
3
4
5

Limang segundo. Limang segundo naglapat ang mga labi namin. Lumayo siya pero nakahawak pa rin siya sa batok ko. Nakatingin pa rin siya sa akin. Nakatingin din ako sa kanya at inisip kung ano ang nangyari. Nang namalayan kung anong ginawa niya bigla ko siyang tinadyakan kaya napaupo siya sa damuhan.

"Gunggong kang taga Faros ka"sigaw ko sa kanya saka madaling pinatakbo ang kabayo palayo roon.

Nakarating ako sa base at sinalubong ako ni Primo.

"Heneral, Saan ka nagpunta?"rinig kong tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Nakasunod lang siya sa akin.

"May naisip na akong pwede nating ibigay sa hari"masayang sabi niya.

"Naisip kong bigyan natin siya ng isda total maraming ganito sa bayan natin"dagdag na sabi niya.

"Kung ayaw mo naman nun heneral, meron pa akong isang naisip, pwede tayong sumisid sa karagatan para maghanap ng perlas na ibibigay sa kanya"ganadong saad niya.

Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya. Tumigil din siya at nakangiting tumingin sa akin.

"Mas okay yung perlas kaysa sa isda na ibibigay sa hari"sabi ko sa kanya.

"Talaga heneral? Sige magpapahanap ako ng sisisid sa karagatang para hanapin yung pinakamalaking perlas"aniya.

"Magaling Primo"sabi ko.

"Naku heneral, maliit na bagay"nahihiyang sabi niya at nagkamot pa ng ulo.

Natigil siya sa ginagawa at may tiningnan sa likuran ko.

"Master Cade"magiliw na sabi ni Primo at kumakaway pa.

Tiningnan ko rin kung saan siya nakatingin at ayun nga si Cade na nakatayo roon. Lumapit siya sa amin.

"Ilang araw kang wala rito master Cade, akala namin hindi ka na babalik"aniya.

"May inasikaso lang, hindi pwedeng hindi ako babalik"sagot ni Cade.

"Anong ginagawa niyo rito?"dagdag tanong niya.

"Ah, pinaguusapan namin ni heneral yung ibibigay na regalo sa kaarawan ng hari"sagot niya rito.

"Anong ireregalo niyo?"usisang pagtatanong niya ulit.

"Naisip namin ni heneral na sisisid kami ng perlas sa karagatan"ngiting sagot niya.

"Talaga?paniguradong matutuwa ang hari niyan"aniya.

"Sana nga magustuhan niya"sabi ni Primo.

"Magpapahinga lang ako saglit"paalam ko saka umalis doon.

"Heneral, tatawagin kita mamaya para sa hapunan"sigaw ni Primo.

"Rest well General"sigaw din ng isa.

Nang makapasok na ako sa silid ko, hinubad ko kaagad ang suot ko saka pumasok sa banyo at naligo. Ilang sandali nang matapos ako ay nagpalit ako ng damit at sinuklay ang buhok ko. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Nakalugay ang itim kong buhok. Kung may makakakita sa akin ngayon ay hindi mo aakalaing isa akong heneral. Isang bagay lang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon matapos kong gawin ang mga ito.

Alam ko ang nararamdaman niya, pero hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko dahil sa simula pa lang itinatak ko sa isipan ko ang responsibilidad ko bilang heneral at wala ng pwedeng dumagdag dito.

"Heneral, handa na ang hapunan"tawag sa akin ni Primo sa labas ng aking silid.

Lumabas ako at nakita si Primo.

"Tara na"ani ko sa kanya.

"May problema ba heneral?"tanong niya.

"Wala naman, bakit?"sabi ko. 

"Pagdating mo kasi kanina heneral parang problemado kayo tapos ngayon parang malungkot kayo"saad niya.

"Pagod lang siguro"nakangiting sabi ko saka tumungo sa hapag kainan.

Nakaupo na si Gregor doon. Tumayo siya saglit at binati ako saka umupo kaming tatlo.

"Si Cade?"tanong ko.

"Ah, hindi raw siya kakain heneral, busog pa raw siya"sagot ni Gregor.

Busog pa siya?kung sabagay mas marami siyang kinain kaysa sa akin kanina. Hindi rin naman ako ganoong gutom ngayon.

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon