Chapter 1

35 14 0
                                    

Vote and Comment Guys 💗
--

"Heneral!, Heneral!"

Nagsisisigaw na tawag sa akin ni Primo. Ano na naman kaya ang problema ng isang ito. Sa limang taon ko siyang naging kasama, kung anu-ano ang binabalita sa akin. Mga walang kwenta. Minsan, kinikwento niya ang kanyang talambuhay sa akin at kahit walang reaksyon ang mukha ko at pinapakitang hindi ako interesado, patuloy parin siya sa kaka dada. Maaasahan at tapat siya, sablay lang talaga siya sa pag-alam ng espiya.

"Oh, Ano?" Walang kainteresadong tanong ko sa kanya.

Nandito ako ngayon sa balkonahe ng tinutuluyan namin. Pinapanood kong mag ensayo itong mga bagong dating na mga sundalo. May mga ilan akong nakita na bihasa at may ilan din sa kanila na parang ngayon lang hahawak ng espada. Malayo layo pa ang tatahakin ng mga ito, kako sa isip ko.

"May nahuli akong espiya" masayang tugon niya.

Ah, espiya. Marami na siyang nahuling mga espiya. Mga babaeng kasintahan ng mga sundalo na naghahatid ng pagkain sa kanila. Si Rica, kay bago bagong serbidora na kinuha ko nuon para pagsilbihan kami ay hindi rin nakaligtas sa kamay niya. Inakala niya rin itong espiya dahil nakita niya raw na sumisilip sa may kakahuyan at ng tinanong ko kung ano kasing ginagawa niya roon, ang sabi ay tinatanaw niya lang ang magagandang tanawin para sa mga kababaihan. Ngayon ko lang nalaman na tanawin na pala ang walang damit na lalaki. Kaya magmula nun, pinagbawalan ko ang kahit sinong babae na dadayo dito sa base ko. 

" At saan mo naman napulot itong sinasabi mong espiya?"tanong ko sa kanya. 

Malay mo, totoong espiya na itong nahuli niya, hindi dapat balewalain, mahirap na.

"Totoong espiya na itong nahuli ko heneral, madalas ko na siyang nakita nitong mga nakaraang araw. Nung una, huhulihin ko na sana siya pero dahil sabi mo dapat sigurado ako at itataya ko ang buhay ko na espiya talaga siya, minanmanan ko siya, at nakita kong nagtatanong-tanong siya sa mga tao dito. Nalaman kong gagamitin ang karagatan dahil may gusto silang ipasok mula dito"

Ang Larko ang tanging bayan na may nakapaligid na karagatan. Ipinagbabawal ng hari ang anumang paglabas masok mula rito, kaya ipinag utos niya ang mahigpit na pagbabantay dito. Minsan kasi sa kasaysayan, ginamit ang karagatan upang magsimula ang digmaan. Gabi ng lumusob sila gamit ang barko, dahil walang kamalay malay ang mga tao at walang bantay, madaling nasakop nila ito.

Nagtaas ako ng kilay sa sinabi ni Primo, sa dami ng bantay na idinestino ko roon, mahihirapan silang gawin ang kung anumang pakay nila. Mapangahas ang isang ito.

"Pupuntahan ko siya mamayang hapon" sabi ko sabay alis sa harapan niya.

"Sige heneral, sabi ko naman sa iyo eh, makakahuli ako ng totoong espiya" mayabang na tugon niya.

Espiya ha?

Buong araw kong inensayo ang mga kadarating na sundalo. Tinuruan ko sila sa tamang paghawak ng espada, pwesto ng mga paa at tamang galaw bago itutok ang espada sa kalaban. Gusto kong ako mismo ang huhulma sa bawat kakayahan na meron sila. Para sa pagadating ng isang unos ay handa sila .

Mag gagabi na ng tapusin ko ang ensayo. Papunta ako sa aking silid para magpalit ng pinigil ako ng boses ni Primo. 

"Heneral! Sabi mo pupuntahan mo ang nahuli kong espiya ng hapon. Gabi na oh" pagrereklamong usal ni Primo.

" Sinabi ko ba yun? "Kunwaring tanong ko.

" Heneral naman eh" ungot niya.

Ang arte, ang sabihin mo gusto lang niyang mapatunayan na sa kauna-unahang pagkakataon ay may espiya siyang nahuli. Mukhang confident talaga siya sa huli niya ngayon.  Pinangangatawan niya rin ata yung sinabi ko nuon na isa siyang spy hunter. Kung siguro hindi ko sinabi sa kanya yun nuon, hindi siya ganito kapursigido at hindi ko sana sinasayang ang mga oras ko kaka tama ng mga maling taong nahuhuli niya.

"Dalhin mo siya dito ngayon"

" Dito sa silid mo? Paano kong may gawin siyang masama sayo?"tiningnan ko siya ng masama.

"Itali mo kasi, bilisan mo at inaantok na ako"pasigaw kong sabi sa kanya.

Nagmadali naman siyang umalis. Pumasok na ako sa aking silid. Umupo muna ako para makapagpahinga saglit. Ipinikit ko ang mga mata ko at inisip ang espiyang nahuli ni Primo. Kung espiya talaga siya, saan kaya siya galing at sino ang nag-utos sa kanya. Sa malalim kong pagiisip, parang may mali na naman.

" Heneral, dala ko na siya" sabi ni Primo habang kumakatok sa pintuan ko. Gago to, sa sobrang excited, mukhang sisirain pa ang pintuan ko.

"Papasukin mo" saad ko sa kanya.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Iminulat ko ang mga mata ko at tiningnan ang sinasabi nitong espiya. Hah, maputi, matangos ang ilong, magaganda ang mga mata na may mahahabang pilikmata, makapal  na kilay at mamula mulang labi. May magandang pangangatawan. Lumi level up na rin ang pinapadala nilang espiya ngayon ah. Akala ba nila na kapag nagpadala sila ng ganitong kagwapong nilalang ay malilinlang nila kami.

"Sino ka? Sinong nagpadala sayo rito?" Paunang tanong ko sa kanya.

"Sagot" pandagdag na sabi ni Primo.

Hindi siya sumagot, tiningnan niya lang ako saka ngumisi.

" Hindi ka taga rito, kilala ko ang bawat isa na taga Larko at ngayon lang kita nakita. Kung bisita ka man galing sa ibang bayan, magpakilala ka" sabi ko pa sa kanya.

"Im... I dont trust this guy" sabi niya habang tinuturo si Primo. Hindi talaga siya mapagkakatiwalaan, isip-isip ko.

"Anong.. alam mo bang ako ang pinagkakatiwalaan ni heneral, kung hindi niya ako pinagkakatiwalaan na isa kang espiya, edi sana wala ka rito ngayon" litanya niya.

" Umalis ka muna, ako ng bahala rito" sabi ko kay primo. Tatanggi pa sana siya pero pinanlakihan ko na ng mata.

" Mag-ingat ka heneral, pag may ginawa siyang hindi maganda sayo, sumigaw ka" sabi niya habang papalabas.

Kaming dalawa na lang ang natira sa silid. Tiningnan kong muli siya saka nagsalita.

"Magsabi ka na ng totoo, ayaw kong sayangin ang oras ng pagpapahinga ko para lang alamin  kung anong pakay mo. Kayang kaya kong putulin yang ulo mo at ipakita sa buong bansa para magsilbing babala sa taong nagpadala sayo rito"

Tumawa lang siya sa sinabi ko.  Anong nakakatawa? Pangahas ito. Kinuha ko ang espada ko at itinapat sa leeg niya saka tiningnan ng seryoso.

Tumigil siya sa pagtawa saka tumingin sa akin ng may pagka mangha bago nagsalita.

"So you're the well knowned General Barbara Athenos Wilan"

"Im Cade, Son of the Governor Faros, ang pinakamayamang bayan sa bansang ito at pinadala ako ng hari, dahil may natanggap silang ulat na nagsasabing may pumupuslit ng mga armas papasok sa bansa gamit ang karagatan ng Larko" seryosong saad niya sa akin.

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon