Chapter 34

2 4 0
                                    

Vote and Comment Guys 💗
--

Hapon na nang makabalik kaming apat sa kampo matapos ang pamamasyal sa batis.

"Mauna na kayo, magiikot muna ako rito"ani ni Heneral Telon.

"Sige Heneral"sagot ko sa kanya saka siya umalis.

"Uuwi ako bukas"ani ni Zenaida habang papasok kami sa kampo. 

Buti naisipan na niyang umuwi. Nabagot din siguro rito.

"Sige, ipapahatid kita sa ilang mga sundalo"sagot ni Leandro.

"Salamat Prinsipe"sagot niya kay Leandro.

Nauna nang pumasok si Zenaida. Naiwan kami sa labas ni Leandro. 

"May gagawin ka pa ba?"tanong niya sa akin.

"Wala, marami naman nang nagbabantay sa paligid"sagot ko.

"Anong gagawin natin?"tanong niya.

"Wala, uupo lang"nakangiting sagot ko saka umupo. Sumunod naman siya sa akin.

"Ano pang gusto mong maging bukod sa pagiging heneral?"tanong niya.

"Siguro isang mananayaw"sagot ko.

"Talaga? Ibig sabihin magaling kang sumayaw?"aniya.

"Hindi naman masyado, iyong nanay ko ang magaling sumayaw, madalas niya akong turuan noon. Kaso namatay siya sa sakit kaya hindi natuloy"saad ko. "Kung sakaling buhay siya ngayon, hindi ako heneral ngayon"

Simple lang ang buhay namin noon, iyong nanay ko ay isang mananayaw at si ama naman ay isang sundalo. Noong nabubuhay pa siya ay lagi niya akong tinuturuang sumayaw. Tuwang tuwa naman si ama pag pinapanood niya kami noon. Kaso hindi ko na itinuloy ang pagsayaw magmula ng iwan niya kami, dahil tuwing gagawin ko ito ay pinapaalala niya lang si ina.

"Gusto kitang mapanood na sumayaw" aniya "paniguradong magaling ka dahil magaling din ang iyong ina"

"Ni hindi na nga ata malambot itong katawan ko pag sumayaw"natatawang saad ko.

"Hindi yan, gusto kitang mapanood minsan na sumayaw"aniya.

"Basta ba ikaw ang tutugtog ng instrumento para sa musika ko"sabi ko.

"Deal" nakangiting sagot niya "Gawin natin yan sa kasal natin, habang nagpapatugtog ako ay pinapanood kitang sumayaw"masayang aniya.

Gunggong toh, Anong kasal, ang bilis ah. Kung ano-ano na naman ang iniisip.

"Bahala ka riyan" sabi ko "Alis muna ako"

"Sama ako"rinig kong sabi niya saka sumunod sa akin.

Naglalakad lang kami ng makasalubong namin si Cade na sakay ng kabayo. Huminto ito sa harap namin saka bumaba.

"Heneral, Prinsipe"tawag niya sa amin "Nagawa ko na ang inutos mo Prinsipe. Nagpadala na ako ng dalawang espiya , mga bukas ng hapon natin malalaman ang resulta"

"Mabuti kung ganun"sagot ni Leandro. "Salamat Cade"

"Anong susunod niyong hakbang heneral pag totoo ang teorya mo?"tanong sa akin ni Cade.

"Ipaalam sa hari" sagot ko "At ang hari ang magdedesisyon sa nararapat gawin"

Tumango siya sinabi ko saka sila nagkatinginan ni Leandro.

**
Mag gagabi na ng makabalik kami nina Leandro at Cade sa kampo. Nagpatuloy lang ako kanina sa pagmamatyag at sinamahan naman ako nang dalawa. Dinalaw ko rin ang tore upang makibalita kung anong nagaganap sa mga sundalong namumuo sa labas ng border, tulad pa rin ito ng dati, yun nga lang ay mas nadagdagan sila at ang tantya ay dalawang libong sundalo ang naidagdag.

"Handa na ang pagkain, Heneral, Prinsipe,m-master Cade?"salubong sa amin ni Gregor.

"Cade na lang, pero pwede ring master Cade " natatawang saad ni Cade.

"Huwag mo yang tawaging master, Gregor, Cade lang"sabat ni Leandro

"Tara na"aya ko sa kanila at baka magtalo pa sila.

Pagdating namin sa hapag kainan ay siya ring pagdating ni Heneral Telon at Zenaida. Naupo na kami at nagsimula ang iba na kumain.

"Heneral Telon, may naipadala nang espiya sa labas nang border Grekos"saad ko.

"Hmm, nagpadala rin ako ng isa sa magagaling kong tauhan "aniya.

"Mabuti nga iyon, mas kabisado niyo ang pasikot sikot sa Grekos, kung sakali, mas madali para sa inyong mahanap ang kuta nila kung meron man"ani ko.

Hindi ko namalayang nilagyan na pala ni Leandro ng pagkain iyong plato ko. Tumingin ako sa kanya saka nginitian. Ngumiti rin siya pabalik.

"Kung sakali mang meron nga sila roon, nararapat rin na ako ang bahala sa kanila"saad niya sa akin.

"Hindi pa naman sigurado na meron ngang kuta ng mga kanlurang  sundalo roon" sabat ni Leandro "Kumain na lang tayo at hintayin bukas ang sasabihin ng mga espiyang pinadala natin"

Tumango kaming dalawa ni heneral Telon sa pahayag ni Leandro saka sinimulang kumain. Naging tahimik ang hapunang pinagsaluhan namin. Nang matapos ay nagsi alisan ang bawat isa.

"Magpapahinga na ako"sabi ko kay Leandro.

"Matutulog ulit ako sa silid mo"nakangiting aniya.

"Hindi, may isa akong silid na pinahanda kay Gregor, doon ka"saad ko.

"Aish, bakit ka pa kasi nagpahanda"nakasimangot na aniya.

"Tss, asa kang magtatabi ulit tayo" sabi ko "Mauna na ako"

"Ihahatid kita"aniya.

"Ihahatid? Huwag na, diyan lang naman"sabi ko saka iniwan siya.

"Ah basta, ihahatid pa rin kita kahit diyan lang"pagpipilit niya habang nakasunod sa akin.

"Oh, nahatid mo na ako"sabi ko ng makarating kami sa silid "alis na"

"Sige" aniya saka madaling hinalikan niya ako sa labi "Goodnight" pahabol niyang sabi saka madaling umalis.

Tiningnan ko lang siya nang nagmamadaling umalis. Nang mawala siya sa paningin ko ay saka ako pumasok sa aking silid. Hindi man lang niya hinintay ang Goodnight ko rin.

**
Ngayong araw namin inaasahang dumating ang mga espiyang pinadala. Tulad ng dati naming ginagawa ay nagikot kami nina Heneral Telon at ng iba sa paligid kaninang umaga. Umuwi na rin si Zenaida kanina at sinamahan siya ni Cade at ng dalawang sundalo. Kaninang hapon pa namin hinihintay ang mga espiya ngunit mag gagabi na at hindi pa rin sila dumarating.

"Nahuli kaya sila Heneral?"tanong sa akin ni Gregor.

"Hindi"pagsagot ni Leandro "magagaling ang mga espiyang pinadala ni Cade, hindi sila basta basta mahuhuli"

"Ganun din ang pinadala ko"saad ni heneral Telon.

"Heneral, sila na ata itong paparating" biglang ani ni Aris matapos ang ilang sandali pa namin paghihintay.

Tiningnan namin ang nga parating. Isang babae at dalawang lalake sakay ng mga kabayo. Bumaba sila saka pumunta sa kinaroroonan namin.

"Lera, anong nasaksihan mo?"tanong ni Heneral Telon sa babae.

"Kiro, Hanz, may nakita ba kayo?"tanong rin ni Leandro sa dalawang lalaki.

"Mga limang kilometro mula sa border ng Grekos ay may kuta ng mga sundalo roon heneral"sagot ni Lera.

"Tama siya Prinsipe Leandro, kung tatantyahin iyong sundalong naroon ay mga dalawampung libo"sagot ng isang lalaking espiya. "At napakinggan din naming, may hinihintay pa silang mga batalyon ng sundalo bago sumugod sa bansa natin"

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon