Chapter 26

3 5 0
                                    

Vote and Comment Guys 💗
--

Kadarating lang ni heneral Wilson at bumati sa akin saka umupo  sa tabing mesa ko. Sumunod din si Heneral Telon na ngumiti sa amin ni heneral Wilson saka umupo. Halos lahat ng bisita ay narito na hinihintay na lang namin ang hari.

"Maligayang kaarawan aming hari"nakatayong bati ng lahat ng pumasok ito. Kasunod nito ang dalawang prinsipe at ang prinsesa.

"Bakit wala ang ikalawang prinsipe"rinig kong sabi ni heneral Wilson.

Umupo ang hari maging ang mga prinsipe at prinsesa.

"Masaya ako sa pagdalo ninyo sa araw na ito, maupo na ang lahat at simulan ang kasiyahan"saad ng hari.

Umupo kami saka may mga bumati na ibang opisyal ng personal sa hari. Inilabas na rin ang mga pagkain at inumin saka inilagay sa mga mesa namin. Pagkatapos ay nagsiupuan na ang lahat at lumabas ang mga mananayaw. Sa kalagitnaan ng kanilang pagsayaw ay may pumasok sa silid at umupo kasama ng mga prinsipe. Cade, nausal ko sa sarili. Hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin at nanood na lamang.

"Kailan ka babalik sa pagbabantay ng border?"bulong na tanong sa akin ni heneral Wilson.

"Hindi ko alam, nag eenjoy ata akong manatili sa Larko"sagot ko.

"Ang boring dun, si heneral Sato ang kasama ko"aniya.

Hindi na ako nagsalita pa at ramdam kong may nakatingin sa akin. Manigas ka.

"Maligayang kaarawan, mahal na hari"biglang sabi ng nagtanghal.

Tapos na pala. Tiningnan ko ang kinaroroonan ng ikalawang prinsipe at inalis din kaagad.

"Maligayang kaarawan amang Hari"sabi ng unang prinsipe "Hangad ko lang ang mahaba pa ninyong buhay ama, para mapangalagaan ang bansa"

"Salamat , Prinsipe Hyson"sagot ng hari.

"Ako rin amang hari, ganun rin ang hangad ko sa inyo"sabat ng prinsesa.

Natawa kami sa sinabi niya. Tumayo ang ikatlong prinsipe.

"Hangad ko sa inyo ama, ang magandang kalusugan at masaganang buhay"aniya.

Tumingin ang hari sa ikalawang prinsipe at mukhang hinihintay na may sabihin din ito. Madaling pumunta siya sa harapan ng hari kaya nakatalikod siya mula sa amin.

"Maligayang kaarawan amang hari, long live our king"rinig kong sabi niya saka bumalik sa upuan niya.

Tinitigan ko siya. Alam kong may mali sa pagkatao niya pero hindi ko inaakalang isa siyang prinsipe.

"Maligayang kaarawan aming Hari, naghanda ako ng isang sayaw para sa inyo, sana magustuhan ninyo"rinig kong sabi ng isang babae kaya natanggal ang tingin ko sa kanya.

Nagsimula na itong sumayaw. Pinanood ko lang ang ginagawa niya at ramdam ko na naman ang titig niya sa akin. Gunggong to, bakit ba sa akin ito nakatingin.

"Magaling ka pa rin Zenaida"rinig kong sabi ng hari ng matapos siyang sumayaw.

"Maraming salamat, aming hari"sagot niya.

"Prinsipe Leandro, naalala ko pa noong madalas kang tumakas sa kaharian upang pumunta sa Hera at dalawin si Zenaida"kunway sabi ng hari.

Hindi na ako magtataka kung nagustuhan niya ang babaeng ito. Maganda naman kasi. Kumain lang ako at nakinig sa sasabihin pa nila.

"Ahehehe, matagal na iyon amang hari, bata pa lang ako"rinig kong sagot niya.

"Wala ka bang balak pakasalan siya?"tanong ng hari sa kanya.

Tiningnan ko siya at hinintay kung anong sasabibin niya.

"Maganda si Zenaida at matalino. Lahat ng lalaki ay tiyak hahanga sa kanya. Pero, iba ang gusto kong pakasalan amang hari"natagalang sagot niya.

Tumawa ang hari sa sinabi niya.

"Kung ganun, sino ang babaeng ito na gustong pakasalan ng ikalawang prinsipe?"seryosong tanong ng hari.

Hindi siya nakasagot at tumingin sa akin.

"Ama, hayaan na natin ang aking kapatid sa kanyang buhay pagibig, kaarawan mo ito kaya't nararapat lang na nasa iyo ang atensyon"sabi ng unang prinsipe.

"Hmm, kung ganun, ipagpatuloy na natin ang kasiyahan"saad ng hari.

Nagbalik sigla ang silid. Napansin kong bumalik na rin si Zenaida sa kanyang upuan at nagpatuloy ang iba sa pagkain.

"Ama, bakit hindi na natin tingnan ang mga inihandang regalo para sa iyo"suhestiyon ng ikatlong prinsipe.

"Nagagalak na rin akong makita ang ibibigay niyo sa taong ito"aniya.

Kaya naghanda ang lahat sa ibibigay nila sa hari. Unang nagbigay ang mga opisyal at mga ibang panauhin. Pagkatapos ay sumunod ang limang bayan ng bansa. Nauna ang Faros.

"Sa taong ito, ang inihanda ng Faros para sa inyo aming hari ay isang kasuotan na dinagdagan namin ng ginto at pilak"sabi ng gobernador Faros.

Tinanggal nila ang takip at nakita namin ang isang kasuotang nagniningning.

"Inaasahan sa Faros ang magarbong ibibigay niyo at pinatunayan niyo ulit ito ngayon, magaling"saad ng hari.

"Maraming salamat hari"ani ng gobernador.

Sumunod ang Hera.

"Sa araw na ito, gumawa ang Hera ng larawan ng bansa"saad ng gobernador Hera.

Binuksan nila ang takip at ipinakita ang telang may larawan ng bansa.

"Ibinurda ito ng pinakamagaling na mananahi sa Hera aming hari"dagdag niya.

Lumapit ang hari at hinawakan ito.

"Nakakamangha"aniya.

"Maraming salamat aming hari"ani ng gobernador.

Sumunod ang Grekos na nagbigay ng isang libro na naglalaman ng mga tula para sa hari at ang Ecres ay nagbigay ng pinta na pinapakita ang kabayanihan ng hari. 

Panghuli ang Larko. Tumayo ako saka pumunta sa harapan.

"Heneral Barbara"usal ng hari.

"Hindi nakadalo ang gobernador Larko sapagkat may iniinda siyang karamdaman hari, kaya ako ang mag prepresenta nang inihanda ng Larko para sa inyo"ani ko saka tinanggal ang takip ng perlas.

Napasinghap ang karamihan sa nakita.

"Sa taong ito, ang Larko ay naghanda ng espesyal na regalo sa inyo, naisip ito ng aking kasamahan at sinang ayunan ko rin dahil sa tingin ko ang perlas na ito ay sumisimbolo sa Larko, at tuwing makikita niyo ito ay ang Larko ang maaalala niyo aming hari"

Lumapit ang hari saka tiningnan ang perlas.

"Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking perlas"aniya.

"At masaya kami hari, dahil ang Larko ang nagbigay ng pagkakataon na makita niyo ito"sabi ko. 

"Magaling, napakaganda"aniya saka bumalik sa upuan niya.

"Maraming salamat aming hari"sabi ko saka bumalik na rin sa upuan ko.

"Ang ganda ng perlas na iyon, diba heneral Telon"sabi ni Heneral Wilson.

"Oo, ngayon lang din ako nakakita ng ganoong kalaking perlas"sagot niya.

Tumingin ako sa ikatlong Prinsipe, nakatingin din ito sa akin na nakangiti. Hindi ko siya pinansin at nakisali lang ako sa usapan ng mga ibang heneral. 

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon