Chapter 23

3 5 0
                                    

Vote and Comment Guys 💗
--

"Excited ako sa kaarawan ng hari, siguradong maraming magagandang babae ang pupunta roon"ani ni Primo habang pababa kami sa kabayo.

Nauna ako sa paglalakad at sumusunod lang sila sa akin. Nakinig lang ako sa sinasabi nila.

"Umayos ka, hindi pwede ang ganyang asal sa kaharian"sabi ni Gregor.

"Oo naman no, hindi ko naman ipapahamak si heneral."aniya.

"Pakiramdam ko rin kasi sa kaharian ko makikita ang mapapangasawa ko"dagdag pang saad niya.

"Huwag kang umasa Primo, walang magkakagusto sayo roon, baka iyong mga serbidora, pwede pa"natatawang sabi ni Gregor.

"General"tawag sa akin ni Cade habang papalapit sa akin at may dalang kabayo.

"Pwede ba tayong magusap?"dagdag na tanong niya.

Tiningnan ko iyong dalawa para ipahiwatig na mauna na sila.

"Mauuna na kami heneral"sabi ni Gregor at sumunod si Primo sa kanya.

"Anong paguusapan natin?"tanong ko.

"May ibibigay muna ako sa iyo"aniya saka tumingin sa akin.

Kinuha niya ang kamay ko saka inilagay ang isang singsing sa hintuturo ko.

"Bakit to?"tanong ko habang tinitingnan yung singsing sa daliri ko.

"Wala lang, nakita ko yan kanina sa Sentro. Alam kong babagay sayo kaya binili ko"sagot niya.

"Ahh"usal ko.

"Aalis ako mamayang gabi"sabi niya.

"Saan ka pupunta?"tanong ko habang mataman siyang tiningnan.

"Babalik akong Faros ngayon, mga ilang araw muna akong mananatili doon. Huwag kang mag alala, babalik din ako"aniya ng nakangiti.

"Yun lang?"tanong ko.

"Pagbalik ko may sasabihin ako sa iyo"aniya.

"Saka, mamimiss kita"dagdag na sabi niya. 

"Ohhkay"sagot ko.

"Mamimiss mo rin ako no?"ngumiwi ako sa tanong niya.

"Hindi naman"sabi ko.

"Bakit hindi na naman?"nakasimangot na tanong niya.

"Kasi hindi naman talaga"nakangiting sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya pabalik sa akin.

"Ang ganda mo"biglang usal niya.

"Salamat"sagot ko.

"I love you General"seryosong sabi niya.

"Ah talaga"mahinang sabi ko.

Natawa siya sa sinabi ko. Gunggong ka heneral, bakit hindi ka makaisip ng husto ngayon. Naman eh.

"Aalis na ako"paalam niya.

Nagmamadali naman ata ito.

"Ngayon na? Sige"sagot ko.

Baka mapahiya pa ako lalo..

Lumapit siya sa akin saka mabilis na humalik sa noo ko. Pagkatapos ay sumakay na siya sa kabayo. Humarap muna siya sa akin.

"See you soon General"aniya saka madaling pinatakbo ang kabayo.

"Mag ingat ka"usal ko ng makalayo na siya.

Pinanood ko siya habang palayo ng palayo. Nang hindi ko na siya makita ay tumalikod na ako at  pumasok sa base.

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon