Chapter 4

14 9 0
                                    

Vote and Comment Guys 💗
--

Nakaupo kami ngayon ni Primo kasama ang ibang panauhin. Napapalibutan ng maraming tao ang lugar. Gusto nilang mapanood ang mga magtatanghal maya maya.  Samantala, pormal na binuksan na ng gobernador ang programa. Habang may nagtatanghal,  inilabas na ang mga pagkain para pagsaluhan ng lahat. Masayang masaya ang nandirito ngayon dahil sa ganda ng nasisilayan. Patapos na ang programa ng inanunsiyong may huling magtatanghal sa entablado.

"Ang ganda" " Ang ganda niya" rinig kong sabi ng mga tao matapos lumabas ang isang babae. Tiningnan ko si Primo at ayun nakatitig din sa kanya.

"Sino ka?" Tanong ng gobernador Larko.

"Pinadala ako ng Hera upang magbigay ng pandagdag na aliw sa inyong lahat. Sana magustuhan niyo ang gagawin ko ngayong gabi" mahinhin na saad niya.

Pinanood namin siya ng simulan niyang sumayaw. Sa mabagal na tunog ng musika, sumasabay ang katawan niya sa bawat ritmo. Makikitaan mo  ng pagiging sopistikada ang bawat galaw niya. Ipinagpatuloy niya lang ang pagsasayaw. Mangha ang lahat ng nanood dahil sa galing nito. Kahit ako, ay napabilib din niya. Sa pagtatapos ng kanyang sayaw ay siya ring pagliwanag ng kalangitan dahil sa mga paputok.

Pumalakpak ang lahat dahil sa pasabog na ginawa niya. Aliw na aliw ang lahat sa ganda ng fireworkss.

"Magaling, madalas naming marinig na ang mga taga Hera ay magaling sa larangan ng pagsasayaw at pinatunayan mo iyon binibini" ani ni ama.

"Hindi lang sa pagsasayaw magaling ang taga Hera gobernador, kilala rin kami dahil sa husay naming tumugtog ng ibat ibang klaseng instrumento" saad ng babae.

"Maaari ba naming malaman ang pangalan mo?"tanong nila sa kanya.

"Ako si Zenaida Muero" sagot niya saka ngumiti.

"In love na ata ako heneral" narinig kong sabi ni Primo.

"Wala kang pag-asa sa kanya. Kay Rica pwede pa" sagot ko na lang sa kanya.

"Heneral naman eh, huwag mo ngang idamay sa usapan ang utusan na yun" nakasimangot niyang sambit sa akin.

"Psh, tara na, alis na tayo." Ani ko.

Lumapit kami sa Gobernador Larko para mag paalam. Nakita kong kausap nila ang babaeng sumayaw kanina.

"Alis na kami Gobernador" pormal kong paalam sa kanya. Tiningnan ko ang babae, nakangiti ito sa akin.

"Tara na Primo"

Umalis na kami dun. Papunta na kami sa kung saan namin itinali ang mga kabayo.

" Mauna ka na, susunod ako" kako kay Primo.

" May pupuntahan ka pa ba heneral? Samahan kita"

" Hindi na, kaya ko na ito, tsaka may hawak ka pang isda, ipaluto mo na pagkauwi mo baka masira" kumamot siya ng ulo.

" Sige Heneral"

Pinanood ko siyang umalis sakay ng kabayo. Nagmasid masid muli ako sa lugar.  Maayos na nagtapos ang pista, masaya ako dahil dun. . Mga ilang minuto ang lumipas ng sumakay na din ako sa kabayo. Pinatakbo ko ito ng mabalis.
Sa pag bagtas ko sa daan, tumigil bigla ang kabayo sa pagtakbo.

"Hiyaa" pagpupumilit kong patakbuhin ito pero ayaw niya talaga at ang walangya kumakain na ng damo. Bwisit. Bumaba ako rito.

" Ilang taon na tayong magkasama Karius, ngayon ka lang tumigil ng ganito. Ano kakain ka na lang diyan" tanong ko sa kabayo.

Sinakyan ko uli ito para subukan uli, pero ayaw niya talagang tumakbo.

"Ano ha? Gusto mong lakarin ko ang daan pauwi?" Kunway tanong ko uli sa kabayo. Ginagawa pa ako nitong sira.

Tiningnan ko ang paligid, medyo malayo layo narin ako sa Sentro. Pinag gigitnaan ako ng mga puno. Mukhang dito ako matutulog ngayong gabi. Tiningnan ko uli ang kabayo, kumakain pa rin.

Ilang sandali lang ang lumipas ng may narinig akong paparating, yapak ng tumatakbong kabayo. Sabi ko na nga ba eh, may darating at darating para hanapin ako. Baka si Primo o di kaya ay si Gregor. Naka ngiti ko itong sinalubong ngunit nawala rin kaagad ng matanaw ko kung sino ang sakay.

Si Cade. Akala ko umalis na ito sa Larko. Kung ganun ay hindi pa niya siguro tapos ang tungkulin niya rito. 

Tumigil siya sa harapan ko.

Napansin ko ang pamumutla niya. Tumitig siya sa akin saka ngumisi.

" Barbara" mahinang usal niya saka tinuro ang kanyang likuran. Doon, nakita ko ang limang tao na siguro'y humahabol sa kanya. Natatakpan ang kanilang mga mukha.  Kinuha ko ang espada tsaka hinarap sila.

"Sino kayo" tanong ko sa kanila ngunit hindi sila sumagot at biglang sinugod ako. Nilabanan ko sila isa isa at sinigurong walang naiwang buhay. Binalikan ko si Cade at dun napansin na may dugo sa likuran niya.

"Anong nangyari? Sino ang mga yun" tanong ko sa kanya. Hindi siya nakasagot at biglang natumba na ikina bagsak niya sa lupa.

Dali dali ko siyang pinaupo sa may gilid. Susuntukin ko na siya para magising ng naalala ko ang kalagayan niya kaya mahina kong tinapik tapik ang pisngi niya.

"Hmm"

" Sasakay tayong dalawa sa kabayo mo. Sa likuran ka. Kailangan mong magising hanggang makarating tayo sa kampo, naiintindihan mo?" Tumango siya.

Inalalayan ko siyang sumakay muli sa kabayo. Nakasakay na siya ng sumunod ako at pumwesto sa harapan niya ng bigla niyang ikinapit ang kamay niya sa baywang ko. Nanlaki ang mata ko.

"Mahuhulog ako" inunahang paliwanag niya sa akin. Hinayaan ko na lang siya. Bago kami umalis, tiningnan ko muna ang kabayo ko.

"Karius, diyan ka muna hah, ipakukuha kita bukas" paalam ko sa kanya saka sumibat.

Habang tinatahak namin ang daan, naramdaman ko ang mahigpit na hawak sa akin ni Cade. Napasinghap pa ako ng bigla niyang ipwesto ang ulo niya sa balikat ko.

"Hindi patungan ng ulo yang balikat ko, kaya alisin mo yan" sigaw ko sa kanya.

"Inaantok na ako, matagal pa ba tayo?"

"Malapit na, konting tiis pa" sagot ko sa kanya. Teka, hindi yun ang pinaguusapan namin ah.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi na siya nagsalita. Pinagpatuloy ko ang pagpapatakbo ng bigla biglang nag salita uli siya.

"You're pretty wearing this armored clothes "

"....."

"Did you know, you're name is soo good to pronounce, Barabara Athenos"banggit niya sa pangalan ko.

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi ko naman naintindihan kong anong ibig niyang sabihin sa mga iyon. Epekto ata yun ng sugat na natamo niya.

Nagdaan ang ilang minuto ng matanaw ko na ang base kaya't mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo.

" Also, you're face keep popping in my mind lately, and seeing you now makes it reality"

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon