Chapter 6

10 7 0
                                    

Vote and Comment Guys 💗
--

Palakad lakad ako sa kwarto ko ngayon. Matapos ang sinabing yun ni Cade ay nagpaalam ako sa kanya at sinabing maghahanda na ako sa gaganaping pangangaso mamaya. Hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya sa akin. Ang ibig niya bang sabihin kamukha ko yung mga sundalo ko? ang layo naman ng itsura namin ah. Tsaka lalaki yung mga yun, babae ako. Mas maputi naman ako sa kanila,  karamihan sa kanila kayumanggi ang balat dahil madalas bilad sa araw. Hindi na nga niya ako nirerespeto dahil sa pagtawag niya sa akin sa pangalan ko ngayon naman minamaliit niya ang posisyon ko. Gunggong yun, makapag palit na nga.

Nandito kami sa bungad ng isang kagubatan. Magandang mangaso rito. Nandito sina Primo at Gregor sa gilid ko.

Si Gregor ang nagsasalaysay sa mga kasamahan namin kung anong gagawin. Tulad ng dati, depende sa hayop na nahuli mo ang lebel ng iyong kakayahan. Ang pangangasong ito ay para malaman ang diskarte ng bawat isa gayong maiilap ang hayop dito.

May narinig kaming paparating, yapak ng kabayo. Abang na abang naman itong mga kasama ko kung sino ang parating. Nang matanaw namin.

"Si Master Cade" masayang usal ni Primo.

Si Cade nga ang sakay ng kabayo, tangay ng hangin ang kanyang buhok habang papalapit sa amin. Tumigil siya saka bumaba at papalapit sa gawi namin.

"Anong ginagawa mo rito Master Cade? May sugat ka pa ah, dapat nagpapahinga ka ngayon baka mapano ka" madamdaming sabi ni Primo kay Cade.

"Daplis lang ng espada ito Primo, huwag ka ng mag alala sa akin" sagot niya rito habang nakangiti saka nagkatinginan silang dalawa. Natulala naman kami sa nasaksihan.

Sabi ko na nga ba eh, may kababalaghang nangyayari sa dalawang to, pinagpipilitan niya noong una na isa siyang espiya tapos ilang araw lang ganito na. Sobra sobra kung mag alala.

"Anong ginagawa mo rito?"Tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang handang handang suot niya sa pangangaso.

"Mangangaso rin, sabi mo kanina mangangaso kayo kaya sumunod ako" nakangiting sagot niya sa akin.

"Bawal ka rito, kita mo ng inihanda ko ito para sa mga kasamahan ko"

"Ah basta, sasali ako" pagpupumilit niya.

"Oo nga naman heneral, isama na natin siya"pagpupumilit rin ni Cade sa akin.

"Isama na natin siya heneral"sabi rin ni Gregor.

"Oo nga heneral"sabi rin ng mga kasamahan kong nasa harapan ko.

"Sige na nga!, basta huwag kang haharang harang sa daraanan namin"pinal kong sabi sa kanila. Natuwa naman ang lahat sa sinabi ko.

"Simulan na natin, tara na" sabi ni Gregor.

Nagkanya kanyang alisan na ang lahat. Naiwan kami nina Gregor, Primo, at Cade dito.

"Ano kayang hayop ang huhulihin ko ngayon?"tanong ni Primo sa sarili.

"Kung maka pagisip ka naman diyan, eh yung nahuli mo nung huli tayong nangaso yung pato na nilililiman yung mga itlog niya" natatawang sagot ni Gregor sa kanya.

"Hindi nga, pati yun Primo hindi mo pinalampas?"sabat ni Cade sa usapan nila.

"Hindi master Cade, Si Gregor, sinungaling" nakasimangot na saad niya.

"Hindi ako sinungaling Primo, dahil wala kang nahuli ng mga araw na yun, kinuha mo yung pato. Tapos nung dinala na natin yung mga nahuli natin sa base, yung sayo wala dun. Yun pala binalik mo yung pato sa pinagiitlugan niya. Sinisi mo pa yung nagbabantay sa mga huli dahil wala na yung pato dun" tumatawang salaysay ni Gregor.

Nakitawa rin ako sa dalawa habang si Primo ay nakasimangot at hindi maipinta ang mukha.

"Teka, ano ba ang premyo ng mananalo sa pangangasong ito?"kuryusong tanong ni Cade.

"Wala, pero kapag ang pinakamalaking hayop ang nahuli mo, kikilalanin ka ni heneral, pagtutuunan ka niya ng pansin at kapag patuloy na maganda ang takbo ng ipinamamalas mo, bibigyan ka ng ranggo ni heneral sa base" paliwanag ni Gregor .

"Ahh" sambit ni Cade habang nagiisip isip.

"Ang dami mong dada Gregor, pustahan tayo, pag mas malaki ang mahuhuli ko kaysa sa iyo ngayon, lahat ng trabaho ko sa base bukas ikaw ang gagawa" ani ni Primo.

"Sige ,pag mas malaki yung huli ko, magpapakawala ako ng pato bukas at huhulihin mo lahat yun" sagot ni Gregor.

"Sigee, mauna na ako heneral" ani ni Primo saka umalis. Sumunod din sa kanya si Gregor. Naglalakad na rin ako papasok sa gubat.

"Teka" pigil sa akin ni Cade.

"May kailangan ka?"

"Sali ako sa pangangaso ah?"pagkukumpirma niya sa akin.

"Oo na nga diba" sagot ko.

"Kung ganun, pag ako ang may pinakamalaking nahuli, pagtutuunan mo ako ng pansin?" seryosong tanong niya. 

"Hindi ka kasali doon at huwag ka nang umasa, panigurado namang ako ang magwawagi, " mayabang kong saad sa kanya.

"Paano kung hindi?" Tanong niya saka nanlalabang tumitig ng diretso sa mga mata ko.

Sinalubong ko rin ang mga titig niya.

"Lets see" sabi ko na lang saka ko iniwas ang mga mata ko sa kanya. Sa dami ng mga kinatititigan ko, sa lalaking ito ako unang bumitaw dahil madalas sila ang unang iiwas ng tingin. Hangal ka heneral, bakit ka nagpatalo.

"I'll just catch the biggest one, lets see what will happen next then" saad niya saka tumungo papasok ng gubat.

Ilang sandali lang ay pumasok na rin ako sa gubat.  Balak kong makuha ngayon ay ang isang kabayo. Alamat ito sa lugar na ito. May mga taong nakakita na raw dito. Madalas din daw na marinig ang huni nito. May nagtangkang humuli na nito pero hindi sila nagtagumpay. Sobrang mailap daw ito na animo'y ramdam kaagad kong may papalapit. Gayunpaman, kwento lang ito pero susubukan ko pa ring hanapin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Palinga linga sa paligid kong may makitang hayop. Nasa kalaliman na ako ng kagubatan pero wala pa rin akong nakikita kahit isa. Mukhang totoong maiilap ang mga hayop dito. Ilang oras na rin siguro akong palakad lakad, hindi ko manlang nasilayan ang maalamat na kabayo. 

"Yesss, may nahuli na ako, ang tabang baboy ramo"rinig kong sigaw ng isa sa di kalayuan.

Mukhang may kanya kanyang huli na ang bawat isa.  Siguro ang iba na rin ay nagsibalikan na. Maghahanap na lang  ako ng baboy ramo.  Didiretso na sana ako ng may marinig ako sa bandang kanan ko, gumawi ako roon at nakita ang isang purong puting kabayo na sakay si Cade.

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon