Chapter 28

3 5 0
                                    

--

Kasama ko si Heneral Telon , papunta kami ngayon sa hari. Nang makarating ay pinapasok kami ng guwardiya.

"Magandang umaga aming hari"bati naming dalawa.

"Pinapunta ko kayo ngayon, dahil gusto kong kayong dalawa ang bahala sa mga rebeldeng namumuo sa border ng Hera"aniya.

"Bakit hindi si Heneral Quiro?"tanong ni heneral Telon.

"May iba akong ipapagawa sa kanya. Saka matagal na iyong problemang iyon sa border, pero hanggang ngayon hindi pa niya naaayos"sagot ng hari.

"Iyon lang ba hari?"tanong ko.

"Oo at bukas ng umaga kayo pupunta roon"aniya.

"Masusunod " sagot naming dalawa.

"Heneral Barbara, maiwan ka, may sasabihin ako sa iyo"aniya sa akin.

"Mauuna na muna ako"ani ni heneral Telon saka umalis.

Tiningnan niya muna ako saka nagsalita.

"Alam mong isa ka sa mga pinagkakatiwalaan ko para sa pagpapanatili ng kaligtasan ng bansa"panimula niya.

"Maraming salamat"ani ko.

"Alam ko kung anong meron sa inyo ng ikalawang prinsipe,"aniya saka tumayo at tumingin sa may bintana."Nanatili siya sa Larko ng ilang buwan gayong tapos na ang tungkulin niya roon makalipas ang ilang araw, kaya't pinasundan ko siya at inalam lahat ng ginagawa niya"aniya saka humarap sa akin "At namangha ako sa nalaman dahil nanatili siya roon nang dahil sa iyo"

Pinakinggan ko lang lahat ng mga sinasabi niya.

"Hindi na ako magtataka kung bakit nagustuhan ka niya. Pero isang malaking aspeto ang isang babaeng mananatili sa tabi niya at ang buong atensyon nito ay nasa kanya lamang"saad niya saka ako tiningnan "Matalino ka, kaya alam kong alam mo kung ano ang pinupunto ko rito"

Tumango ko bilang pagsagot.

"Nakikita ko sa kanya ang mga katangian ng susunod na magiging hari ngunit wala siyang hangad para dito"saad niya saka umupo"Ngayon, inaatasan kita para bigyan siya ng dahilan upang lumaban para sa trono"

"Pasensya na, pero sa tingin ko wala akong magagawa para baguhin ang nasa isip niya, kung darating man ang araw na gustuhin niyang maging hari ay dahil gusto niya ito at wala akong ginawa para sa desisyon niyang ito"ani ko "Ito ang kauna unahang  hindi ko gagawin ang iaatas niyo sa akin, kaya sana ay mapatawad niyo ako"dagdag ko saka yumuko.

Tumawa siya sa naging pahayag ko.

"Lagi mo na lang akong pinamamangha General Barbara"aniya ng nakangiti "Tama ka, dahil sa tingin ko ang pagibig niya pa lang para sa iyo ang dahilan upang hangarin niyang maging hari"

"Ngayon, gusto kong magdesisyon ka kung anong mas higit para sa iyo, ang posisyon mo o siya"seryosong saad
niya

Mataman ko siyang tiningnan. Inaasahan ko na ito.

"Makaka alis ka na"

Umalis na ako roon at pinag isipan nga ang huling sinabi ng hari habang naglalakad. Hanggang makarating ako sa aking silid ay iyon pa rin ang ang nasa aking isip.

Nadatnan ko sa labas sina Gregor at Primo na naghihintay.

"Anong sinabi ng hari sa iyo Heneral?"tanong sa akin ni Gregor.

"Ipinapamahala niya sa amin ni Heneral Telon ang pagbabantay sa isang border ng Hera"sagot ko.

"Aalis ba tayo ngayon heneral?"tanong ni Primo.

"Hindi kita isasama Primo, Si Gregor lang. Bumalik ka sa Larko ngayon at ikaw muna ang mamahala sa base"sagot ko.

"Sige heneral"aniya.

"Maghanda na kayo Primo sa pagbalik niyo sa Larko"ani ko

"Masusunod heneral"sagot niya saka umalis.

"Gregor" tawag ko sa kanya.

"Ano iyon heneral?"tanong niya.

"Maghanda ka na rin"

"Sige heneral"aniya saka umalis.

Pumasok ako saka umupo, nagiisip nang tungkol sa Hera, sa ikalawang prinsipe at ang mga sinabi ng hari.

"Heneral"tawag sa akin mula sa labas.

Tumayo ako saka binuksan ito. Limang utusan na may dalang mga pagkain.

"Heneral, mga pinahanda po ito ni Prinsipe Leandro, kainin niyo daw po"aniya.

"Pakilagay sa mga mesa"

Sunod-sunod silang pumasok saka isa-isang nilapag ang mga pagkain.

"Pinapasabi rin ni Prinsipe Leandro na ubusin niyo raw po lahat iyon"sabi ng isa saka sila lumabas lahat.

Napangiti ako ng makita iyong mga pinahanda niya, may sinabawang isda na naman. Umupo ako saka sinimulang kainin ang mga iyon at sa huling kutsara ng pagkain na isinubo ko, I already have my decision.

**
Kaninang umaga ay tumulak kami nina heneral Telon at ang ibang mga kasama sa Hera. Tumungo kami sa border na babantayan namin at mag iimbestiga na rin kung ano ang layunin ng mga ito. Narito kami ngayon sa isang toreng gawa sa kahoy na ilang metro lang ang haba.

"Parami sila ng parami, hindi namin sila magawang paalisin dahil nasa labas naman sila ng bansa at hindi nila nilalagpasan ang border"ani ng isang sundalo sa amin.

"Pwedeng may pinaghahandaan sila"usal ni heneral Telon

"Maari heneral, pero sa pagbabantay namin,hindi namin sila nakikitaan nang anumang kahinahinala sa mga kilos nila" sagot niya.

"Ano sa tingin mo heneral Barbara?"tanong sa akin ni Heneral Telon.

"Maaring naghahanda sila para sa isang malaking digmaan"sagot ko.

"Iyon rin ang nasa isip ko, maaring unti-unti silang nagtitipon para pag handa na sila ay saka sila lulusob"dagdag niya.

Kinuha ko ang teleskopyo at tiningnan ang mga ito. Parang isang normal na araw lang ito sa kanila. May nagluluto, kumakain, at nageensayo.

"Wala tayong pwedeng gawin sa ngayon dahil hindi nila nilalagpasan ang border at hindi pa sila pumapasok sa bansa"sabi ko sabay baba ng teleskopyo. 

"Pero baka mabigla tayo at bigla silang lulusob"saad ni heneral Telon.

"Ang sabi ay galing silang kanluran, anong ginagawa nila rito? Paniguradong may binabalak sila"pahayag ko.

"Kaya dapat handa tayo sa anumang oras"aniya habang nakatingin sa akin.

"Tama ka heneral, dapat handa tayo anumang oras"pagsang ayon ko sa sinabi niya.

Umalis kami doon ni heneral Telon at nagikot-ikot sa lugar.

"Nakakabagot ang ganito, nagbabantay lang"usal niya.

"Masaya nga ito eh, walang masyadong ginagawa"sabi ko.

Tumawa siya sa sinabi ko.

"I never expected you to say that"aniya

"Tinatamaan din ako ng katamaran heneral"sabi ko.

"I learned something new about you today"sabi niya saka tumingin sa akin "Makes me think less to myself again"

Hindi na ako nagsalita. Nagpatuloy lang kami sa pag ikot. Sa tantya ko ay may tatlong daang sundalo ang nagkalat dito.

"Lets go back, We'll continue again tomorrow"biglang sabi ni heneral Telon.

Tumango ako saka kami umalis pabalik sa kampo.

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon