Chapter 3

11 9 0
                                    

Vote and Comment Guys 💗
--

Hindi ko na nakita si Cade sa mga nagdaang araw. Dapat lang, wala siyang karapatang tawagin ako sa pangalan ko lang, walang respeto. Isa rin itong si Primo, hindi ko nakakalimutan ang ginawa niyang paghatak sa akin basta basta. Tuwing titingnan ko siya, ayun at parang isang napaka among tupa.
Hindi ko siya pinapansin nitong nakaraan.

"Heneral, hindi mo parin ba ako napapatawad, Sorry na" sabi niya habang papunta kami sa tarangkahan. Lumuhod pa siya at patuloy na nag mamakaawa.

"Ano ba kasing ginawa mo?" Tanong sa kanya ni Gregor.

"Gregor, tulungan mo naman ako, hindi ko naman sinasadyang hatakin siya eh" pangahas, anong hindi sinasadya. Ang sabihin mo ayaw niyang may gawin akong hindi maganda sa lalaking yun.

"Bakit kasi hinawakan mo? Alam mo namang ayaw na ayaw ni heneral na may humahawak sa kanya" paliwanag ni Gregor sa kanya.

" Nabigla lang ako, Hindi ko na uuliitin heneral, Pangako" at dahil nakakainis na ang kakangawa niya.

"  Tumayo ka na riyan, pag inulit mo pa , puputulin ko yang dalawang braso mo, maliwanag?"madiing sabi ko sa kanya

" Oo heneral, salamat" nagagalak na saad niya, sa sobrang tuwa ay yayakapin na niya sana ako ng pigilan siya ni Gregor.

"Oh, kasasabi mo lang ah"

" Tara na nga" sabi ko sa kanilang dalawa.

Sumakay kami sa kanya kanya naming kabayo. Pinatakbo ko na itong akin at sumunod yung dalawa.  Pupunta kami sa Sentro, may idinaraos na pista kasi roon. May pinapunta na akong mga sundalo, kahapon pa upang magbantay. Sumunod kaming tatlo upang siguraduhin ang kaligtasan ng bawat isa at tingnan kung maayas ang pagbabantay na ginagawa nila. . Katunayan ay imbitado kami sa kasiyahan at tiyak ang gobernador, na aking ama ay naroon.

Nagpatuloy lang kami hanggang sa marating namin ang Sentro. Ang daming tao.

" Magandang araw heneral" bati ng mga taong nadaraanan namin. Kita mo ang saya sa mukha ng bawat isa sa kanila. May mga palamuti pa silang inilagay sa mga ulo nila at ayos na ayos ang mga itsura nila.

"Magandang araw din" pabalik kong bati sa kanila.

"Grabe heneral, ang daming tao" manghang sabi ni Gregor.

" Oo nga, ang dami ko ring nakitang pagkain kanina duon" sabi naman ni Primo habang tinuturo ang hanay na may mga pagkain.

"Hindi tayo nandito para makisaya, ang layunin natin ay siguraduhing magpatuloy ang kasiyahan matapos ang gabing ito" pangangaral kong saad sa dalawa.

"Gregor, tingnan mo  kung maayos ang ginagawang pagbabantay ng ating mga kasamahan at ikaw Primo, darating mamaya ang gobernador at paniguradong may mga importanteng tao ring dadalo mamamaya, tayo ang nakatoka sa kanila" utos ko sa dalawa.

"Sige heneral" sagot nilang pareho at saka umalis na si Gregor.

Nagpatuloy kami ni Primo. Siguro mag-aalas tres pa lang ng hapon. Maaga pa bago simulan ang kasiyahan. Maya maya na rin darating ang iba pang mga panauhin. Nagmamatyag na lang kami ni Primo habang hinihintay ang oras.

"Heneral, magandang araw" bati ng nakasalubong naming si aling Kara. Isa sa pinakamatanda rito sa Larko.

"Magandang araw" pagbati namin ni Primo sa kanya.

"Teka, dumaan mo na kayo sa bahay heneral, kumain muna kayo saglit, minsan lang kayo dumayo rito kaya, samantalahin niyo na" ngiti ngiting sabi ng matanda sa amin. Tatanggi na sana ako ng pinigilan ako ni Primo.

"Sige na heneral, kanina pa tayo palakad lakad. Gutom na rin ako eh" sabi niya habang hinihimas ang tiyan at umarteng pagod na pagod. Tumawa ang matanda sa sinabi niyang ito.

"Hali na kayo, ang dami naming inihanda"

Sumama na lang ako sa kanila. Medyo gutom na rin ako. Pagdating namin sa bahay nila ang dami nga nilang handa. Ibat ibang klase ng ulam,  mga putahe ng isda at karne, may mga prutas tulad ng mangga, papaya, mansanas at iba pa. 

"Ang dami" manghang saad ni Primo.

"Umupo na kayo diyan, heneral oh" sabi ng matanda habang ipinaghila niya ako ng upuan. Si Primo, hindi na nagpaligoy ligoy pa at umupo na tsaka sumandok ng kakainin niya.

"Salamat" maiksing sagot ko sa kanya.

Kain lang ng kain si Primo. Gabundok na yung nasa plato ng walang hiya. Kumuha lang ako ng konting kanin tsaka ng sinabawang isda.

"Naku, bakit ang liit ng kinakain mo heneral, dapat sayo maraming kinakain, eto pa oh" sabi ng matanda sabay lagay ng karne sa plato ko at dinagdagan niya rin ng kanin.

"Ewan ko nga diyan kay heneral, ang liit ng kinakain, dapat sa amin na nakikisabak sa labanan, kain lang ng kain, malay mo ito na pala yung huling kain natin" pabirong sabi ni Primo habang tumatawa pa. Gunggong.

"Naku, huwag ka ngang magbiro ng ganyan" awat sa kanya ng matanda.

Hindi sumagot si Primo at patuloy lang  sa paglamon, kung tatantsahin, baka pwede na sa pang limang tao yung kinakain niya, hindi man lang ba niya naisip na baka may parating pang mga bisita at ano na lang ang ihahain na pagsasaluhan ng mga ito.

"Salamat sa pagkain, aalis na kami, hindi kami pwedeng magtagal dito, may kailangan pa kaming gawin" sabi ko habang tinatapos ang pagkain ko.

"Primo tara na" nagmadaling sinubo niya ang pagkain saka tumayo.

"Maraming salamat sa pagkain aling Kara, nabusog po ako, sobra" tss. Kung hindi ko pa sinabing aalis tayo baka inubos mo na nga yung handa nila.

"Oh siya sige, ai teka, may ibibigay ako sa inyo" sabi ng matanda saka may kinuha sa kusina nila.

"Eto, bagong huling isda yan kanina, malalaki pa, baunin niyo na" sabi niya habang inaabot sa amin ang supot na may tatlong malalaking isda. Kinuha ito ni Primo.

"Salamat, sakto may uulamin kami bukas" masayang sambit niya.

"Alis na kami" paalam ko sa kanya.

Malapit ng dumilim ng papunta kami sa pagdarausan ng pista ng matanaw ko ang gobernador, kasama ang gobernador Ecres , ang bayang pinaka malapit sa amin. May mga kasama pa sila pero hindi ko sila nakikilala.

"Maligayang pagdating gobernador Ecres at magandang gabi gobernador" salubong ko sa kanila.

"Magandang gabi rin, gobernador Ecres at gobernador Larko"masayang pagbati rin ni Primo sa kanila.

"Heneral Barbara, nagkita muli tayo, tanda ko pa, huli tayong nagkita noong kaarawan pa ng hari, masaya akong makita ka ngayon" ani ng gobernador Ecres. Ngumiti ako sa kanya.

"Nandito ako para siguruhin ang kaayusan ng pistang idaraos ngayon" saad ko.

"Minsan lang sa isang taon ang pistang ito, kalimutan mo muna ang dapat mong gawin at makisaya ka samin" pagaanyaya niya sa akin. Tiningnan rin ako ng aking ama. 

"Sige na Barbara, sumalo ka sa amin ngayon, maraming kang bantay na idinestino, kayang kaya na nila yun" sabat naman sa akin ni ama.

Hindi na muli akong tumanggi at pumayag sa gusto nila. Kasama ko si Primo ngayon. Papunta na kami sa pagdarausan ng pista. Marami silang pinaguusapan tungkol sa bansa. Palinga linga lang ako habang naglalakad kami. Nakikita ko rin ang mga nagkalat na mga sundalo. Sana lang ay walang hindi magandang mangyari ngayong gabi.

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon