Chapter 30

3 5 0
                                    

Vote and Comment Guys 💗
--

Pinagsandok ng pagkain ni Zenaida si Leandro. Nilagyan niya ng ulam at kanin iyong plato niya. Naglagay na rin kami ni Heneral Telon, saka sinimulang kumain.

"Walang isda, ayos ka lang ba sa kinakain mo?"biglang tanong sa akin ni Leandro.

Natigilan naman iyong dalawa sa pagsubo.

"Ayos lang, hindi naman ako maarte sa pagkain, kumain ka na lang diyan"sagot ko.

"Kumusta na pala iyong binti mo Zenaida, ayos na ba?"rinig kong tanong ni Heneral Telon.

"A-ayos lang Heneral, Hindi naman ganoon kalala"mahinhing sagot niya. "Salamat nga pala sa pagligtas sa akin"

Tumango lang si Heneral Telon saka itinuloy na ang pagkain. Nilagyan ng ulam ni Leandro iyong plato ko.

"Hmm, Prinsipe Leandro, anong gagawin mo bukas?"tanong ni Zenaida.

"Sasamahan ko si General sa mga gagawin niya"sagot niya.

"Pwede ba akong sumama?"tanong ulit niya.

"Boring yung ginagawa namin, nag iikot lang"sabat ni Heneral Telon.

"Ayos lang, wala naman akong gagawin bukas"aniya.

Talagang wala kang magagawa dito.

"Sige, ikaw bahala"sagot ni Leandro.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain hanggang matapos kaming lahat. Nag anyaya si Heneral Telon na lumabas muna kami dahil may ginawa silang bonfire. Nakita ko si Gregor at ibang mga sundalo na nakaupo na roon. May bakanteng upuan na pangdalawahan. Umupo ako rito at umupo rin si Leandro sa tabi ko. Tiningnan pa ni Zenaida kung may pwede siyang upuan sa tabi namin kaso wala kaya umupo siya sa tabi ni heneral Telon na malayo sa pwesto namin.

"Tabi tayo matulog mamaya"biglang sabi ni Leandro.

Napatigil ang mga katabi namin sa ginagawa nila at napatingin sa amin ni Leandro. Mukhang pati sina Heneral Telon at Zenaida ay narinig iyon.

"May sarili kang silid Prinsipe"usal ko.

"Akala ko walang nakahanda na silid para sa akin kasi biglaan kaming dumating, kaya naisipan kong sa silid mo na lang ako matutulog"nakangising sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ng nakarinig sa sinabi niya. Napatikhim naman si Gregor.

"Isa kang Prinsipe, kaya siguradong may silid na nakahanda na para sayo"sagot ko "Pwede ba, tumahimik ka na riyan, kung ano-ano na naman ang sinasabi mo"

"Nahihiya ka lang eh"aniya saka isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

Mas lalong nanlaki ang mga mata nang mga katabi namin.

"Diyan ka na, matutulog na ako"sabi ko saka inalis ang ulo niyang naka sandal sa akin at nagsimulang lumakad.

"Sabay tayo"rinig kong sabi niya.

"I always feel great whenever Im with you General"aniya. "I dont feel any pressure, just love and happines"

"Saan ka nappressure?"tanong ko saka humarap ako sa kanya.

"Sa kaharian, thats why I always like to go out. Nalibot ko na nga ata ang buong bansa dahil lagi akong wala roon" natatawang sabi niya. "Simula bata ako, ayokong manatili sa kaharian. I dont know why"

"You were born as a Prince, dapat tanggapin mong sa kaharian ka mananatili " saad ko "May mga responsibilidad kang dapat gawin kaya huwag mo itong takbuhan. If you have to fight then fight, lumaban ka kahit ayaw mo, whether win or lose, you know that your responsibility as a prince is done "hayag ko.

Nakangiti lang siya sa sinabi ko.

"Alam mo bang wala akong intensyong lumaban para sa trono?"aniya. "Sabi ko, hahayaan ko na lang ito para sa una at ikatlong prinsipe"

"Pero nagbago ang lahat ng makilala kita"dagdag niya habang nakatitig sa akin "Kung ang pagiging hari ang paraan para panatilihin ka sa tabi ko, lalaban ako para sa trono"

Matapos niyang sabihin iyon ay inihatid niya ako sa aking silid. Nakahiga na ako at handang matulog pero hindi ako makatulog. Kainis, bakit niya ba kasi sinabi iyon, tuloy parang sirang plaka na paulit ulit na naririnig ko sa utak ko.

**
Umaga na, bumangon ako saka nagbihis. Lumabas ako saka naabutan ang ilang sundalo  na nagkakape. Naroon rin si Zenaida na nakaupo at mukhang hindi maganda ang gising.

"Magandang umaga heneral, kape oh"sabi ni Gregor saka inabot sa akin ang isang kapeng hawak niya.

"Salamat"sabi ko.

"Hanggang kailan tayo magbabantay rito Heneral?"tanong niya.

"Hanggang natitiyak natin na hindi sila susugod sa bansa natin"sagot ko.

"Pero sa tingin ko heneral naghahanap lang sila ng tamang tyempo para sumugod"aniya.

"Kaya dapat handa tayo. Kung sakali mang lulusob sila, kaya ng Hera na magpadala kaagad ng sundalo rito"saad ko.

"Oo heneral, kung sakaling kulang man, may Faros pa naman na malapit sa Hera na pwedeng tumulong"aniya.

"Wala bang balita kung may umaaligid din sa ibang border?"tanong ko.

"Wala naman heneral"sagot niya."Sige heneral, magiikot na kami"

Tumango ako saka siya umalis. Uminom ako ng kape.

"Good Morning, maayos ba ang tulog mo?"tanong sa akin ng bihis na bihis na Prinsipe.

"Maayos naman"sagot ko

"Gusto ko rin ng kape"aniya ng makita akong humigop.

"Marami ata roon sa loob, mag pagawa ka roon"sagot ko.

"Tinatamad ako, share na lang tayo"aniya saka kinuha iyong tasa ko at uminom dito.

"Ipagtitimpla kita Prinsipe"sabat ni Zenaida habang papalapit  sa amin.

"Hindi na, okay na ako rito"sagot niya habang ipinakita sa kanya iyong kape ko.

"May batis dito Prinsipe, gusto mo maligo roon?"tanong ulit ni Zenaida.

"Ayoko, sasamahan ko si Heneral sa gagawin niya ngayon"sagot niya.

Sumimangot si Zenaida sa pagtanggi ni Leandro sa alok niya.

"Pwede naman kayong mamasyal doon Prinsipe, magbabantay lang naman kami, mababagot ka lang"saad ko.

"Ayoko, mas gusto kong kasama ka kaysa maligo sa batis"aniya. "Maliban na lang kung kasama ka at sabay tayong maligo"

"Ayoko, mag iikot na lang ako"sabi ko.

"Kung ganun, tara na" aniya "Sumama ka na sa amin Zenaida"

Tumango si Zenaida saka kami nagsimulang lumakad. Nagkkwentuhan itong dalawang kasama ko habang ako'y nagtitingin sa lugar.

"Naalala mo pa ba Prinsipe noong mga bata pa tayo, lagi kang may dalang bulaklak para sa akin"rinig kong sabi ni Zenaida.

"Ah Oo, tuwing dumadayo kami roon ni Cade."aniya "Noong una pa nga ayaw mong makipaglaro sa akin kasi hindi kita binigyan ng bulaklak, kaya magmula noon may dala akong bulaklak para sayo"

"Naalala mo pa Prinsipe, Eh, yung minsang nadapa ako at nasugatan iyong tuhod, grabe iyong iyak mo noon Prinsipe"natatawang sabi ni Zenaida.

Kung ganitong magkkwentuhan lang sila, sana nagpaiwan na lang sila sa kampo. 😑

 

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon