Chapter 33

1 4 0
                                    

--

"Heneral Telon"tawag ko sa kanya.

Kalalabas niya lang mula sa kampo at sa ayos nito ay mukhang bagong bihis.

"Heneral Barbara, may kailangan ka?"tanong niya.

"May gusto akong ipakita sa iyo"sagot ko.

"Ano iyon?"tanong niya.

"Tara sa loob"sabi ko.

"Saan kayo pupuntang dalawa?"biglang tanong ni Leandro sa amin. Kasama niya si Cade.

Kung makatanong naman toh, parang nanghihinala.

"May paguusapan kami"sagot ko.

"Sama ako"aniya.

Tumango ako saka kami pumasok sa kampo. Pumunta kami sa isang mesa at inilabas ko ang mapa.

"Yan ang ipapakita mo sa akin?"tanong sa akin ni Heneral Telon.

Tumango ako.

"Ang sabi sa atin, ang mga sundalong umaaligid sa border ng Hera ay nagmula sa kanluran"panimula ko "Kung may balak silang maghamon ng digmaan, bakit pa sila iikot saka pupunta sa Hera at dito magsimula ng digmaan"

"Ang ibig mong sabihin heneral, wala silang balak na masama sa bansa?"tanong ni Cade.

"Hindi, tingnan niyo ang Grekos"sabi ko saka itinuro ang Grekos sa mapa "Ito ang pinakamalapit na pwede nilang pagsimulan ng gyera, kaysa sa Hera na iikutin pa nila"

"Pero wala kaming nakikitang mga sundalo o rebelde na namumuo sa border ng Grekos"saad ni Heneral Telon.

"Maaring, ilang kilometrong layo lang mula sa border ng Grekos, ay naroon sila"sagot ko.

"Anong plano mo?"tanong ni Leandro sa akin.

"Magpadala ng espiya na titingin kong may mga namumuong sundalo sa labas ng border ng Grekos"sagot ko.

"Magpapadala ako, ngayon din"sabi ni Leandro.

"Kung tama iyong hinala mo, anong dahilan nila at nagpadala pa sila ng mga sundalo sa border ng Hera?"tanong ni Heneral Telon

"Siguro'y patibong, para maalarma tayo"sagot ko.

"Ano nang gagawin natin ngayon?"tanong ni Heneral Telon.

"Maghintay sa ibabalita ng espiyang ipapadala"sagot ko.

"Kailangan itong malaman ng amang hari"saad ni Cade sa akin.

"Sasabihin natin kung sigurado na tayo sa mga ito"sagot ko "Pero sa ngayon, wala muna tayong sasabihin sa hari"

"Cade, ikaw ng bahala sa espiyang ipapadala"utos ni Leandro sa kanya.

"Sige Prinsipe"sagot niya saka umalis.

"Kung tama ang hinala mo heneral, nagsasayang lang pala tayo ng oras dito"usal ni Heneral Telon "Labas muna ako"

Naiwan kami rito ni Leandro na hanggang ngayon ay nakatingin sa mapa.

"Tama ka, maaaring patibong lang ang nangyayari dito sa Hera"usal ni Leandro "Ngayong napagisip isip ko, nagpadala ang amang hari ng isang libong sundalo rito at dalawang heneral. Nabawasan ang pwersa ng ibang bayan, mas madali para sa kanila na isakatuparan ang plano nila"

Matapos sabihin iyon ay tumingin siya sa akin ng diretso.

"Kung tama ang teorya mo, Gugustihin mo bang ikaw ang mamumuno sa mga lalabang sundalo ng bansa?"seryosong tanong niya.

"Ano ka ba, ito ang tungkulin ko "sabi ko "Kung iaatas ito sa akin ng hari, gagawin ko"

"Bakit ngayon pa lang, hindi mapalagay ang loob ko"aniya.

"Praning ka lang" natatawang sagot ko "Tara, pasyalan natin iyong batis na sinasabi mo"kunway sabi ko para hindi na magisip ng kung ano-ano.

Tumango siya saka ngumiti pabalik sa akin.

Lumabas kami ni Leandro saka inihanda ang gagamitin naming kabayo para pumunta sa batis.

"Saan kayo pupunta?"tanong ng papalapit sa aming si Zenaida.

"Sa batis"sagot ko.

"Sasama ako" saad niya "Niyaya kita noon na pumunta roon Prinsipe Leandro pero tinanggihan mo ako, tapos ngayon pupunta kayong dalawa at mukhang wala pa kayong balak na isama ako"

"Sumama ka na"sabi ko. "Kumuha ka ng gagamitin mong kabayo"

"Ookaay"aniya saka humila ng isang kabayo.

Sumakay na kami saka tinungo ang batis. Mabilis kaming nakarating dahil malapit lang pala ito. Bumaba kami sa mga kabayo. Ang tahimik at rinig ang lagaspas ng tubig.

"Malamig iyong tubig doon at sobrang linis"sabi ni Zenaida "Oh, Si Heneral Telon"

Naroon nga si Heneral Telon, dito rin pala siya pumunta. Nilapitan siya ni Zenaida.

"Ang tahimik mo"sabi ko kay Leandro. Kanina pa ito walang imik.

"Sana mali ang teorya mo"usal niya.

"Hmm, sana nga mali"pagsasang ayon ko. "Bakit ba iyan ang iniisip mo, tara lumapit tayo sa batis "

Nauna akong naglakad at sumunod siya sa akin. Nakaupo si Heneral Telon sa gilid at si Zenaida naman ay tinampisaw ang mga paa sa tubig. Nilapitan ko si Heneral Telon at si Leandro naman ay lumapit sa may tubig.

"Dito ka rin pala pupunta Heneral"sabi ko kay Heneral Telon.

"Oo, hindi ko alam na pupunta rin pala kayo rito"aniya.

"Naisipang bigla lang"ani ko "Sige, maiwan muna kita rito"

Tumango lang siya saka ko nilapitan si Leandro.

"Maliligo ka?"tanong ko.

"Bakit, gusto mong makita akong nakahubad?"aniya.

"Pwede naman"sagot ko.

"Gusto mo akong makitang nakahubad?"hindi makapaniwalang tanong niya.

"Okay lang, palagi naman akong nakakakita ng mga lalaking walang suot na damit at pantalon"sagot ko.

"Marami ka ng nakitang katawan ng lalaki? Sino-sino?" tanong niya "Ano ba yan, dapat ako ang una at huling lalaking makikitaan mo ng katawan"

"Yung mga sundalo sa Larko, madalas kasi silang maghubad ng pang itaas"sagot ko.

"Dapat kasi pinagalitan mo o di kaya ay pinarusahan mo para hindi sila naghuhubad"ungot niya.

"Sabi nila naiinitan sila kaya hinayaan ko na lang"saad ko.

"Aish, Ipangako mo"aniya.

"Ang alin?"tanong ko.

"Na hindi ka titingin sa katawan ng ibang lalaki, magmula ngayon sa katawan ko lang ikaw tititig"aniya.

Kadiri naman toh, hindi ko naman tinititigan iyong mga katawan ng mga sundalo. Ni hindi ko nga pinapansin iyong mga katawan nila. Tsaka, bakit ko naman tititigan iyong katawan niya. Haisst, kung ano-ano na naman ang pinagsasabi niya.

"Bahala ka riyan, tinanong ko lang naman kong maliligo ka, kung saan saan na napunta ang usapan"usal ko.

"Teka, ibabad natin iyong mga paa natin sa batis"aniya saka inalis ang suot sa paa.

"Hindi na, ikaw na lang"sabi ko saka umupo sa may damuhan.

"Dali na, giginhawa ang pakiramdam mo" aniya "Ay, matagal na palang maginhawa ang pakiramdam mo magmula ng mahalin mo ako"

😶😶

Tinanggal niya ang suot ko sa paa saka namin ibinabad pareho ang mga paa namin sa tubig. Malamig nga ang tubig at nakakaginhawa sa pakiramdam.



You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon