Chapter 8

8 6 0
                                    

Vote and Comment Guys 💗
--

"Katayin natin itong isang baboy ramo heneral, gawing pulutan tsaka mag inuman" kunway pagpapaalam sa akin ni Gregor.

Kadarating lang namin sa base. Mukhang pagod din ang karamihan at okay lang naman na magsaya paminsan minsan.

"Oo nga heneral, selebrasyon din dahil nahuli mo ang maalamat na kabayo" masayang pahiwatig ni Primo.

"Kayong bahala, basta bukas balik ensayo ang lahat" ani ko.

Masaya ang lahat sa naging pahayag ko. Sinimulan na nila ang pag aayos sa selebrasyong gagawin nila. Iniutos ko naman sa isa na ikulong si Karrie sa isang kwadra.

"Maginuman  tayo mamaya master Cade" anyaya ni Primo kay Cade.

"Sige, magpapalit lang ako saglit" sagot niya

"Sige, hintayin ka namin dito master Cade"sabi niya saka masayang umalis.

"Magpapalit lang ako"pagpapaalam na sabi ni Cade.

"Sasama ako" ani ko.

"Sasamahan mo akong magpalit?"biglang tanong niya.

"Hindi" saka tinuro yung sugat sa paa niya. "Gagamutin ko saglit yan"kako.

"Ahh, Okay"pagkasabi ay ngumiti sa akin.

Dumaan muna kami sa manggagamot upang kumuha ng medisina na gagamitin  saka dumiretso na sa kanyang silid. Binuksan niya ang pintuan saka ako pinapasok. Umupo siya sa kama.  May mga damit akong nakita na naka ayos sa isang patungan. Mga mamahalin dahil sa ganda ng mga telang ginamit.

"Mukhang magtatagal ka dito dahil sa dami ng damit na dala mo at mukhang itong base ko pa ang naisipan mong tirahan" saad ko habang sinisimulang linisan ang sugat niya.

"Ah. marami pa kasi akong gagawin dito" natatawang sagot niya.

"Akala ko ba tapos mo na ang tungkulin mo, kilala niyo na ang pumupuslit, ano pang kailangan mong gawin dito?"tanong ko habang nilalagyan ng gamot ang sugat niya. 

"Hmm, may panibago ulit na iniatas sa akin dito sa Larko"

Tinapos ko ang panggagamot sa kanya. Tinalian ko na rin ito.

"Tapos na" sabi ko sa kanya saka tumayo.

"Mukhang maalam ka sa panggagamot."

"Kailangan eh, sa digmaan, kailangang handa ka. Dapat alam mong gamutin ang sarili mo kung sakaling may mangyari sa iyo"paliwanag ko sa kanya.

"Paano ka naging heneral?"tanong niya.

"Ito ang hiningi kong parangal matapos kong iligtas ang hari noon"sagot ko.

"Iniligtas mo ang amang hari?"hindi makapaniwalang tanong niya.

"Amang hari?"

"Ah? Ang ibig kong sabibin ang hari"tumingin ako sa kanya.

"Matagal na rin yun, madalas ikwento sa akin ng ama ko noon, na magaling ang hari noong prinsipe pa siya sa pakikidigma. Kung hindi raw sa galing at tapang niya na pigilan ang mga kalaban noon, ay malamang matagal ng nasakop ang bansa natin. Kwento rin ni ama na magaling ang hari sa paghawak ng espada. Maraming sumubok na kalabanin siya pero walang nanalo ni isa. Dahil doon, isa ako sa naging taga hanga niya. Gusto ko ring maging tulad niya na ipaglaban ang bansa. Minsan, nabalitaan namin na pupunta ang hari sa bayan ng Ecres, malapit lang ito sa Larko kaya pinilit ko si ama noon na pumunta roon para makita ang hari. Nung una tumanggi pa siya kasi mahaba ang lalakbayin namin pero hindi ako tumigil sa pagpilit sa kanya kaya ayun at dinala rin ako roon" natatawang salaysay ko saka tiningnan siya at mukhang inaantay ang sunod na sasabihin ko.

"Nung naroon na kami sa Ecres, maraming tao roon na gustong makita rin ang hari. Siksikan at wala ng magandang pwesto. Kaya ang ginawa ko pinilit kong siniksik ang sarili ko para mapunta sa harapan. Nagtagumpay naman ako. Ilang sandali lang ng dumating rin ang hari kasama ang dalawa nitong prinsipe. Namamangha akong tiningnan ang hari noon. Ang gwapo niya ha kahit medyo may edad na"

"Tanda na yun, sana yung prinsipe na lang ang pinaka tinitigan mo."rinig kong sabat niya. Hindi ko ito pinansin at ipinagpatuloy. 

"Nagsasalita ang hari noon ng palinga linga ako para hanapin si ama ng may mapansin akong tao sa itaas ng isang tore. Nakatayo siya at may hawak na pana. Inihanda niya ito ng para bang may papanain, ng tiningnan ko kung saan niya ito inaasinta, sa nakatayong hari sa harapan. Nakita kong binitawan niya ang palaso kaya ang una kong ginawa, kinuha ko ang isang espada ng gwardiya at pinigilan ang palasong tatama sa hari gamit ito at yun na nga, kinilala ako ng hari, pinarangalan kaya nandito ako ngayon sa posisyon ko."saad ko.

Tiningnan ko siya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tulala pa siya na animo'y may malalim na iniisip.

"Kung ganun, ikaw yun, bakit nakalimutan ko ang pangyayaring iyon"may binulong siya pero hindi ko narinig.

"Paano mo iyon nagawa?, ang bata mo pero nagawa mong harangan ang papalaso gamit ang espada"tanong niya matapos magbalik sa huwisyo.

"Madalas akong turuan ni ama sa pakikiespada. Siya ang una kong guro sa pakikipaglaban. Anim na taong gulang ako noon ng magsimula ako. Masasabing bihasa ako noon palang, mas lalo pang gumaling ng bigyan ako ng hari ng espesyal na pagsasanay" paliwanag ko.

"I like You General"biglang saad niya na mukhang hindi pinag isipan at nasabi na lang.

"Gusto rin kita"saad ko.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang usal niya at na ngingiti pa.

"Oo naman, anak ka ng gobernador Faros, ang pinaka mayamang bayan sa bansa. Pag kailangan namin ng tulong niyo sana mapag unlakan niyo kami"sagot ko at biglang nangasim ang mukha.

"Master Cade"tawag ni Primo habang kumakatok sa pintuan.

Mukhang wala atang balak buksan ni Cade kaya ako na ang nagbukas.

"Heneral?A-anong ginawa niyong dalawa rito?"tanong niya.

"Heneral, Kahit kailan hindi ka sumusuko sa ano mang bagay lalo na sa labanan, pero bakit ka sumuko kay master Cade."tuloy niyang sabi. Walang nagsalita sa amin ni Cade. 

Pinagsasabi nito?

"Alis na ako"paalam ko saka lumabas ng silid. 

"Ano master Cade?pakakasalan mo na ba si heneral, huwag mo akong kakalimutan ah, kahit papaano ako ang dahilan kung bakit mo nakilala si heneral"rinig kong sabi ni Primo ng isara ko ang pinto.

Gunggong, Anong kasal? Nasisiraan ka na talaga ng utak. 

"Wala, ginamot niya lang yung sugat ko. Tara na nga at uminom"rinig kong sagot ni Cade.

Haay, buntong hininga ko saka umalis na roon.

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon