Chapter 27

4 5 0
                                    

Vote and Comment Guys 💗
--

Bumalik ang hari sa kanyang silid upang magpahinga ng matapos ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.  Umalis na rin ang iba pang mga panauhin. Inanunsyo rin kanina ng hari na magpaiwan muna kami sa kaharian ni Heneral Telon at may sasabihin siya sa amin bukas ng umaga.

"Heneral Barbara"tawag sa akin ni Heneral Wilson.

"Aalis na kami"nakangiting paalam niya sa akin.

May kasama siyang isang lalaki na nakatingin sa akin.

"Mag iingat kayo Heneral"saad ko.

"Umm, gusto ko lang ipakilala, kanina pa niya ako kinukulit"natatawang sabi niya. "Siya ang anak ng Gobernador Faros, si Cade"

Tiningnan ko iyong lalaki.

"Ako si Caddeus Storm Sans, idolo kita Heneral"nakangiting sabi niya.

"General Barbara Athenos Wilan"pagpapakilala ko.

"Oh ayan na, nakilala mo na siya, alis na tayo"sabi ni heneral Wilson sa kanya.

"Mm, sige. Paalam Heneral"sabi niya.

"Alis na kami Heneral"ani ni heneral Wilson saka nagsimulang maglakad paalis.

"Cade"tawag ko. Humarap ito sa akin.

"Sa susunod na hayaan mong gamitin ng iba ang pangalan mo, humanda ka"sabi ko.

Napalunok siya sa sinabi ko at tumango tango.

"Alis ka na, baka maiwan ka"nakangiting sabi ko.

"O-oo."aniya saka madaling hinabol si heneral Wilson.

Lumapit sa akin sina Primo, Gregor at Rica.

"Grabe heneral, ang sasarap ng pagkain tapos ang ggwapo ng mga prinsipe, kamukha pa ni master Cade iyong isa"masiglang sabi ni Rica.

"Tumahimik ka nga"saway ni Primo kay Rica.

"Tara na gusto ko ng magpahinga"ani ko sa kanila.

"Sige heneral"saad ni Gregor.

Sumunod iyong tatlo sa akin habang paalis kami. May nakahandang silid para sa amin at doon kami tutungo ngayon.

"General Barbara"tawag sa akin ng papalapit na si Zenaida.

"Hindi ko pormal na naipakilala ang sarili ko, nagkita na tayo minsan sa pista ng Larko, Im Zenaida Muero"nakangiting saad niya.

"Mukhang kilala mo naman na ako kaya hindi ko na kailangan sabihin kung sino ako"sabi ko sa kanya.

"Hmm, kilala ka ng lahat, pati sa Hera matunog ang pangalan mo"aniya saka ngumiti.

"Salamat, kung wala ka ng iba pang sasabihin, mauna na kami"ani ko rito saka nilagpasan siya at umalis. 

"May gusto akong tanungin sayo"pigil niya sa amin.

"Anong meron sa inyo ni Prinsipe Leandro?"tanong niya.

"Sino ka sa tingin mo para tanungin ako niyan"sagot ko saka umalis.

Tiningnan ko ang silid na ipinahanda para sa akin. May sarili ring silid sina Gregor, Primo at Rica. Umupo muna para magpahinga saglit. Ilang sandali pa ay napagpasyahan ko ng maligo, pagkatapos ay nagbihis. Malapit ng gumabi ng tumingin ako sa labas. May biglang kumatok kayat pinagbuksan ko ito. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng ikalawang Prinsipe.

"Hi"bati niya.

Nakatayo lang siya sa labas na animoy hindi alam ang gagawin.

"Prinsipe... Leandro"usal ko "Anong ginagawa niyo rito?"tanong ko.

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon