CHAPTER 5

6 2 0
                                    

Zay's POV

Kasalukuyan na kami ngayong tumatakbo papunta sa room namin galing sa room nila Jubi. Nanghiram kasi kami ni Chris ng watercolor at gunting sa kanya. May sinabi pala kahapon sa art class namin na magdala ng gamit at kung bakit di ko narinig yun ay di ko din alam.

Pagkapasok namin sa room ay tumabi naman si Chris sakin dahil Art Class naman yun. Pupwede kahit saan umupo. Kaya ang nagyare is nagkatabi sila ni vani.

Napapagitnaan namin siya. Hindi ko alam kung bakit parang may iba sa kinikilos niya ngayon. Aligaga siya masyado sa tabi ko na parang may dinaramdam na di kaaya-aya!

Late na nga siya kanina eh tsk.

Anong nangyayari sa kanya? Kanina din halatang wala siyang gana nung pumunta kami sa room nila jubi.

" Class, we'll not gonna used your watercolor and scissors for today. Di ko nadala yung gamit ko na kelangan niyo para masimulan yung activity na ipapagawa ko. Any ways, iba na lang ipapagawa ko senyo."

Aishh!! Tumakbo pala kami sa wala!

" Kinda choose a partner that you TRUST so much in this room. After you choose, start a conversation. Tell them the reason why you trust them so much . Inclined yang gagawin niyo sa topic natin for today. It's all about appreciating the beauty of one's heart . It' s like appreciating the nature for nature lovers. Ano nga ba ang nakapukaw sa damdamin niyo para pagtiwalaan ang isang tao? Because we all know, TRUST isn't something that's so easy to earn. Maraming tao ang takot magtiwala maybe because nasaktan na sila ng sobra dati and we can't blame them for that. Now let's see your reasons! "

" Chris tayo na lang partner wah!"

" Syempre naman, lalayo ka pa ba?"

" Eh kasi naman baka yung isang katabi mo dyan yung gusto mong makapartner eh"

" Luka TRUST nga daw eh, di naman sinabing LIKE"

" Luka ka talaga, anlakas ng boses mo, rinig ka nyan for sure!"

" hahaha. Hayaan mo siya! Maigi na't alam niya."

" Sige ikaw din. Sabi mo eh"

At saka kami nagharapan ng upuan then we share our thoughts to each other regarding to the TRUST topic.

So I'll start first "  si Chris

" Go!"

" The reason why I trust you so much is because magaan yung loob ko sayo,komportable ko sayo, basta magaan kang kasama. Nasasakyan mo lagi trip ko. And also di mo ko hinuhusgahan kapag nagkekwento ko sayo about kay vani, kung pano ko kiligin, kung pano ko siya hangaan ganun. Thankful ako kasi you're not like any other girls out there na judge ng judge na di daw tama ang boy to boy love story. Para sakin kasi masakit yun knowing that I'm a gay saka di ko naman ginusto yun, sadyang naramdaman ko na lang. Saka nakikita ko din kasi sayo na di mo ko kayang saktan. Ayun! Thank you!"

Bakit ganun ! Parang may ibang meaning yung huling kataga na sinabi niya! Di ko daw siya kayang saktan!!

" Chrisss! Dapat na ba ko dyang matouch? Hahaha"

" Hoy grabe ka! Seryoso ko dyan, wag kang ano dyan! Nahirapan akong sabihin yan, di ako sanay sa mga sweet words lalo na't babae ka. Pweh! Pero syempre ikaw lang super kaclose ko sa mga kaklase natin kaya okay lang na sabihin ko yun!"

" Shems Chris di ata ako sanay na ganyan ka!"

" Buset ka talaga, sige binabawi ko na buset ka talaga"

IMPOSSIBLE means I'M POSSIBLE ( On-Going )Where stories live. Discover now