Zay's POV
Kanina ko pa napapansing nanginginig yung mga kamay ni khel pag-akyat sa bangkang toh.
Ganun ba siya katakot sumakay sa bangkang toh?
Sorry, ayaw ko din kasing iwan ka dun mag-isa at baka wala na kong makitang anino mo pagbalik ko, matangay ka na ng mga babae . Pano na ko uuwi pag ganon diba?
Kanina ko pa kasi napapansing andaming babaeng halos maputol na yung leeg kakasulyap sa kanya, yung iba pa'y lantaran kung titigan siya at kung minsa'y rinig na rinig ko pa talaga yung pagpupuri ng iba sa kagwapuhan niya.
Next time na lang siya senyo, akin muna siya ngayon, di ako makakauwi kapag hinayaan ko kayo eh, sorry not sorry!
Para mawala yung panginginig ng mga kamay niya ay ginawa ko yung mga napapanood ko sa mga movies. Hinahawakan yung kamay para tumigil sa panginginig and tumigil nga.
Kita ko naman na nagulat siya sa ginawa ko and tinitigan ko na lang siya sa mga mata niya para kahit papano'y mabawasan yung takot sa dibdib niya at..
"I'm here beside you okay, Walang mangyayareng masama sayo! I swear it!"
Nakita ko namang tumango siya kaya nginitian ko na lang.
"Hey, ikaw na muna magdala kay cooky, akin na muna yang dslr"
Binigay din naman niya agad yung camera at binigay ko din si cooky sa kanya.
" Kung natatakot ka talaga, yakapin mo na lang muna yang stuff toy ko baka sakaling mapagaan niyan ung takot mo mo" kinuha ko na din yung kamay kong nakahawak sa kanya dahil kukunan ko sana ng video yung dagat.
" Zay, please, don't let go"
Naramdaman ko namang mas humigpit yung hawak niya sa mga kamay ko.Sh*t! May trauma ba siya sa dagat! Sh*t self!
Umandar na yung bangka and tinignan ko naman siya sa mga mata niya
" Khel, I won't let go yet pero pag nasa gitna na tayo ng dagat, bibitawan muna kita ha, vivideohan ko lang yung sceneries na makikita natin."
Nakita ko namang tumango siya kaya nginitian ko na lang.
Habang papalayo'y nakita kong pinipisil na ni khel yung stuff toy ko,
sorry if I did this to you...
Nung nasa gitna na kami ng dagat ay kinuha ko na yung kamay kong hawak hawak niya and sinimulan ng kuhanan yung dagat. Sobrang peaceful.
Unti-unti napapansin ko naman na lumuluwag na yung pagyakap ni khel kay cooky at tinitignan na din niya yung karagatan. Malayo yung tingin niya kaya't kinuhanan ko yung mukha niya gamit yung cellphone ko.
"Nice, tumigil na panginginig mo, okay ka na ba?"
Nginitian nya lang naman ako bilang sagot pero nakikita ko naman na kahit papano ay okay na siya.
Nang makaahon na kami sa karagatan ay nakita ko namang umayos na yung lagay ni khel.
" sorry, I didn't know na takot ka pala sa dagat!"
" di naman, kahit ako'y nagulat din sa naging reaksyon ng kamay at katawan ko !"
" Ahh, baka may gusto ka pang gawin , maaga-aga pa naman, makabawi lang ako sayo!"
" Makabawi?"
"Yeah, naguiguilty kasi ko sa nangyare sayo kanina!"
Nakita ko namang nagliwanag yung mukha ni khel, parang binabawi ko na yung sinabi ko.

YOU ARE READING
IMPOSSIBLE means I'M POSSIBLE ( On-Going )
De Todo'YOU DO NOT KNOW WHAT ENDING MEANS' Sabi nila CRUSH only lasts for 4 (Four) Months, eh di anong matatawag sa nararamdaman ko, LOVE na bang matatawag ito? 8 Months ko na siyang hinahangaan and I can say na I'm contented with that. What if biglang ma...