CHAPTER 28

3 1 0
                                    

Zay's POV

Nitong buong shooting na toh, ilang beses ko ng nakikita na tinitignan ako ni kalix, Di nakakatuwa eh,  nakakatakot.

Nakakatakot in a way na, ang gara lang kasi sa feeling, sa tuwing mapupunta ko dito, laging ganun sinasabi niya and worst tinititigan niya pa  ko na para bang nakita na nga niya talaga ko dati. Ang creepy lang for me.

Inalok ako NG direk nilang magside line sa modelling pero tinanggihan ko dahil sa tingin ko'y hindi ako nababagay doon at dahil ayoko ding makasama si kalix, Di ako komportable sa kanya.

Buti na lang at buong shooting ay katabi ko lang si Khel kahit na minsan ay tinutulak na ko palayo ni tricia sa kanya ay hinahawakan naman niya ko para di malayo sa kanya.

"Zay I'll give you a ride!"

Nanlaki naman yung mata ko NG marinig kong sabihin sakin yan ni kalix.

"uhm.. Hehe, no need, thank you!"

Di ko nga tinanggap yung offer na work dahil na din sayo tas ihahatid mo pa ko pauwi, baka kung ano na namang sabihin mo sakin kaya wag na lang.

"Uhm. Kalix, ako na maghahatid kay Zay, may pupuntahan pa din kasi kami after this"

"Uhm.. Where Khel? Can I join?"

"Ah, hehe sorry, maybe next time siguro kalix, pangdalawang tao lang kasi yung pupuntahan namin eh" sabat ko naman.

"wait are you 2 going on a date!"

"Ahm.. No, need kasi yun, you know for studies!" si khel

"Ah okay, sige, see yah next time."

Tinanguan ko na lang siya at hinila na NG palabas NG studio si Khel.

"Thank God, wala na siya!"

"Ganun ka ba ka Di komportable kay kalix,?"

Nahalata ba niya?

"Ah. Hehe yeah.. Nga pala ano yung sinabi mo kanina na pupuntahan natin after this, hindi ako naaware pero thanks sa help!"

"Welcome.. Ano, maaga pa naman kasi, 3pm pa lang kaya ngayon mo na ko ilibre!"

"Iba din Khel, kakasabi ko lang kanina, ora mismo ka naman agad magdesisyon."

"Hehe, ano g ba?"

"Ano pa nga ba? Nakakahiya naman Diba, ako nagsabi nun!"

"hahaha, sige, sabi mo yan wah!"

Pinagbuksan niya naman ako NG pinto NG kotse niya at umikot din siya papunta sa drivers seat..

"Wait, can I hop in Khel"

Papasok na sana si khel sa kotse ng biglang hinarang siya ni tricia, halatang nagpapacute pa tsk.

"You? Sorry, may pupuntahan pa kasi kami eh, bye"

"Balang araw, mapapasa'kin ka din" pasigaw naman na sinabi ni tricia kay khel .

Nakita ko namang malakas na sinagi ni Khel si tricia sapat ng lakas para makadaan siya sa pagkakaharang ni tricia papunta sa kotse nya. .

It looks like di rin talaga siya komportable kay tricia.

"Hey, ayaw mo ba ke tricia? Maganda naman siya ah!" sambit ko naman nung makapasok na siya sa kotse.

"kinda yes, para kasing linta eh, dikit NG dikit"

"pero halata din kasing patay na patay siya sayo."

IMPOSSIBLE means I'M POSSIBLE ( On-Going )Where stories live. Discover now