CHAPTER 24- MOA

2 1 0
                                    

KHel's POV

Pagkarating namin sa Moa ay naghanap muna ako NG parking lot para maipark yung kotse ko. Kita ko naman si Zay na halos maluwa na yung mata kakatitig sa labas NG moa, sabagay first time nya nga pala to.

Pagkababa namin  sa moa ay...

"Here we are! Gotchaaa!" bigla niyang naibulalas yang salitang yan and deretso lang yung tingin niya sa super laking MOA na toh. Di niya naman ako pansin kaya tinititigan ko lang siya habang nakatingala at amaze na amaze sa Lugar na to.

Wait! Bakit ko siya tinititigan?

" Khel Tara na!!" Nagulat naman akong tumingin siya sa akin pagkasabi niya nun kaya napansin nyang nakatingin pala ako sa kanya..

Sh*t! Kahiya!!

"Oy anong tinitingin-tingin mo dyan, first time ko mapunta dito okay kaya ganto reaksyon ko.. Tsk" after niyang sabihin yan ay binigyan nya naman ako NG naaasar na look.

Luh! Tinignan ko lang naman siya ah, Di ko naman jinudge. Tsk.

"Grabe, wala naman akong Ibang sinabi ah" with matching pang-aasar na ngiti pa binigay ko sa kanya habang sinasabi yan. Hahaha.

"Tsk.. Wala daw pero tinatawanan ako ngayon, aisshhh"

Natawa naman ako sa reaksyon nyang yun. 😂

Pero nagtaka ko kasi bigla siyang pumunta sa likuran ko and the next thing happened..

"Tara na nga, gutom ka na noh, Maghanap na tayo NG makakainan"

Inasar ko siya pero health ko pa din yung nasa isip nya ?

Nagulat naman ako at Tinutulak-tulak nya ako sa likuran ko at inuutusang lumakad na daw. Ako nasa harap, siya nasa likuran ko.Pwede namang nasa tabi ko na lang siya habang naglalakad, bakit mas ginusto nya pang sa likuran ko na lang pumwesto, weird!!

"Oy bat ka dyan nakapwesto sa likuran ko, pwede namang dito ka na lang sa gilid ko para mas safe ah"

" First time ko dito kaya LEAD THE WAY KHEL. Hahaha"

" Lam mo. Ang weird mo dun. First time mo pala de dapat dito ka sa tabi ko, sabay tayong maglalakad. Pag ikaw naligaw, ako pa malalagot sa mga magulang mo!"

"Eehh! Di yan, ako pa"

Di ko na siya pinatapos magsalita dahil hinarap ko na siya and nilagay ko yung left hand ko sa ulo niya then inusad siya papatabi sa akin para sabay na kaming maglakad. Mas matangkad ako sa kanya kaya nahawakan ko siya sa ulo niya.

"Dyan, dyan ka lang sa tabi ko okay, Di ka pwedeng mawala o maligaw"

"Aishh, ou na, so San ba tayo kakain?"

" Basta dyan ka lang sa tabi ko, sundan mo lang ako, and makakakain tayo NG ayos"

" Ou na PO"

Natawa naman ako sa paggamit nya sa akin NG salitang 'PO', first time yun ah. Naaasar na ata sakin hahaha.

I need you to be safe that's why I'm doing this.

Kakalakad sa ground floor ay nakita ko naman na yung kakainan naming Jollibee. Pumasok na ko and hindi naman na siya nagtanong pa at sumunod na lang din siya sakin papasok.

"Zay, ikaw na Maghanap NG uupuan natin, ako na mag-oorder NG food. Ano sayo?"

" Geh! Same na lang NG order mo. Saka with chocolate sundae pala"

IMPOSSIBLE means I'M POSSIBLE ( On-Going )Where stories live. Discover now