KHEL'S POV"Girlfrienddd!!! San ka punta? Sabay na tayo! Papasok ka na ba? "
Pagkarinig ko ng boses na yan ay bigla akong napatingin sa baba ng building namin. 2nd floor lang naman kami kaya kita pa din naman namin yung mga tao sa baba.
Akalain mo nga namang yung inaasar nila sakin yung tinawag na girlfriend nung isang babae.
Pero same silang girl. Bakit girlfriend? Syota niya girl?
Di nila napansing sinusundan ko sila ng tingin dahil busy sila sa pag-uusap. Nagstay yung tingin ko sa kanila hanggang sa lumiko na sila at hindi ko na makita pa.
" Khel sinong tinititigan mo dyan, nakita mo ba si Zay" si rence
" Loko ka talaga! Puro ka Zay! Crush mo siguro yun noh!"
" Loko ka ba! Ikaw nga yung napansin nung nakaraan eh, tas ako gaganyanin mo"
" Loko! Halata namang biruan lang nilang magkakaibigan yun, kayo naman ni rome eh pinanindigan nyo na. Sa kada pagkakataon na makikita natin siya, sinasabi niyo saking ayun si Zay oh. Ano namang paki ko dun"
Totoo naman kasi. Bago lang ako sa school na toh saka that day ko lang siya nakita. Dyata namang crush ako nun agad diba? Hindi pa nga niya ko nakakausap kaya panong hinangaan niya ko agad!
" Anong paki daw! Pweh! Samantalang pag-aksidente natin siyang nakikita, yang bibig mo abot langit ang ngisi with matching ngiti pa talaga ah" si rence
" Minsan nga nauuna pa yang ngiti mo sa pang-aasar namin eh" si rome
" Loko niyo! Sino namang hindi ngingisi dun eh lagi niyo na lang akong pinagtitripan sa taong hindi ko naman kilala"
" Woah! Sa tono ng pagkakasabi mo parang gusto mo siyang makilala pa wah"
" Loko niyo! Ako talaga trip niyo noh"
" Ganun talaga saka wag ka ng maarte, matalino yun si Zay saka may hitsura pa" si rence
" Ou nga, mabait yun pre lalo pag nakaclose mo na. Madalas namin kabiruan yun nung 2nd year kami, classmate namin siya dati"
Natawa naman ako sa mga sinabi nila kay babait namang kaibigan. Lakas ng topak niyo mga pre!
Kaya naman pala grabe sila kung mang-asar, close sila. Pero mga may sapak lang talaga tong mga kaibigan ko, ako pa talaga yung inaasar. Di naman ako siya uy.
" Sige, sabi niyo eh"
At tinawanan ko na lang din sila tulad lang din pag inaasar nila ko sa kanya.
" Wait! Sige na? Gugustuhin mo pa siyang kilalanin pa?" Si rence
" Wala akong sinasabing ganyan!"
" Weh! Tama kaming dalawa noh? Hahaha"
" Bahala nga kayo! Tindi niyo mang-asar ah! Pre, bagong transfer lang ako dito!"
" Ano naman kung bagong lipat ka, Eh gusto ka naming asarin eh" si rome
" Ou nga, wala naman kaming paki kung bago ka lang kaya aasarin ka talaga namin!" Si rence
Di ako bading pero natouch naman ako sa mga sinasabi nila. Feeling ko welcome na welcome ako sa bago kong school. Ang bait ng napuntahan kong section di tulad sa dati kong paaralan. Puro panlalait/panghuhuhusga sinasabi sakin porket....
" Bahala nga kayo! Masasayang lang laway niyo kakasalita!"
" hahahaha" tawa naman nilang dalawa.
" Ngisi pang malupit khel ha!! hahaha! si rence
Kaya lang naman ako madalas nakangisi kapag makikita namin sila ay dahil sa 2 kumag na kaibigan ko na panay tawag saking "si Zay oh". Lagi yan pag makakasalubong o makikita nila siya kahit di ko naman nakita bigla silang magsasalita ng ganun.
After nung pantitrip sa kanya nung mga kaibigan niya ay nahalata kong umiiwas siya sakin. May mga time kasi na makakasalubong ko dapat siya tapos kitang-kita ko kung pano lagi siyang tumatalikod agad para lang maiwasang magkasalubong kami.
Siguro nahiya siya dun sa nangyaring panlalaglag sa kanya. Marami din kasing nakarinig nung sinabi ng kaibigan niya yun. Mukha pa naman siyang tahimik na mahiyain pa.
" Khel pasok na! Ayan na si ma'am oh"
Sabay turo sa teacher na paparating na sa room namin.
" Morning po ma'am. Tulungan ko na po kayo sa dala niyo"
" Thank you anak. Student ba kita?"
" New student po"
" Ah okay"
Pagkapasok namin sa room ay binaba ko din agad yung gamit ni mam sa table niya at saka dali-daling umupo sa upuan ko sa likuran.
DISCUSSION...
DISCUSS...
BREAKTIME..." Jubiiii! May water color ka ba saka gunting pahiram kami ni Chris!"
" Khel! Si zay oh nasa pinto, pinupuntahan ka" si rome
" Loko mo talaga! Di mo ba narinig sinabi niya, nanghihiram ng gamit oh"
Sa may harapan lang kasi banda upuan niya kaya kitang-kita niya agad si Zay na dali-daling hinanap si jubi para manghiram ng gamit at saka namang pinuntahan ako sa upuan ko para lang mang-asar. Tsk!
" Watercolor daw saka gunting khel pahiram! "
" Loko ka talaga! Umalis ka na nga lang sa tabi ko."
" wushu! Kunwari pang naaasar as if namang maniniwala ako, sige na, tignan mo na siya, di na kita aabalahin pa"
" Pre gusto mo atang masapak! Hanoh!"
" Tsk!"
Pansin kong isa lang napahiram ni jubi kila zay at chris na gunting, nagtanong pa kasi siya sa iba pa naming kaklase pati sakin. Sakto namang dala ko yung gunting ko.
Ipahihiram ko ba? Kaso mang-aasar na naman yung mga bugok kong kaibigan. Bahala na nga.
" Jubi eto oh! Dala ko akin. Bigay mo na lang pakisabi pakibalik din agad"
" Ay wow khel! Bait ah!"
" Tsk. Geh na, bigay mo na, mukhang naghahadali sila oh"
" Ay ou nga pala, sige, thank you! Ipapabalik ko din mamaya sa kanila"
At tuluyan na nga niyang pinahiram sa dalawa. Isang gunting lang yung dala ko, nakahiram na kasi si jubi ng isa sa mga kaklase namin.
" Kaya pala ko pinaalis sa tabi niya para mapahiram kay Zay yung gamit niya. Para-paraan para mapansin ganon"
" Ewan ko sayo! Issue mo talaga pre!"
" Issue daw, anong akala mo hindi ko nakita yung pagdungaw ng tingin mo sa kanila after kong umalis dyan sa tabi mo. Who you boy?"
" Bahala ka nga sa buhay mo!"
Grabe talaga mang-asar yun tsk.
PLEASE VOTE, COMMENT & SHARE THIS STORY TO YOUR FRIENDS.
Kamsahamnida Chingus. ♥
Kindly follow me at my official account.
Twitter & wattpad: @Tgerlily28
Instagram: @tgerlily28Lovelots!! ♥♥♥
YOU ARE READING
IMPOSSIBLE means I'M POSSIBLE ( On-Going )
Acak'YOU DO NOT KNOW WHAT ENDING MEANS' Sabi nila CRUSH only lasts for 4 (Four) Months, eh di anong matatawag sa nararamdaman ko, LOVE na bang matatawag ito? 8 Months ko na siyang hinahangaan and I can say na I'm contented with that. What if biglang ma...