CHAPTER 19

1 1 0
                                    

VANI'S POV

This day is my birthday and this is it. Hahaha I'll gonna serenade her. Actually Alam nila fei yung balak Kong panghaharana and super support naman si fei. Matagal ko na ding napagplanuhan yung balak kong yun dahil unti-unti, naconfirm ko na kung ano talaga yung nararamdaman ko towards her.

Pagkagaling ko sa baba after kumain ay siyang pag kuha ko naman NG gitara pagkapasok sa room at paglapit sa kanya,akmang nasa likod nya na ako para simulan yung panghaharana NG biglang mahagip NG dalawang mata ko sa gilid si Chris, nasa harap siya ng room namin, titig na titig mabuti sa aming dalawa.

Tinitignan nya yung gagawin ko and yung mata nya na parang nagmamakaawang, 'huwag siya please'. Di ko kayang lokohin yung sarili ko . Alam kong masasaktan ko din si Zay pag ginawa ko to dahil alam kong importante sa kanya si Chris. Pero masama bang gumawa ng kahit saglit na move lang para maipahayag ko yung nararamdaman ko!

Alam Kong mas masakit malaman na yung taong gusto mo ay may gusto sa taong super close sayo.

Pero paano na lang yung feelings ko?

Gusto ko siyang haranahin pero sa tinging yun ni Chris. Sh*t! Di ako masamang tao para hindi pansinin yon.

After Kong kalabitin siya para humarap sakin ay may binigay naman agad siyang nagtatakang look, nakatingin sa hawak Kong gitara, sabay balin NG tingin kay Chris sabay balik din NG tingin sakin.

Sa tingin pa lang niyang yun kay Chris ay alam ko na! Alam niyang nasasaktan si Chris sa nakikita niya ngayon.

Gustong-gusto Kong gawin pero pano? May other way Pa ba na pwede kong gawin para magawa ko yun NG walang nasasaktang taong malapit sa kanya.

"Ano! Just want you to know na thanks for advance greeting sa bday ko, I saw your message kaninang umaga!"..

"Ah, no worries, patanda na NG patanda ah"

"Hahaha, ou nga eh, kung pwede lang na hindi na lang tumanda eh noh,"

"ou nga eh kaso hindi pwede, aging ang nagpapatunay na buhay pa ang isang tao hahaha nga pala what's with that guitar? ."

"Ah, may gagawin lang, para maging maayos na ang lahat!"

"Huh! Di ko gets!"

"wala, hahaha, sige, babye na"

At saka ko siya tinalikuran. Gustong gusto Kong gawin pero hindi pwede. Alam Kong halata sa mukha ko yung panghihinayang pero wala na eh, eto na, dapat ko na lang panindigan.

Yes, it's Zay. Siya yung gusto Kong alayan NG kanta kaso hindi pwede. Matagal-tagal ko na ding naamin sa sarili ko na may gusto na nga ako sa kanya ngunit pilitin ko ma'y hindi maaari dahil ayokong makasakit NG taong mahalaga sa kanya lalong ayokong makasira NG friendship nila.

Dahil alam kong, AKO rin ang talo sa huli.

Alam Kong maling gumamit NG ibang tao pero yun lang ang naiisip Kong paraan para maayos ang lahat. Mawala yung bulong-bulongan sa room. At para na rin tumigil na si Chris sa paghanga sa akin.

Sorry self!

Pagkasabi ko NG babye kay Zay ay siyang pag punta ko naman sa kabilang room, room nila Anne.

Yes, siya yung pampalit kay Zay. Actually crush ko din siya kaso Iba lang talaga yung kay Zay, mas tinamaan lang talaga ako sa kanyA. Hindi ko Alam kung anong mangyayare basta ang Alam ko lang kelangan ko NG panindigan tong gagawin ko.

After this day, paniguradong mag-iiba na lahat. Iiwas sa akin si Chris lalong lalo na si Zay dahil Alam Kong Alam nyang aware ako na nasaktan ko si Chris sa nagawa ko.

IMPOSSIBLE means I'M POSSIBLE ( On-Going )Where stories live. Discover now