CHAPTER 18

1 1 0
                                    

Khel's POV

Napagdesisyunan Kong bumili muna NG pagkain sa canteen. Hindi ko na Inaya sila Rome and rence dahil sanay naman akong mag-isa tulad NG dati lang. Nang sa paglalakad ko'y, nahagip NG mga mata ko si Chris at Zay, hila-hila ni Chris si Zay at kung titignan mo'y parang maluluha na yung mga mata ni Chris.

VALENTINE'S Day ngayon pero bakit parang napagsakluban naman ata NG mundo yung mukha ni Chris

Hindi nila ako pansin dahil naghahadali sila masyado, nung malampasan na nila ko ay siyang nag deretso na lang ako sa canteen. Pagkabili ko NG nova at c2 ay lalabas na sana ko NG biglang may tumawag sakin.

"Khel, Tara muna sa room, may ibibigay ako sayo!"

"Pre, ikaw pala yan! Valentine's ngayon ah, marami bang chocolates na natanggap?"

"Loko, baka ikaw kamo marami bang chocolates na natanggap, balita ko pumunta ka daw sa room nung nakaraan at kinausap si Zay, sa kanya ko nakuha yung pinabibigay mo sakin eh"

"Ah, ou, wala ka kasi nun kaya sa kanya ko na lang pinabigay"

"I see, pero balita ko pinagtinginan ka NG mga babae sa kabilang section namin nung dumalaw ka?"

"Pre! Chismoso kana pala ngayon? Hahaha"

"Loko, narinig ko kasing pinagke kwentuhan ka nila, sino daw ba yung pumunta sa room namin at kinausap si Zay,ang gwapo daw, eh sakto namang that time binigay sakin ni Zay yung pinapabigay mo kaya naconclude ko na ikaw yung tinutukoy nila."

"Pre!hayaan mo na sila, hahaha, Tara na sa room mo"

Hindi naman na sumagot pa si Mike, pres. NG 3-Dream. Tumaas na kami papunta sa building nila and sa hagdanan pa lang, ang dami NG nakatingin saming dalawa.

Anong meron?

" Pre! Sabi ko naman sayo eh, lakas NG dating natin ah!"

"Loko, hayaan mo na nga lang sila."

Nang papalapit na kami sa room nila'y may isang lalaking nanghaharana sa katabing section nila. Titig na titig yung babae sa panghaharana nito. Halatang gustong-gusto nya yung mga nangyayare pero kung titignan yung lalaki. Parang may Iba.

Na parang napilitan lang siya sa nangyayare. Di naman sa nangjujudge pero nababasa NG mga kapwa lalaki yung mga kinikilos NG kapwa din nila lalaki. Kaya nga aware kami kapag may gusto yung isang lalaki sa nagugustuhan naming babae.

"Pre hintayin mo na lang ako dyan, kukunin ko lang sa bag ko"

"Sige Pre!"

Habang naghinihintay ako sa labas NG room nila Mike ay siyang tinitigan ko naman yung panghaharanang nagaganap.

Sanay din naman akong maggitara pero hindi ko pa nararanasang mangharana. Parang ang sweet lang tignan nung ginagawa nung lalaki pero mas sweet yun kung genuine yung hangarin. Di halatang napilitan lang.

Kapag ako nainlove, araw-araw ko siyang haharanahin coz I love music. Di lang talaga halata. Whenever I'm alone sa bahay namin, playing guitar is my past time.

Actually natutunan ko yun sa best friend ko, tinuruan nya ko balak nya daw kasing haranahin yung taong nakilala nya nung elementary pa sila kapag nagkita daw sila ulit kaso Di na mangyayare pa dahil wala na siya.

"Pre oh! Pinapabigay ng handler natin, may pag momodelan daw tayo ulit, clothing line again."

"Ah, okay, kelan ba saka saan?"

IMPOSSIBLE means I'M POSSIBLE ( On-Going )Where stories live. Discover now