CHAPTER 20

1 1 0
                                    

Zay's POV

Pagulong-gulong ako sa kama ngayon habang iniisip yung mga nangyare kanina. First, yung grabeng pag-iyak ni Chris, Second, yung nagulat akong kantahan nila Khel kanina nung hinihintay ko si Angel sa labas NG school.

Super lungkot tas biglang saya? Actually kahit triptrip lang yung kanina nila Jm ay may part naman sa aking natuwa sa kadahilanang Di ko rin Alam. Siguro'y dahil first time Kong maranasan yun, yung kantahan ako with matching gitara pa.

Actually hiyang-hiya ako kanina, gusto ko na talaga silang alisan kaso nahihiya ako kay JM. Nakatitig kasi sakin habang kinakausap ako. Kaya ayun nanatili na lang ako na nagwiwish na sana dumating na si Angel kasi nahihiya talaga ko. May Ibang estudyanteng tinitignan kami at as usual, kay khel nakatingin.

Nung nag start NG mag strum NG gitara si Jm ay tinignan ko si khel at ito'y tatawa-tawa lang parang ako lang. Halata din kasing gulat siya sa nasabing yun ni JM, pero bakit siya pumayag?

Habang kumakanta siya NG I won't give up ni Jason Mraz ay nakatingin siya sa mga mata ko at Di ko din Alam kung bakit nakipagsabayan ako ng titigan sa kanya. Ang ganda NG mga mata niya habang kumakanta! Kitang-kita na natatawa siya sa nangyayare, Na parang nag-eenjoy na din.

Grabeng lokohan kasi yun pero aaminin Kong natuwa ako, slight lang naman.

Ano kayang feeling nung seryoso kang kantahan NG isang lalaki?

Nakita ko kasi si Anne kanina habang kinakantahan siya ni Vani, halatang tuwang-tuwa. Iba yung kislap NG mga mata niya. Siguro ang saya-saya nya, same sila ni Vani. Naharana na nya yung taong gusto nya eh.

Masaya silang dalawa pero may isang taong naging sobrang miserable naman kanina. First time Kong makita yung iyak na yun ni Chris.

Ganun ba kasakit MAGMAHAL? Kahit gustuhin mo NG tumigil yung luha ay hindi titigil, kusa silang lalabas.

Musta na kaya si Chris ngayon? Siguro iyak pa rin NG iyak yun until now.

Hindi ko na muna siya tatawagan, hahayaan ko na muna siyang mapag-isa pero sana lang okay na siya bukas. Sana sumama pa din siya sa Prom. Night. Napag-usapan na namin dati yun na sasama kami this 3rd year sa prom dahil gusto NYa daw isayaw siya ni Vani pero paano na ngayon, Na nasaktan na siya ni Vani. Sasama pa kaya siya? Sana sumama siya para may kasama ako. May date kasi si Cass eh, Di ko siya makakasama.

Siya kaya may date?  Luh! Erase!!

~~~~~~~~~KINABUKASAN~~~~~~~~~

"Chris, okay kana ba?"

Maaga Kong pumasok at saktong pagpasok ko sa room ay nandun na si Chris sa upuan niya kaya nilapitan ko na lang.

"Ah, yeah! Unti-unti, nagiging okay naman na ako."

"Sure ka ha, gusto mo ba dito muna ko sa tabi mo sa buong maghapon?"

"Luka! Di na, umupo ka na dun sa tabi ni Vani, okay na ko

Coz I need to be okay"

"Ano? Ano yung huli mong sinabi?"

"Wala, sabi ko okay na ko, sige na umupo ka na sa upuan mo. Marami NG nagsisidatingan na kaklase natin oh!"

Kita ko sa mga mata ni Chris yung lungkot, halatang nasasaktan pa siya pero wala akong magawa. Kaya sinunod ko na lang yung sinabi nya, umupo sa harapan, sa tabi ni Vani.

" Hi! " si Vani

" Uhm.. Hi! "

" Pwedeng usap tayo pag breaktime? "

IMPOSSIBLE means I'M POSSIBLE ( On-Going )Where stories live. Discover now