Khel's POV
Kasalukuyan akong nasa mall ngayon, sa 'bench' shop to be exact. Bibili sana ako ng cologne na gagamitin ko for schooling. Naubos na kasi yung stock ko. Papunta na sana ako sa man's section NG biglang nahagip NG dalawang mata ko ang isang taong familiar na mukha, tumitingin siya NG cologne. Pero bakit nasa man's section sya? Scent NG panlalaki yun ah.
It's Zay! Tumitingin siya NG cologne, nakita ko pang Inispray nya yun sa kamay nya then inamoy. After ko makita kung anong cologne yung inamoy nya ay dali-dali na akong pumunta sa pants section.
Iniiwasan ko kasing makita nya ko ngayon. Feeling ko naman Di nya ko Napansin dahil masyado syang busy sa pag-amoy nung pabango saka naka all black naman ako plus cap na Black pa, for sure, Di ako gaanong pansin.
"Girlfriend, ito akin, sabi mo libre mo diba? Thank you girlfriend"
"Tsk. Ou na, pasalamat ka at girlfriend kita."
"Hahaha"
Girlfriend? Gf nya ba talaga yun? Pangalawang beses ko na silang naririnig na ang tawagan ay girlfriend. Magsyota ba talaga sila?
Di naman sa sinasadyang marinig, malapit-lapit kasi yung pants section sa cologne NG man's section saka medyo malakas yung pag-uusap nila kaya rinig na rinig ko yung usapan nila. Nakatalikod naman ako sa kanila kaya for sure Di sila aware sa presence ko.
Nung papalabas na sila ay sinundan ko sila NG tingin, Nakatalikod na sila kaya Di nila ko mahahalata kaso biglang humarap sa likod yung isang kasama ni Zay kaya Napansin nya Kong nakatingin sa kanila.
Maggirlfriend nga kaya silang dalawa? Bi siya?
Nung mawala na sila sa paningin ko, nagpalipas muna ako ng 5 minutes sa store kasabay NG pag bili na din nung cologne na gusto ko then pumunta na ko sa kotse ko.
I'm in a legal age already that's why dad gave me my own car kaso Di ko siya pwedeng dalhin sa school kasi natatakot silang maulit-ulit yung nangyare dati which I really regretted the most.
Kung hindi lang sana kami nagpasaway that time siguro hindi lahat mangyayari yon, hindi sana siya.... Siguro mag kasama pa rin kami until now, nandito pa din sa tabi ko yung best friend ko.
Di ko namalayang nasa memorial Park na pala ko kung nasaan siya nakalibing. Sa totoo lang, sinisisi ko pa din yung sarili ko sa nangyaring yun, kung hindi sana ako nangulit panigurado nandito pa siya sa tabi ko.
Magkasama na kami simula bata pa siya din ang nagrecruite sakin sa modelling sa leighman, matagal na siya dun samantalang ako'y bago pa lamang hanggang sa pagtungtong namin sa legal na edad ay Magkasama kami kaso Di ko Alam na ako na lang pala ang mag-iisa sa dulo.
Nag decide akong bisitahin yung puntod nya. Pagkarating ko ay umupo ako sa gilid nun dahil yung puntod nya is yung tulad nung sa mga TV na nasa ilalim NG lupa.
Nag decide akong kausapin siya kahit Alam Kong wala naman akong makukuhang sagot sa kanya.
"Tol! Musta ka na dyan sa langit? Masaya ka ba dyan? I hope you're happy there! Di tulad ko, until now, sinisisi ko pa din sarili ko sa pagkawala moh! Sorry wah, ngayon na lang ulit ako nagkaroon NG lakas NG loob bisitahin ka.
Alam mo ba kakagaling ko lang sa mall, binili ko yung pabango na parehas nating ginagamit bago ka mawala. Nga pala, lumipat ako ng school after 1 year nung mawala ka, nagstop muna ako habang nag papagaling bago magsimulang mag-aral ulit. Nung una nagstay muna ko sa school na dati nating pinapasukan kaso nahalata nila mom na madalas pa rin daw akong balisa, sa tingin nila dahil daw yun sayo.
Paulit-ulit nilang sinasabi sakin na hindi ko daw kasalanan yung pagkawala mo. kaso para sakin kasalanan ko talaga, sana sa ngayon napatawad mo na ko.
Nga pala, Tol, masaya na ko sa bago Kong school, mababait sila, feeling ko naman totoo sila sakin na parang ikaw din. Ang wish ko lang sana kung malaman man nila yung nakaraan ko, sana hindi nila ko ijudge tulad nung ginawa nung mga dati kong kaklase. Sana mag stay pa rin sila sakin, ang hirap mag-isa eh, walang masabihan, wala ka na kasi.
May karapatan naman akong sumaya tol diba kahit na may nagawa akong pagkakamali na nagdulot NG pagkawala mo.
Nga pala naghalungkat ako ng gamit ko nung nakaraan, may nakita Kong isang maliit na valentine's card, sa pagkakatanda ko sayo yun dahil pinakita mo sakin yun dati , pero paanong napunta sa gamit ko yun?
Sige na tol! Masyadong marami na pala nakwento ko, don't worry dadalawin ulit kita dito hindi ko nga lang Alam kung kailan pa mauulit, busy na din gano sa school eh at magvavalentine's, after nun prom night, required lahat sumama kaya Di ko masasabi kung kelan kita ulit madadalaw. "
After Kong magpaalam sa best friend ko ay balak ko na sanang umuwi kaso...
Nakita ko sa Di kalayuan nung memorial Park yung tinatawag na girlfriend ni Zay! Parang may dinalaw din siya. It means tapos na sila mag mall?
Pagkauwi ko sa bahay ay dumerecho ako sa kwarto ko at nagkulong, tinignan Kong muli ung valentine's card na nasa sa akin na pagmamay-ari NG best friend ko.
Pilit Kong iniisip, paano nga ba na punta sa akin tong card na toh? Tanda ko kasi sabi nung best friend ko, may hinihintay siya, yun daw kasi ibig sabihin nung spanish word na nakasulat dun pero Di nya daw kilala kung kanino galing yun basta may guts lang daw siya na dapat nyang hintayin yung taong yun.
Ano ba ibig sabihin nung mga nakabox na to na may maliliit na number sa baba nila at ano yung mga letters na nakalagay sa baba mismo nung box, hindi naman mabasa. Nu kaya yun?
Magbibigay na lang NG letter, ayaw pa klaruhing mabuti tsk.
Hanggang sa Di ko na namalayang nakatulog na pala Ako sa kakaisip sa best friend ko. Hawak-hawak ko pa yung valentine's card na pagmamay-ari nya hanggang sa pag tulog.
PLEASE VOTE, COMMENT & SHARE THIS STORY TO YOUR FRIENDS.
Kamsahamnida Chingus. ♥
Kindly follow me at my official account.
Twitter & wattpad: @Tgerlily28
Instagram: @tgerlily28Lovelots!! ♥♥♥
YOU ARE READING
IMPOSSIBLE means I'M POSSIBLE ( On-Going )
Random'YOU DO NOT KNOW WHAT ENDING MEANS' Sabi nila CRUSH only lasts for 4 (Four) Months, eh di anong matatawag sa nararamdaman ko, LOVE na bang matatawag ito? 8 Months ko na siyang hinahangaan and I can say na I'm contented with that. What if biglang ma...