Eman's POV
"Eman, oh"
Nagulantang ako sa pagkakatayo ko nang marinig ko ang mga salitang iyon. May hawak siyang maliit na paperbag na nakasabit sa tatlong daliri niya habang iniaabot ito sa akin. Halatang inaasahan niya ang pagtanggap ko doon. Sa kabilang kamay ay hawak niya ang lobo na kulay puti na mukhang kaaalis pa lamang ng dikit nito sa pader.
"Kanino galing 'yan?" masungit na sambit ko kunwari bagaman alam ko na kung kanino nanggaling ang regalong iyon.
Nakita ko kung paano siya kumamot sa ulo at pilit tinatago ang hiya.
"Basta tanggapin mo na lang hehe."
Hindi ko siya tiningnan at iniharap ko na lamang ang katawan ko sa mga kaibigan kong kita ang panunukso sa mga tingin. Alam kong alam din nila kung kanino galing iyon. Valentine's day ngayon at inaasahan nila ang ganitong pangyayari, pero hindi ako.
"Emandria, sayang naman 'to oh. Hindi mo ba nagustuhan?" narinig ko ang pamilyar na boses na iyon na mabilis ko namang nilingon.
"Vlad?"
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang pagkagulat kong naipakita sa kaniya. Nakangiti siya nang bahagya at kumindat pa bago muling iabot ang paperbag.
"Yiee, tanggapin na kasi."
"Aww ang sweet talaga!"
"Eman, go naaa!"
BLAAAAAAAGGGGHHHH!!
Natigilan ang lahat sa tunog na iyon dahilan para mapatingin kaming lahat sa kaniya. Nakadapa siya sa sahig at walang malay. Nahimatay siya.
Agad na pinagtulungang dalhin ng mga estudyante sa clinic si Vlad, at ang kaninang tilian ay napaltan naman ng tensyon dahil sa biglaang pangyayaring ito. Mabilis akong sumunod sa kanila ngunit agad na sinarhan ang pinto ng kwartong iyon.
"Oh bakit hindi ka pumasok?" tanong ni Mrs. Lastimosa. Hindi ako nakatugon sa kaniya at nanatili lamang nakatingin sa saradong pintuan ng clinic na iyon. "Si Vladimir na naman ba ang nasa loob?" tumango ako sa kaniya. Nagulat na lamang ako nang higitin niya ang kanang braso ko at isinama ako papasok ng kwartong iyon.
Nakita ko naman agad ang nakahalandusay na katawan ni Vlad sa puting kama. May nakakabit sa kaniyang oxygen at halata namang hindi pa siya tapos asikasuhin ng nurse.
"Bigla na lang po siyang bumagsak." ani ko. Ni hindi man lamang niya ako tiningnan at patuloy pa rin ang paghaplos niya sa buhok ni Vlad. Nangingilid na ang luha niya pero hindi niya hinahayaang pumatak ang mga iyon.
"Wag mo na siyang lapitan." seryosong sambit ni Ms. Lastimosa.
Gusto kong sumagot at magtanong. Sagutin siya at itanong kung ano bang pakielam niya sa buhay namin. Bakit ganoon na lamang ang ibinibigay niyang atensyon para kay Vlad.
Nang makita kong hahalikan niya ang walang malay na si Vlad ay tumalikod na ako at tumakbo pa papalayo. Hindi ko na kaya pang makita ang pangyayaring iyon.
"Eman, san ka pupunta?!"
Hindi ko na namalayan ang pagtakbo ko nang mabilis pero kilala ko kung sinong nagbitiw ng mga salitang iyon, ngunit hindi ko na lamang siya pinansin.
Tumigil muna ako saglit nang makalabas ako sa school at bumili ng tigli-limangpisong palamig sa maliit na tindahan malapit sa eskwelahan. Dahil sa pagkahingal ko ay putol-putol pa ang pag-inom ko nito at saka naman humihingang muli. Bukod sa pagod ay nakaramdam ako ng kaba. Siguro ay dahil nag-aalala pa nga ako kay Vlad.
Hindi maganda ang nakaraan namin pero sino ba naman ang hindi mag-aalala sa isang taong mahimatay matapos kang kausapin?
"Miss, sakay ka?"
Nang marinig ko iyon galing sa isang lalaki na nakasuot ng red na vest ay inubos ko agad ang aking inumin. Tumango ako sa kaniya at isinakay ang sarili sa tricyle.
"Kuya, sa bayan lang po."
Vlad's POV
"Nurse, mga anong oras po kaya siya magigising?"
Familiar yung boses nya, but i can't recognize her face.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko para maaninaw kung sino ang taong nasa likod ng boses na iyon.
"Vlad? Buti naman nagising ka na. Kamusta ka?" nag-aalalang tanong niya. Si Ms. Lastimosa.
"Where's Eman?" wala sa sariling tanong ko.
"She left already. Pumunta siya dito kanina, umalis na lang siya bigla." Tumungo siya at kita kong pinunasan niya ang pawis gamit ang panyo niya. "H-Hindi ko naman alam kung bakit."
Ang dami kong tanong pero nanghihina ako at hinayaan ko na lang siya ang magsalita.
Muling pumasok sa isipan ko ang nangyari kanina sa may hallway. Si Eman.
Hindi niya ba nagustuhan ang regalo ko? Pero paano naman niya aayawan yun e hindi niya pa nga alam ang laman. Hayst!
"Kahit kailan talaga, ayaw niya ng ganun."
"Sino?"
Takang sagot ni Ms. sa akin. Hindi ko napigilan ang pagkainis ko sa ikinilos ni Eman kanina baka kaya napalakas ang boses ko sa pagsabi nun.
Busy si Ms. sa pakikipag-usap sa nurse na mukha namang nagbibilin kung ano ang dapat na gawin ko. Sanay na ako na siya ang nag-aasikaso sa akin dito sa school. Ayaw ko namang makaabala pa sa mga ginagawa ng mga magulang ko. Matigas ang ulo ko, pero mahal na mahal ko sila. Kaya kahit ang sarili kong sakit, takot akong ipaalam sa kanila. Baka mag-alala lang sila, hindi yun ang gusto ko.
"Vladimir, pwede ka nang umuwi. Gusto mo ba ihatid kita sa inyo, tuta--"
"Hindi na po, Ms. Lastimosa. Kaya ko pa po. May mga tricycle pa naman po sa labas. Salamat po, tsaka Nurse Gomez."
Lumipas ang ilang minuto at nakapag-ayos na ako ng sarili. Lalabas na ako sana ngunit may iniabot pa ang nurse sa akin. Ang paperbag na dapat ay ibibigay ko kay Eman.
Napangiti ako nang bahagya pero may kirot sa puso ko.
'Hindi niya tinanggap'
Kahit isang taon na ang nakalilipas, kung anong itsura niya noon ay hindi man lamang nagbago ngayon. Kumikintab pa rin ang itim na buhok niya na mas humaba ngayon. Pumayat siya pero hindi maitatanggi na mas bagay ito sa kaniya. Walang masama sa pisikal na anyo niya kaya kahit sino ay maaaring magkagusto sa kaniya.
Sumobra yata ang ganda niya ngayong araw na ito na sobra namang nakapukaw sa atensyon ko. Hindi ako makalapit sa kaniya dahil sa sobrang hiya, kaya naman inutusan ko si Viro na siya na ang magbigay. Iba't ibang uri ng chocolates ang laman noon at mayroon ding sulat. Nilagyan ko rin iyon ng mga pictures namin noon. Hindi ko alam kung paano ko naisipang gawin iyon, pero masaya ako na nag-effort ako para sa kaniya.
Gabi-gabi pa rin kasi akong nagsisisi sa nagawa ko sa kanya noon. Ngunit, lagi kong nararamdamang hindi niya ako kayang patawarin at tanggaping muli.
BINABASA MO ANG
Nostalgic Chaos
Teen FictionEmandria Revi Vito. Isang simpleng babae na nangangarap lamang ng kapayapaan ng kalooban. Walang problema sa eskwelahan dahil sa matataas na marka, maayos na relasyon sa mga guro at kaklase, at sandamakmak na talentong naibabahagi niya sa anumang pa...