Eman's POV
Namili muna ako ng mga kakailanganin ko sa art project na gagawin ko sa weekend. Nag-ikot-ikot ako sa mga tindahan at nakuha ko rin lahat ng mga iyon.
Dumaan din ako sa paborito kong bakery at bumili ng chocolate cake. Paborito ko ito lalo na kapag pinalamig ito sa ref. 😊
Dali-dali akong pumara muli ng tricycle at nakauwi rin sa wakas.
Walang tao.
As usual.
Naghubad ako ng sapatos at inilagay iyon sa rack. Pumasok ako at nagmamadaling inilagay ang mga gamit sa study table ko. Pinagmasdan ko pa ang picture frame na nakalagay doon.
'Masaya'
Agad kong ipinikit ang mata ko para hindi maisip pa iyon. Itinaob ko na lamang ang frame at dumeretso sa kusina para ilagay sa ref ang cake na binili ko kanina.
TIIIIIINNNGGGGG!
Nang marinig ko ang cellphone ko ay naisipan ko na agad na nagtext si Wexi. Hindi ko nga pala siya pinansin kanina dahil sa pagmamadali ko.
Ngunit, hindi pala sa kaniya nanggaling ang text na iyon. Kay Vlad.
Hindi ko pa nababasa ay idinelete ko na ang message at blinock ang number niya. Hindi niya ba naiintindihan na ayaw ko nang magkaroon pa kami ng koneksyon sa isa't isa?
"Emaaaaaaaan!?"
Sinilip ko sa bintana ang sumigaw ng pangalan ko pero walang tao sa labas.
"Eman..."
Gulat akong napatingin sa taong humawak sa balikat ko matapos niyang banggitin ang ngalan ko.
"Orin?"
Wexi's POV
Nag-aalala ako kay Vlad. Sobra.
Kita ko kung paanong bumagsak ang katawan niya sa sahig at mawalan siya ng malay.
Alam ng lahat na may sakit siya. Arrhythmia, narinig ko sa gen bio namin na 'yun yung hindi pagkontrol ng bilis ng heartbeat ng isang tao.
Kahit pa naiintindihan kong mahal niya talaga si Eman, dapat hindi na siya nag-abala pang puntahan siya.
Magkaibang building ang pinapasukan namin. Magkaklase kami ni Eman, pero dahil apat ang sections ng Grade-11 STEM, malaki pa rin ang tsansang magkahiwalay sila.
I hate the fact na pinagtatabuyan na nga siya ni Eman, tuloy pa rin siya.
"Miss ko na siya, sobra."
Dinig kong bulong ni Vlad habang nagpupunas ng luha. Magkasama kami ngayon dahil nang tawagan ko siya, sinabi niyang nagpapahangin lang siya. Nag-alala ako nang sobra.
Makikita mo sa mga mata niya kung gaano niyang namimiss ang dating sila ni Eman. Ramdam ko kung gaano siya kalungkot sa oras na ito.
"Ito, hindi niya man lang tinanggap. Haha." sabi niya habang hawak ang paperbag na nalukot na ang labas. "Nag-effort ako, Wexi. Nag-effort ako."
Alam kong hindi lamang effort niya ngayon ang tinutukoy niya. Nang makipaghiwalay si Eman sa kaniya, gabi-gabi siyang nasa labas ng bahay nila at humihingi ng tawad. Alam ko lahat ng ito dahil kasama ko si Eman nang mga panahong iyon.
"Pero..." humikbi muna siya at saka patuloy na nagsalita. "...nararapat lang sa akin ito."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya, i'm not used into this kind of convo. Masyadong seryoso.
Tumungo lang siya at umiyak na parang namatayan ng kapamilya. May hawak siyang bote ng alak sa kaliwang kamay at ang paperbag na para kay Eman naman ang nasa kabila. Kitang kita kung gaano kadungis ang uniporme niya. Gulo ang buhok niya at magang maga na ang mga mata. Uminom muli siya ng alak at lumingon sa akin.
"Mahal niya pa kaya ako?"
"H-Hindi ko alam...."
Sa wakas ay may nailabas akong mga salita. Masyadong sensitive ang ganitong bagay kung kaya ingat na ingat ako sa pagsasalita. Tumayo siya sa pagkakaupo niya at naglakad palayo sa akin.
"Itatapon ko lang."
Masama para sa kaniya ang alak, pero hindi ko kayang pagbawalan siya dahil magagalit lang siya sa akin. Kailangan niya ng kaibigan ngayon.
Naalala ko noong magkakaibigan pa lamang kaming tatlo nina Vlad at Eman. Kumakain kami sa Greenwich tuwing pagkatapos ng periodical exam dahil para sa amin, tagumpay lahat ng iyon. Hindi kami kahit kailan tumikim ng alak dahil para sa amin, bata pa kami para doon. Pero sa isang iglap, mukhang nagbago na nga ang lahat.
"Tara na?"
"Okay ka na ba?"
Ngumiti lang siya at iniabot ang kamay niya sa akin para tulungan akong tumayo. Alas sais na ng hapon at paniguradong hinahanap na rin ako sa bahay.
"Sa'yo na lang 'to, gusto mo?"
"Tss, mukha mo."
Tumawa siya nang malakas pero maikli.
'Masaya pa rin ako na kahit magkahiwalay kayo ni Eman, kaibigan ko pa rin kayo pareho.'
Vlad's POV
Nang makalabas ako ng eskwelahan ay dumeretso muna ako sa Garden of Lia. Kahit madilim na ay maganda pa rin ang lugar dahil sa mga ilaw dito. Hindi gaanong maraming tao ngunit may maririnig ka pa ring boses.
Napatitig ako sa paperbag na nasa harapan ko. Kailan lang ay tuwang tuwa ako habang ginawa ang laman nito pero hindi ko inaasahang ito rin pala ang pupunit ng puso ko.
Madali lang kaming tumambay ni Wexi doon at umuwi na rin agad.
"Nagtricycle ka lang, Vlad?"
"Ah.. haha, oo. Gusto kong magcommute eh haha."
Hindi ko na pinansin pa ang pinsan kong nakaabang sa pintuan.
"Amoy alak ka."
"H-Ha?"
"Isusumbong kita kay Tita."
Hindi na ako sumagot pa dahil alam kong hindi naman niya kaya 'yon. Dumeretso ako sa kwarto ko at naligo. Nahihilo pa rin ako pero konti na lang. Paglabas ko ng banyo ay nadatnan ko na ang Daddy kong nakaupo sa may study table ko.
"Uminom ka raw?"
Ha!? Oo nga naman. Hindi niya kayang magsumbong sa Mommy ko dahil sa Daddy ko kaya niya! Bwisit na babaeng 'yon.
"Konti lang po, Daddy."
"Dahil ba nito?"
Itinuro niya ang regalo ko para kay Eman. Alam niya ang lahat, maliban sa dahilan kung bakit kami naghiwalay. Alam niyang mahal na mahal ko parin si Eman.
"Ah haha, wala po 'yan."
"Dalian mong magbihis at kakain na tayo sa baba."
Tumango lamang ako sa kaniya at naglakad na siya palabas. Hindi ko alam kung bakit hindi niya nagawang magalit sa pag-inom ko ng alak sa edad kong ito, pero sa tingin ko ay naiintindihan niya ang nararamdaman ko.
Tapos na akong magbihis at bubuksan ko na sana ang pintuan nang mapansin kong nagva-vibrate pala ang cellphone ko.
Si Wexi.
"Hello, napatawag ka?" kabadong tanong ko. Hindi siya tumatawag nang ganitong oras kung hindi mahalaga. "Anong problema?"
Inintay ko ang tatlong segundo pero hindi siya sumasagot.
"Hello, asan ka?"
"Vlad, si Eman. Pumunta ka na dito sa ospital please."
Nanlaki ang mga mata ko sa gumagaralgal na boses ni Wexi. Hindi ito pwede.
BINABASA MO ANG
Nostalgic Chaos
Novela JuvenilEmandria Revi Vito. Isang simpleng babae na nangangarap lamang ng kapayapaan ng kalooban. Walang problema sa eskwelahan dahil sa matataas na marka, maayos na relasyon sa mga guro at kaklase, at sandamakmak na talentong naibabahagi niya sa anumang pa...