Chapter 11

37 6 0
                                    

Eman's POV

Nagsleepover muna ako kina Orin dahil bukod sa sadyang nakakalungkot na mga pangyayari ay namiss ko rin talaga siya!

"Eman, pahiram niyang acrylic." Si Orin.

Iniabot ko naman sa kaniya ang paint at sumilip pa sa ginagawa niya.

Masyadong maraming nangyari kahapon kaya naman sa tingin ko ay naapektuhan din nang husto si Orin. Ilang beses din siyang nagsorry at sinabi na hindi na niya dapat binanggit ang nakita niya pero kinontra ko naman iyon. Dahil hindi naman ako galit sa kaniya at grateful pa ako na naglakas siya ng loob na sabihin iyon sa akin.

Kahit naman anong lungkot ang maramdaman ko matapos kong malamang iniwan na talaga ako ng mga magulang ko... kailangan ko talagang maging okay.

Buti na lang at wala kaming pasok kaya naman napagdesisyunan kong dito muna ako at bukas na lang ako uuwi sa amin.

"Nakita mo na ba si Fairon, Eman?"

Napalingon ako sa kaniya at naitigil ang ginagawa ko. Oo nga pala! Si Fairon.

"Ahh... oo. Nagkita kami sa bookstore."

"Mmm... that's good."

"E... kayo ba?" Sumulyap siya sa akin pero ibinalik din agad ang paningin niya sa pinipintahan niya.

"Oo. Pero mabilis lang. Wala rin naman kaming sasabihin sa isa't isa. Tss."

Natawa ako sa kaniya at hindi na siya pinansin pa.

Maraming art materials si Orin dito sa kwarto niya kaya napagdesisyunan kong dito na lang gumawa ng project ko.

Kasali kami ni Orin sa isang organization sa school. Theatre, Visual and Arts Guild. Marunong akong kumanta pero mas hilig ko ang pagpipinta. 😊

Sa tuwing nakararamdam ako ng tinding lungkot nailalabas ko agad 'yon sa pamamagitan ng pagpipinta.

Halos dalawang oras kong ginawa ang painting ko. Ang tanging naipaint ko lang ay ako at ang pamilya ko. Ang kaibahan lang... purong anino na lang sila at ako na lang ang nananatiling nandoon. Hindi ko alam kung makukuha ba ng lahat ng titingin dito ang meaning ng artwork ko pero... ito ang gusto kong ipahiwatig.

"Tadaaaa! I'm done."

Nagulat ako nang sumigaw sa tuwa si Orin kaya naman tiningnan ko ang gawa niya.

Halatang in love siya at masaya siya sa mga nangyayari sa buhay niya. Nagpinta siya ng sunset at may babae't lalaking nakasakay sa bangka habang nagsasagwan. Simple lang at common na iyon ngunit hindi ko naman maitatangging napakalinis ng gawa niya!

"Eman... s-sana maging m-masaya na ang content ng paintings mo." Nakatingin siya sa gawa ko at parang nalungkot siya sa nakita niya.

Napatingin ako sa kaniya at ngumiti siya sa akin. Tinapik niya pa ako sa balikat at tsaka kumilos.

"Kukuha lang ako meryenda."

Tumayo siya at tsaka lumabas ng kwarto. Itinabi ko sa gawa niya ang painting ko at pumunta sa banyo para alisin ang pintura sa kamay ko.

Pagkalabas ko ay pinunasan ko pa ito ng towel na nandoon at tsaka dumeretso sa kama.

Humiga ako at napatingin sa kisame.

Muli akong napaisip sa sinabi ni Orin bago siya lumabas.

'Kailan nga ba ako magiging masaya?'

Pagod na rin naman akong maging malungkot... pakiramdam ko ay buong buhay ko, pinaglalaruan lang ako ng tadhana.

Iniwan ako ng mga totoo kong magulang sa ampunan at pinabayaan na lang nila ako. Ampon ako at iniwan na rin ako ng mga umampon sa akin. Ginago ako ng mga kaibigan kong akala ko ay totoo.

Nostalgic ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon