Eman's POV
'TING TING TING!'
Sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone ko pero hindi ko pinansin iyon.
Tuesday na ngayon at walang pasok dahil nagkaroon ng seminar ang mga teachers sa Pampanga. Ano pa nga ba, edi wala kaming pasok this whole week at babalik sa Monday para sa pagbabalik ng klase.
Sa wakas ay makakapaglinis din ako ng bahay muli 😁
Sinimulan ko ang paglilinis sa kwarto ko, mula sa kisame, mga bintana, kama, cabinets at sahig. Umabot ako ng lampas isang oras at tumungo agad sa living room para iyon naman ang linisin.
Apat ang kwarto ng bahay, may pool din sa labas at may veranda.
Tahimik at tanging tunog lamang ng vacuum ang naririnig ko.
"Kung nandito lang talaga sila---"
Napigilan ko mismo ang sariling pagsasalita sa naisip ko. Si Orin.
Muling bumalik sa akin ang araw na naaksidente ako. Hindi ako nagkakamali dahil tandang tanda ko pa.
Hindi ko na natapos ang paglilinis ko at tumakbo na ako agad sa kwarto. Hinagip ko ang cellphone ko at idinial ang number ni Orin doon.
'Kriiinggg... kriinggg.. kringgg..'
Hindi niya sinagot. Pero... hindi na ako mapapakali pa matapos kong maalala ang pangyayaring iyon.
'Kriiinggg... kriinggg.. kringgg..'
"Hello, Eman?"
Sa ikalawang pagkakataon ay sinagot na niya ang tawag ko.
"A-Ah Orin... ano k-kasi..." Ramdam ko ang pag-iintay niya sa sasabihin ko. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung paano ko muling babanggitin sa kaniya ang nais kong mangyari, eh halos tatlong buwan na yata ang nakalilipas.
"Hmm Eman? Andyan ka pa?"
"Ah... punta ako diyan."
Sa personal ko na lang siguro sasabihin. Tama, Eman.
"Hmm sige iintayin kita, ingat!"
Pinatay ko na ang tawag at dumeretso na kaagad ako sa banyo.
Mabilis akong nakaligo at nakapagprepare dahil sa kabang nararamdaman ko.
Tumakbo ako papalabas at dali-dali namang inilock ang pintuan. Pagtanaw ko sa labasan ay may dalawang tricycle na nakapark sa may tabi kaya naman agad din akong nakasakay papunta kina Orin.
Nakatingin lang ako sa kalsada habang umaandar ang tricycle nang biglang tumunog muli ang cellphone ko.
'TIIIIING!'
Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang siyam na messages ni Vlad. Wala na akong oras para buksan pa lahat ng 'yon kaya 'yong huling text na lang ang binasa ko.
New Message from Vlad
Eman gising ka na ba? Bakit hindi mo ako nirereplyan? Free ka ba? May gimik sana tayo eh. Magreply ka pls? I really miss you.
Hindi ko naman napansin ang pagtitig ko sa text niyang iyon. Sweet.
Hindi ko pinansin muli at dinelete lahat ng text messages niya.
'Sa ngayon ay ikaw naman ang mahuhulog sa patibong ko, Vlad.'
Orin's POV
Aaminin kong nagtaka talaga ako sa ikinilos ni Eman kanina noong tumawag siya. Nauutal siya at ramdam ko na may gusto talaga siyang sabihin kaya naman natuwa ako nang sabihin niyang pupuntahan niya ako. Ang ipinagtataka ko lang, hanggang ngayon ay hindi niya man lang ako itinetext kung saan ang address ng bahay namin. Like, hey paano niya naman malalaman e may amnesia siya??
BINABASA MO ANG
Nostalgic Chaos
Teen FictionEmandria Revi Vito. Isang simpleng babae na nangangarap lamang ng kapayapaan ng kalooban. Walang problema sa eskwelahan dahil sa matataas na marka, maayos na relasyon sa mga guro at kaklase, at sandamakmak na talentong naibabahagi niya sa anumang pa...