Vlad's POV
"Vlad, nakapagreview ka na ba sa stats?"
Hindi ako makapaniwala. Three months from now nakalatay lang ang katawan niya sa ospital.
"Ahm... haha madali lang naman kasi 'yun at mga formula lang ang kailangang imemorize." Ngumiti pa ako sa kaniya at sinuklian niya naman 'yon ng pagtango.
Akala ko madali. Madali lang na ganito ang mangyari. Pero hindi ako mapakali sa tuwing iisipin kong peke ang lahat ng 'to. Ang mga tawanan, usapan, mga gimik, lahat hindi totoo.
'Gusto ko nang sumuko.'
Gusto ko siyang kausapin at magtapat sa kaniyang hindi ako ang taong inaakala niya. Na hindi ako ang Vladimir na ito. Na hindi rin ako totoo.
"Wexi, samahan mo naman ako sa CR, please." Ika ni Eman na mukhang gustong gusto nang umalis sa kinatatayuan.
Tumayo agad si Wexi at mayamaya lamang ay naglalakad na kasama si Eman.
Suot ni Eman ang mustard yellow na headband na suot niya rin noong araw bago namin siya madatnan sa ospital. Walang malay, nakapikit at may dugo sa ulo.
(FLASHBACK)
Nagmamadali akong sumakay sa kotse at mayamaya'y narating din ang ospital.
"Ms. room number!! Bilis!! Emandria Vito."
"Sir, Room 116 po."
Nang marinig ko iyon ay dali-dali akong tumakbo at hinanap ang kwartong iyon. Tagaktak ang pawis, nanginginig ang mga kamay at nangangatog na tuhod. Ang babaeng pinakaminamahal ko, nasa ospital at wala akong malay sa sitwasyon niya.
Pinasok ko ang room na 'yon at nadatnan ang walang lamang kama na nandoon.
'Pucha, nagkamali ba ako ng room?'
Hindi maaari ito, tamang tama ang pagkakarinig ko.
Lumabas ako agad at hinanap kung nasaang kwarto ba talaga si Eman. Nag-aalala na ako nang sobra.
Pagkatapak ko sa labas ng kwartong iyon ay natanaw ko si Wexi na nakaupo sa sahig sa may dulo ng ospital. Umiiyak.
Nakatingin lamang ako sa kaniya habang lumalapit. Kinakabahan ako.
"Wexi?"
"Vlad." Banggit niya sa pangalan ko kasabay ang pagtayo at pagyakap sa akin habang humahagulgol. "N-Nabangga k-ko si Eman, s-sorry talaga."
Parang nabingi ako sa sinabi niya. Patuloy pa rin siya sa pagsosorry sa akin pero ang tanging naisip ko lang ay kung kamusta na ang lagay ni Eman.
Bumitaw sa pagkakayakap si Wexi at pinunasan niya ang luha.
"H-Hindi ko sinasadya."
Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Nagagalit ako, pero sino ang sisisihin ko? Alam kong hindi niya sinasadya 'yon.
Sana nga.
"Vlad, bigla na lang siyang tumakbo at tumawid, hindi ko alam."
Gusto ko siyang sigawan. Pero naiintindihan ko ang dahilan niya at pinaniniwalaan ko siya.
"Nasaan siya?" Pilit ang inis na sambit ko sa kaniya. Nanginginig pati ang boses ko pero nabanggit ko iyon ng diretso.
"Nasa loob."
Sumilip ako sa isang kwarto. Maraming nakakabit sa kaniya, at mahahalata mong kritikal ang lagay niya.
Hindi ko napigilang lumuha. Paano na lamang kung hindi magtagumpay ang gagawin ng mga doktor sa kaniya at hindi na siya magising pang muli? Paano na ako?
Ayokong mawala siya nang hindi man lamang naririnig ang kapatawaran na hinihingi ko noon pa man.
(END OF FLASHBACK)
Binuklat ko ang notebook ko sa RWS at nagbasa-basa habang hinihintay dumating sina Eman.
'Intertextuality'
Kasunod ay ang mga salitang relationship, Romeo and Juliet, texts.
Hindi ako mahilig magnotes pero nilalagay ko ang mga palatandaan ko sa pinag-aaralan. Nasanay na ako na ganito ang ginagawa mula Grade 7. Mas madali ko naman naiintindihan dahil galing din ito sa naintindihan ko sa mga guro.
"Tsk, nakabukas 'yong notebook pero ako naman ang iniisip? HAHAHAHA" Ika ni Eman na tumatawa pa habang nakaturo sa akin. "Ano namang naiintindihan mo diyan, e ako lang ata gusto mong i-get?"
Corny amp.
"Kapal mo ah, iniisip ko lang kung paano ko ipaiintindi ang topic natin sa Basic Cal noh."
Natigilan siya at ngumuso pa sa akin bago umupo.
Magaling siya sa lahat ng subjects maliban sa Math. Ramdam kong marunong naman siya pero dahil sanay siyang mabilis sumagot sa mga tanong, hindi niya masyadong na-aanalyze ang mga math problems.
"Oh." Iniabot ni Wexi sa akin ang biscuits na binili nila. Ngumiti ako at kinuha iyon at tsaka binuksan.
Masaya ako na ganito lang kami. Bumalik kami sa dati. Walang problema kundi ang mga quizzes na walang awa. Sana hindi na ito magbago.
'Sana hindi na bumalik ang alaala mo, Eman.'
Wexi's POV
Tumambay muna kami sa may canteen bago pumunta sa rooms namin. Masaya kaming tatlo pero may ilangan pa ring namamagitan sa amin. O ako lang talaga?
Matapos magreview ng ilang topics ay naglakad na kami papunta sa building namin. Sabay kaming naglakad ni Eman pero hindi kami nag-iimikan. Pakiramdam ko ay pati siya ay naiilang na rin.
"Bakit naman ang tahimik natin?"
Natawa pa siya nang bahagya at sumulyap nang mabilis sa akin. Hindi ako nakatingin sa kaniya pero kita ko siya sa gilid ng mga mata ko.
"Kinakabahan ako eh."
"Sa quiz? Psh, kaya mo naman 'yon eh."
Nginitian ko na lang siya at nagtuloy sa paglalakad. Totoong kinakabahan ako, pero... hindi sa quiz. Kundi ang malaman niya ang totoo.
Nilingon ko siyang muli at nahagip ng mata ko ang pagngiti niya sa kawalan.
'Abnormal.'
"Huy, ano?" Pagtatanong ko upang mawala na ang tensyon sa kalooban ko. Ayaw ko ng ganito. "Anong iniimagine mo diyan?"
"May naalala kasi ako."
Parang may sumuntok sa dibdib ko. Anong naalala niya? Wag naman sana.
"Pakiramdam ko kasi, malapit nang bumalik ang alaala ko. Excited na nga ako--"
"Wag!"
"H-Ha?"
Hindi pwedeng bumalik agad ang alaala mo. Hindi pwede, Eman.
"I mean, wag ka maexcite ghorl, kasi baka mausog."
Tumingin pa muna siya sakin at tumawa.
"HAHAHAHAHA gago ka."
Hindi ko nagawang makitawa dahil hindi ko nagustuhan ang iniisip niya.
Pumasok kami sa room at wala pa rin namang teacher. Nagreview pa ako saglit at tiningnan ang reviewer ko na galing kay Eman.
'Walang pinagkaiba sa noon niyang ginagawa.'
Masipag pa rin siyang gumawa ng mga reviewers at agad na dinadagdagan ang kopya para sakin. Bukod sa complete na content ay napakaganda ng layout niya sa bawat reviewer na ginagawa niya, kaya naman sisipagin kang tingnan ito palagi.
Pumasok na ang teacher at wala pang 20 minutes ay nakita kong nagpasa na ng test paper si Eman.
BINABASA MO ANG
Nostalgic Chaos
Teen FictionEmandria Revi Vito. Isang simpleng babae na nangangarap lamang ng kapayapaan ng kalooban. Walang problema sa eskwelahan dahil sa matataas na marka, maayos na relasyon sa mga guro at kaklase, at sandamakmak na talentong naibabahagi niya sa anumang pa...