Troy's POV
Naiinis ako kay kuya. Kahapon nang umaga, hindi na kami nakakain ng almusal dahil diyan sa issue na iyan.
Bumangon ako at nadatnan ko na lang ang almusal sa lamesa, today's already Wednesday.
Umuna na si kuya sa school at naiwan na naman ako dito. Kanina pa akong nag-iisip habang nakahiga sa kama.
Kuya told me yesterday lahat ng alam niya about Wexi. Hindi ako makapaniwala kaya naman nasabi ko sa kaniyang gumagawa lang siya ng kwento para tigilan ko siya.
Maghapon akong badtrip at nag-iisip.
Wexi did stalk him. Wexi fooled Eman.
Sapat na dahilan na ba ang mga ito para tigilan ko siya?
I am not even related to Eman. Why would I bother?
Natapos akong kumain at agad na hinablot ang towel para maligo.
Hanggang banyo ay hindi parin nawawala ang mga iniisip ko.
I admit, at first, gusto ko lang talagang itrip si Wexi. But I realized she's really cute. Nasa kaniya rin ang tipo ko sa babae. The day na ibinalik ko sa kanya ang bag niya, gumaan agad ang loob ko. We went to some dates and i knew she was nice.
She invited me, gusto niyang sumama ako sa birthday ni Eman para maging partner niya. Pero... alam kong hindi iyon magugustuhan ni kuya. Malamang mararamdaman niya ay kay Wexi ako kumakampi instead of Eman.
Why can't I think of myself? Why does happiness this hard to get?
Should I be selfish or selfless?
Pagkalabas ko sa CR ay nagbihis at pumunta na ako sa school.
I need to talk to Wexi.
Eman's POV
I already planned everything. 😍
Kahapon nang hapon ay nakipagkita na ako sa event organizer. I told her na gusto ko enggrande. Family event organizer na namin siya so close talaga kami hihi.
All guests will wear gowns and suits. Everything will be formal. Not a debut but, I want this to be the most special birthday of mine.
I invited Vlad, Wexi, Orin and Fairon. I also sent invitation sa family nila kasi I don't want so much visitors na hindi naman kailangan.
I used my money sa bank for all the expenses.
This Wednesday, after school, pupunta naman ako sa office nung catering service na ihahire ko to assure na maayos ang lahat.
After I prepared I went to school na. Hinagilap ko agad si Orin para naman matapos na kung ano mang mayroon sa kanila ni Fairon. Nakakapagod na ring maging tulay para sa kanila. They're both grown ups na and they don't need me na dapat.
"Ayan na si Fairon. I'll go na Eman. Thanks!" Si Orin.
I just smiled at tumalikod na. I really hope maging maayos na sila.
I went straight sa classroom ko. I saw Wexi bago ako pumasok na nakaupo na sa upuan niya.
Mayamaya'y dumating na ang teacher namin. The subject is Practical Research.
"You'll be grouped into three for the research making."
Nakatingin lang ako sa teacher habang nagpapaliwanag siya.
"I'll just paste this list on your bulletin board. Kindly check it after the class."
Then she started discussing about the chapter 2.
Hours passed, natapos din ang lahat ng subjects. Sabay kami ni Orin naglunch kasi wala ako sa mood magpanggap sa harapan nila Wexi.
"We're okay now, Eman. Sa wakas kinausap din ako ni Fairon."
"Talaga? That's really nice. I want to see you on Saturday na magkasama."
"I'll bring Viro e, pero I'll try na sumama sa table nila ni Troy." She answered.
I just nodded and smiled at her. Pinagpatuloy na namin ang pagkain namin at nang matapos ay dumeretso agad sa room.
Mabilis natapos ang araw. Discussions, activities, may isang quiz at vacant.
I went straight sa office ng Luna Catering Service. We had a meeting pero natapos din agad since I already liked what's in their menu.
Wexi's POV
I am about to go to my designer's house pero hinila ako bigla ni Troy nang makapunta ako sa parking lot.
"What's wrong with you?"
"We need to talk."
"Sakay." I commanded.
Tumigil kami sa isang coffee shop. Bukod sa tahimik dito ay nagugutom na rin ako at gusto ko na ng meryenda.
We entered agad pero nauna ako sa upuan dahil umorder muna siya sa counter.
I sat on the couch. Dalawang couches na magkaharap plus a small table sa pagitan nito. I love the smell of wood here, nakakarefresh.
"I just want to confirm something. I don't want to bark at the wrong tree, Wexi." Troy said nang makaupo siya sa harapan ko.
"WTH are you talking about? Could you please tell it straightly?"
"Is it true that you stalked kuya?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kuya??
"Kuya Fairon. Did you stalk him?"
"K-Kapatid mo s-siya?"
"Why did you do it? For what?"
Huminga ako nang malalim at inihanda ang sarili ko.
"I liked him that much."
"How about now?"
"What?"
"Are you still into him?"
Natigilan ako sa tanong niya.
Oo, mahal ko ang kapatid mo. Mahal ko pa siya.
"O-Of course n-not." Utal-utal na sagot ko.
"Good."
Dumating ang inorder niya. Isang espresso, iced coffee at dalawang slice ng red velvet cake.
"I know you love iced coffee. I am a stalker too. 😉" Kinindatan pa niya ako.
Ilang minuto ang lumipas at kumain lang ako niyong inorder niya.
"Wexi..." Tawag niya sa akin. "There's still one thing I need to confirm."
"What is it?"
"Hmm Eman..." Tumitig siya sa kape at hinalo halo niya ito. "I mean, ako pa rin ang partner mo sa birthday ni Eman, right?"
"Yes. Is that all?"
"A-Ah... Oo. Sige na, ubusin mo na 'yan."
Sana naman ay hindi ikinuwento ni Fairon sa kaniya ang nalalaman niya. Kapag mas dumami ang nakakaalam, mas madaling malalaman ni Eman ang totoo.
Tumayo kami agad at nagpaalam na ako sa kaniya. Gusto niya pa sanang sumama sa pagcheck ng gown na susuotin ko pero sinabi ko sa kaniyang surprise na lang.
Three days to go, birthday na ng best friend ko. Birthday na ni Eman.
BINABASA MO ANG
Nostalgic Chaos
Teen FictionEmandria Revi Vito. Isang simpleng babae na nangangarap lamang ng kapayapaan ng kalooban. Walang problema sa eskwelahan dahil sa matataas na marka, maayos na relasyon sa mga guro at kaklase, at sandamakmak na talentong naibabahagi niya sa anumang pa...