Chapter 15

24 4 1
                                    

Fairon's POV

Lahat ng natitirang mga araw bago bumalik ang teachers ay iginugol lang namin sa pagppractice ng sayaw. Tatlong beses kaming sasayaw. Una, para iwelcome ang mga bisita, ikalawa ay intermission number at syempre ang pangfinale.

Lahat ng 'yon ay kasali ako kaya naman sobrang nakakapagod ang araw-araw para sa akin.

Kinuha ko ang bag ko at sumakay sa motor ko. Sa wakas ay Monday na ngayon.

'Brooooom! Brooooom!'

Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay nakarating na ako sa GA. Marami nang estudyante at halos lahat sila ay nagkkwentuhan.

Malamang sari-saring mga pangyayari ang naranasan nila sa halos isang linggong bakasyon.

Naglakad muna ako papunta ng canteen para bumili ng gatorade at tubig. Malamang mamaya ay hindi na ako makakabili dahil sa dami ng taong bibili dito.

Nang matapos ako sa pagbili ay agad naman akong tumalikod kay ateng nagtitinda at nadatnan si Eman sa harapan ko.

Ngumiti muna ako kahit bakas sa akin ang pagkagulat, "Huyyy!"

"Sama ka sa'kin."

Seryoso siya at mukhang may gusto talaga siyang ipakita.

Tumingin ako sa relo ko at nakitang 6:46 am pa lamang. 8 am ang simula pero 7 am ay dapat nasa dance hall na kami. May 14 minutes pa naman ako kaya sumama na ako kay Eman.

Hindi ko na namalayang malapit na pala kami sa dance hall.

"Fairon, may gusto kasing kumausap sa'yo." Ani Eman.

Kumunot ang noo ko at naiintrigang sumilip sa loob ng dance hall. Lahat ng dancers ay nandoon na ngunit si Orin lang ang nakapukaw sa atensyon ko.

"Let's talk please?"

Tumalikod naman ako agad sa kaniya at tumakbo. Hindi ko kayang makita siya lalo na ang makausap pa siya. Madali siguro para sa kaniya ang lahat pero para sa akin hindi.

Naglakad ako nang naglakad hanggang makalabas muli ng school. Napagdesisyunan kong tumambay muna sa tindahan sa tapat nang limang minuto bago muling bumalik doon.

Ininom ko ang tubig na binili ko kanina at binuksan ang cp. Nagscroll lang ako sa fb, at matapos naman ay pumunta sa twitter. May ilang notifications doon pero hindi ko na pinansin pa. Umabot ako ng lampas sa limang minuto doon at tsaka naglakad papasok sa school.

Mabilis na narating ko ang dance hall at halos lahat sila ay nakamake-up na. Inilapag ko na ang bag ko at nagsimula na ring mag-ayos ng sarili.

Wexi's POV

Matapos naming magkita nina Vlad at Eman ay hindi na rin kami nagkaroon ng koneksyon pa. Madalas ay niyayaya ako ni Vlad lumabas at mamasyal pero wala akong gana.

Bakit hindi ako kinausap ni Eman tungkol sa huling sinabi ko sa kaniya? Ang ineexpect ko ay susundan niya pa ako at kukulitin hanggang ipaliwanag ko sa kanya ng maayos ang lahat.

Ni isang text o tawag ay wala akong natanggap mula sa kaniya.

Kasama ko si Vlad samantalang hindi ko pa nakikita si Eman. Tinawagan na rin siya kanina ni Vlad pero sadyang nakapatay ang cp niya at mukhang hindi siya papasok.

Tumungo na ang lahat ng estudyante sa gymnasium nang may nag-announce sa speaker na malapit nang magsimula.

Umupo kami ni Vlad sa may taas na bahagi ng bleachers at kusa namang hinanap ng mga mata ko si Troy.

Ilang paglipat-lipat din ng tingin nang mahagip ng mga mata ko si Troy. Nakatingin siya sa stage at mukhang may hinihintay na lumabas.

Agad ko namang inilabas ang cp ko ay tinext siya.

Hinintay ko pang mapansin niya 'yon ngunit parang hindi niya alam na may notification sa phone niya. Tss.

Inalis ko na ang paningin ko sa kaniya at tumingin na lang sa stage. Alam kong nagtatampo si Troy dahil matapos naming magkita noong umalis ako sa bahay nina Eman ay hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

(FLASHBACK)

"Ano bang kailangan mo at kailangan mo pang makipagkita?"

Masungit na sambit ko sa kaniya. Ang totoo'y namiss ko rin naman siya pero ayaw ko lang magpahalata.

"Tss. Malamang namiss kita. Matapos tayong maglaro ng ml hindi ka na nagparamdam."

Lumungkot ang mukha niya at inilapag ang pagkaing inorder niya sa table namin.

Kumain kami pero hindi ko inubos ang akin at nagpaalam na agad na uuwi na.

"That fast? Uuwi ka na agad?" Halatang inis na siya sa akin. "Ni hindi mo yata nabawasan 'yan e." Turo niya pa sa pagkain ko.

"Hindi masarap." Matapos ay tumayo na ako at umaktong aalis na. Hindi niya ako pinigilan pero ramdam ko ang paghabol niya.

Nakalabas kami ng restaurant at doon niya ako kinausap.

"Wexi, kung may problema ka, pwede mo namang sabihin. Makikinig naman ako."

"Ang kulit mo, uuna na ako."

Hindi ko namalayang hindi pala ako umaalis sa tayo ko dahil hawak niya na ang braso ko.

"Pwede bang wag ka munang umalis?"

"Stop."

"Please, Wexi."

"I said stop."

"Wexi, ayaw mo ba akong kasama?"

"WTH is wrong with you?" Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya pero wala akong pakielam. "Di ka ba nakakaintindi ng stop? At... sino bang may sabi sa'yong makipagkita ka sa akin?"

Umapaw ang sarcasm ko kaya naman napangiti ako agad.

"Sino ka ba sa tingin mo, Troy?"

Umiwas ang tingin niya at ngumiwi ang labi niya. Alam kong nasaktan ko siya.

Tumalikod na ako para hindi niya na ako sagutin pa. Lumiban ako at naglakad na papunta sa kotse ko at umuwi.

Matapos iyon ay hindi na niya ako muling tinext o chinat pa.

(END OF FLASHBACK)

If you don't wanna see me dancing with somebody
If you wanna believe that anything could stop me

Don't show up, don't come out
Don't start caring about me now
Walk away, you know how
Don't start caring about me now

Natigil ako sa pag-iisip at napapunta na lamang ang atensyon ko sa pinanggagalingan ng tugtog. Ngunit nahagip din agad ng mga tao sa entablado ang paningin ko.

Muli ay naramdaman ko ang tuwa sa puso ko kasabay ang pagkirot nito. Hindi ako maaaring magkamali dahil siya lang ang nakapagparamdam nito.

Si Fairon at ang paghataw niya. Nakatitig lang ako sa kaniya habang siya'y bahagyang nakangiti pero bakas pa rin ang angas sa galaw niya.

Hindi ko akalaing matapos ang ilang taon ay makikita ko siya. Mahahagip pa rin pala siya ng mga mata ko. At makukuha niya pa rin ang puso ko.

Akala ko'y nakalimutan na kita, Fairon. Pero sadyang... mahal pa rin talaga kita.

Nostalgic ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon