Wexi's POV
Nilisan ko agad ang ospital nang makarating sina Eman at Orin doon.
Nang makita ko si Eman sa labas ng pintuan ay halos magulantang ako sa itsura niya. Napakalungkot niya na parang namatayan siya ng mahal niya sa buhay.
Hindi ko na iyon pinansin pa at nagmadali nang umalis.
Sumakay ako sa kotse ko at tsaka nagdrive papunta sa bahay.
Wala pa akong lisensya sa pagddrive. I'm just 17 years old but I really want to do this. Ilang beses na akong naaksidente but my parents cannot stop me from driving.
Ayoko magcommute, ayoko sa tricycle, even jeepney. Maarte na kung maarte, pero you cannot change my mind about it.
I've been in an accident months ago. 'Yong nabangga ko si Eman... Hanggang ngayon I'm still worrying na hindi naniniwala si Vlad na hindi ko talaga sinadya, while it seems like naniniwala naman si Eman.
Swear, hindi ko talaga sinadya. I am tired that time at inaantok na ako pero I can see the road pa naman. Hindi ako lasing or what so I am really okay at that moment.
Kaso, tumakbo siya bigla. Without being aware of her surrounding. I mean, kahit sinong lumiliban, dapat tumitingin sa right and left niya di ba? What's her problem?
Galit ako sa kaniya at alam kong nagalit din siya sa amin ni Vlad noon dahil sa ginawa namin sa kaniya. I know it's a serious act pero I only did it kasi deserve niya.
Naglaho ang mga naiisip ko nang madatnan ko si Mom sa labas ng bahay at mukhang nag-iintay siya sa akin.
Agad akong bumaba at niyakap naman siya.
"Mom!"
"Oh..." Tanging naisagot niya nang yakapin ko siya bigla. Pakiramdam ko ay namiss ko talaga sila. Hindi man kami araw-araw nag-uusap pero sanay ako na nandito lang sila sa bahay kasama ako.
"Ano oras po kayo dumating?" Nakangiting sambit ko sa kaniya. "Si Dad po, nasaan?"
Ngumiti pa siya at hinawakan gamit ang magkabilang kamay ang pisngi ko.
"He's inside... kararating lang namin when I texted you. Let's go, baby." Hinawakan niya pa ako sa kamay at magkasabay kaming pumasok ng bahay.
Pagkapasok namin ay nakita ko si Dad na nagluluto na ng lunch.
Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya.
"What's that?" Tanong ko sa kaniya at sumilip pa ako sa niluluto niya.
"Chili-garlic prawns, Wex. Naglunch ka na?" Malambing na tanong niya naman sa akin. Alam ko na bumabawi lang sila dahil ilang araw din silang nawala.
"I only had breakfast, Dad."
Iniwan ko na siya sa kitchen at tsaka naghain sa mesa. Kumuha ako ng tatlong plates, spoons and forks, and drinking glasses for water.
Umupo na kami ni Mom nung iserve ni Dad ang niluto niya sa lamesa.
We're really enjoying the food kasi lahat kami ay mahilig sa spicy foods!
😋
"Kamusta ka here, baby?" Tanong ni Mom sa akin habang sumasandok siya ng kanin at nilalagay sa plate ko.
"Hmm... I'm fine Mom. Wala namang nangyaring kakaiba. Mom! Tama na po, nagdadiet ako e!"
Tumawa pa siya nang bahagya at inilagay sa plate ni Dad ang kanin na sakin niya dapat ibibigay.
BINABASA MO ANG
Nostalgic Chaos
Teen FictionEmandria Revi Vito. Isang simpleng babae na nangangarap lamang ng kapayapaan ng kalooban. Walang problema sa eskwelahan dahil sa matataas na marka, maayos na relasyon sa mga guro at kaklase, at sandamakmak na talentong naibabahagi niya sa anumang pa...