Fairon's POV
Tuesday.
Yesterday was fine. Napuri kami ng school heads dahil sa hinanda naming performances.
Tumayo ako sa upuan ko dahil wala pa namang klase. Balak ko sanang pumunta sa canteen to grab some snacks.
Hindi na ako kumain dahil nagkasagutan kami ni Troy kanina sa condo.
He's serious about courting this girl, Wexi. And I hate it.
Alam ko kung anong ginawa nila kay Eman. She told me once kung anong nangyari sa kanila. At kahit ako mismo, galit na galit sa mga pinaggagawa nila noon.
I went straight sa canteen para kumuha ng cookies at milk.
Nagbayad ako at pinag-intay naman ako ng cashier sa sukli. Mukhang wala pa silang barya dahil umaga pa lang.
"Vlad, okay ka na ba talaga?" Babae.
I heard someone na nagsalita sa may tabi ko pero hindi ko pinansin.
"Oo, ayaw ko na lang munang pag-usapan." Lalaki.
"Malapit na birthday ni Eman. Ano plano natin?" Babae.
Nang marinig ko ang pangalan ni Eman ay lumingon ako sa kanila.
Si Wexi at Vlad.
Nakita ko kung paano nagulat si Wexi sa itsura ko. Pero tinitigan ko lang siya at nginitian.
Iniiwas niya ang paningin niya at tsaka ako bumaling kay Vlad. Mukha siyang galit at nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"So... you're Poly?"
Natawa pa ako nang bahagya. Para siyang nambabanta na papatumbahin ako.
"San mo nalaman yan? Haha" I laughed.
Tinawag naman ako ng cashier at ibinigay ang sukli.
Tumalikod na ako sa kanila pero pinigilan pa rin ako ni Vlad.
"Sandali. Pre, usap muna tayo."
"What do you want?" Prangkang tanong ko.
"Layuan mo si Eman."
"Why would I?"
"Dahil nakasira ka na ng relasyon." Si Wexi.
"Stupid." At tumawa pa ako nang bahagya.
"Alam mo bang IKAW ang dahilan kung bakit naghiwalay kami?" Si Vlad.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Pati yata ako ay gagaguhin ng lalaking ito.
"Ako ba talaga?"
Natigilan sila sa tanong ko at umiwas ng tingin.
"O kayo?" Dagdag ko pa.
Kita ko ang paglunok ni Vlad at inayos naman ni Wexi ang buhok niya.
"I know what you were up to noon, hindi niyo ako maloloko."
"A-Ano bang sinasabi mo?"
"And you Wexi... you were stalking me back then."
"Ha!? Me? That's not true!"
"Hope you know that's also illegal. Just like what you did to Eman."
Tuluyan na akong tumalikod at pumunta sa room ni Eman. Kailangan ko siyang makausap.
Minutes after narating ko ang building nila at pinagtanong tanong kung saang room siya pumapasok.
STEM- A. Nakita ko agad siyang nakaupo doon at nakapatong ang kamay sa desk.
BINABASA MO ANG
Nostalgic Chaos
Teen FictionEmandria Revi Vito. Isang simpleng babae na nangangarap lamang ng kapayapaan ng kalooban. Walang problema sa eskwelahan dahil sa matataas na marka, maayos na relasyon sa mga guro at kaklase, at sandamakmak na talentong naibabahagi niya sa anumang pa...