Vlad's POV
Natapos ang buong araw nang lipad ang isip ko. Hindi ko maifocus ang attention ko sa discussion dahil sa mga haka-haka ko.
'Si Ms. Lastimosa, ano ba talaga siya ni Daddy?'
Naglakad ako palabas nang gate nang makita ko si Eman at Wexi na nandoon. Nakangiti sila sa isa't isa kaya naman lumapit ako.
"Hey." Bati ko sa kanila at sabay naman silang lumingon.
"Vlad!" Si Wexi.
"Tara sa Garden of Lia ngayon?" Yaya ni Eman.
Hindi ako ngumiti pero sumang-ayon ako sa kanila. Isinabay ko sa kotse si Eman at mag-isa namang nagdrive papunta doon si Wexi.
Lumingon pa ako kay Eman at nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. Ang kaninang nakangiti ay parang nababalutan na ng kaba at galit. Ayaw kong isiping may tinatago siya pero parang ganun na nga.
"Eman, okay ka lang?"
"A-Ah... oo. Naalala ko lang mga magulang ko."
Nakaramdam naman ako ng awa matapos niyang banggitin iyon. Pero bakit parang pati sa sarili ko ay nararamdaman kong may kakaiba rin? Hindi kaya, pareho lang kami ni Eman ng problema?
Mayamaya'y bumaba rin kami at sumunod naman agad si Wexi. Naghanap agad kami ng table para doon umupo. Pinili namin ang malapit sa dagat para mas maaliwalas at payapa.
"Bibili muna ako ng snacks, 5 minutes."
Bumili ako ng mga pagkain, chichirya at softdrinks. Bumili rin ako ng chuckie at tinapay kung sakaling ayaw nila ng junk food.
Pagbalik ko ay nilingon agad ako ni Eman kaya napatingin ako sa kaniya nang diretso.
"Hmm Vlad, upo ka na." Matapos ay umupo ako at inalok sila ng binili ko.
"Hmm I invited you here kasi gusto ko sanang..." Pumikit pa siya at humawak sa puso niya. "... gusto kong magsorry." Ika ni Eman.
Kumunot ang noo ko at napuno ng pagtatanong ang isip ko. Hindi ko alam kung anong mali ang nagawa niya.
"Sorry kung napagselos kita noon pero ako pa ang nakipagbreak sa'yo. Pasensya na." Diretsong sabi niya at seryosong tumingin sa akin.
Hindi ko alam ang isasagot dahil hindi naman ganoon ang nangyari. Sobra akong naguilty, pero noong kay Wexi ako tumingin ay parang inuusap niya akong sumakay na lamang. Malamang plano na naman ito ni Wexi. Kailan kaya siya titigil sa pagsisinungaling?
"Ah Eman, wala ka namang kasalanan doon. Kasi--"
"Vlad, gusto ko lang humingi ng tawad. Sana huwag na nating pag-usapan pa?" Si Eman.
"Oo nga naman Vlad. Just accept it tutal matagal na 'yon, di ba?" Si Wexi.
"Forget it, Eman." Sabi ko na lamang at ngumiti. Kita ko ang pagliwanag sa mukha niya at sinimulang kunin ang chuckie na binili ko. ANG CUTE NIYA. 😍
Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. Itinunghay ko ang mukha ko sa paligid at nagmasid-masid. Napakaganda ng---
SI MS. LASTIMOSA AT SI---
DADDY?
Ramdam ko ang paglaki ng mga mata ko kaya naman agad din akong tinanong ni Eman at Wexi kung anong nakita ko.
"Vlad! Ano?" Si Eman.
"Hoy ano nangyari?" Si Wexi.
Pero hindi ko sila pinansin. Lumapit ako sa kanila pero itinago ang sarili sa puno malapit sa table nila. Malamang maririnig ko ang usapan nila.
BINABASA MO ANG
Nostalgic Chaos
Teen FictionEmandria Revi Vito. Isang simpleng babae na nangangarap lamang ng kapayapaan ng kalooban. Walang problema sa eskwelahan dahil sa matataas na marka, maayos na relasyon sa mga guro at kaklase, at sandamakmak na talentong naibabahagi niya sa anumang pa...