Chapter 12

30 6 0
                                    

Troy's POV

Wednesday.

Umupo muna ako sa kama at napasapo sa noo ko. Damn, ang sakit ng ulo ko!

Nanatili akong ganoon ang pwesto nang ilang minuto pero napagdesisyunan ko ring tumayo.

Nadatnan ko naman si kuya sa living room.

"What's for breakfast?" Bati ko sa kaniya at hindi naman niya ako nilingon.

Nakahiga siya sa sofa at may inooperate siya sa laptop. Nakasuot siya ng airpods pero sa isang tainga lang.

"Check mo sa kusina."

Tagal sumagot tapos hindi rin naman pala sasabihin. Badtrip.

Naghilamos muna ako and nagmouthwash.

I checked for breakfast at nagkita naman ako ng spanish omelette, it has potatoes and onions in it, may garlic fried rice and spams din.

Medyo mainit pa iyon noong hipuin ko kaya naman agad akong sumandok sa plate ng food.

Sinilip ko pa muna si kuya bago ako umupo sa dining area.

"Kuya, kumain ka na ba?"

"Oo. Nga pala, may practice kami ng sayaw, paalis ako mamaya."

Nakita ko pa ang pagtayo niya at kumuha siya ng towel sa terrace.

We're living in a condo unit here sa Gacuvan. Ours is not so big, pero dalawa ang bedrooms. We decided na dito na lang tumira dahil sa sobrang gulo ng pamilya namin.

Kumain ako nang mabilis at hinugasan din ang pinagkainan ko. Si kuya na ang nagluto, ayaw ko naman na pati ang pinagkainan ko iasa ko pa hahaha.

Bumalik ako sa kwarto to check my phone. Baka sakaling nagslide man lang si Wexi sa messenger ko?

Pero hindi galing sa kaniya ang natanggap ko, kay Brea.

New message from Brea

Nandiyan ba kuya mo? He's not answering my calls. How's he?

I replied her na may practice si kuya today and he went out yesterday with someone.

Sana tigilan niya na si Kuya Fairon. Halata naman na he's not into that girl. Ang kulit niya! Pati ako dinadamay!

Pero kuya Fairon's too nice sa girls. 'Yan siguro ang dahilan kung bakit kahit kailan hindi naisipan ni Brea na layuan siya?

Lumabas ako ng kwarto and nadatnan ko naman si kuya na may nakasakbit na towel sa leeg at nakasweat pants.

"Psst. Brea texted me."

"Anong sabi niya?"

"Same script."

Tumawa pa siya at sinabihan naman akong iblock na si Brea para hindi na raw ako kulitin.

I don't know how we became this close ni kuya. We're just half brothers. Iba ang mommy niya pero we have the same father. The only problem is late niya na nameet si daddy kaya naman hindi sila gaanong kaclose. While her mother, may ibang anak at pamilya rin.

'Just like what I've said, magulo ang pamilya namin.'

Umupo ako sa sofa at nag-isip. What should I do now?

Kapag sina Fad at Rash ang chinat ko, yayayain lang akong magbasketball. Tinatamad akong lumabas at ang gusto ko lang muna ay nandito ako sa bahay.

I have this mood na kapag ayaw kong lumabas, hindi talaga ako lalabas.

Muli akong napasapo sa noo ko dahil sa pagkirot nito. Mukhang mas nadagdagan pa ang sakit nito nang alalahanin ko kung saan ko sasayangin ang oras ko.

Nostalgic ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon