Chapter 5

57 9 0
                                    

Author's Note:

To those who are supporting this craft of mine, thank you so much!! You did not know how your support brought me this great feeling that really made me motivated. I wish you would always have the nicest day!! I love y'all 💛

Wexi's POV

'Good morning Saturday!!'

Tumingin pa muna ako sa orasan bago bumangon. 6:30 am pa lang at mukhang ako pa lang ang gising sa bahay.

Kinusot ko pa ang mata ko at dumeretso sa CR ng kwarto ko. Naghilamos muna ako at nagtoothbrush at tsaka inabot ang light pink kong towel. May burda pa iyon ng mismong pangalan ko.

Bago ako lumabas ay tinitigan ko pa ang sarili ko sa salamin.

"Grabe naman Wex!! Ang dami mong pimples na bwisit ka!! Aisshhh kainis."

Hindi ko na pinatagal pa iyon at lumabas din kaagad. Agad naman din akong lumabas ng kwarto para i-check kung may gising na ba bukod sa akin. Tinatamad akong magluto, duh?

Kahit kasi masasabi kong kayang kaya naming maghire ng maid e, ayaw talaga ng mga magulang ko.

"Mom... Dad?"

TOK! TOK! TOK!

Kinatok ko ang kwarto nila at wala namang sumagot. Pinaulit ulit ko pa iyon hanggang sa magmukha na akong tanga. Sinubukan ko pang buksan ito pero nakalock.

Hindi nila ako masisisi kung ganito ako umakto dahil kahit palagi silang nandito ay busy pa rin naman sila sa sarisarili nilang businesses. Sana alam nila na buhay pa ako noh?

Nang matauhan ako at mapagtanto na wala talaga sila dito sa bahay ay napabuntong hininga na lamang ako.

Maaga silang gumising madalas at madadatnan ko na lang na may pagkain na sa kitchen.

Bumaba ako sa kitchen at kumuha ng tubig ko. Matapos iyon at dumeretso na ulit ako sa kwarto ko.

'Badtrip.'

Nahagip ko agad ang cellphone ko at binuksan iyon. Nadatnan ko naman ang message mula sa Mom ko.

New message from Mom 💓

Sorry baby, u'r asleep kasi. We're in Manila right now.
We'll come back after a couple of days, huh. I love u.

'Again.'

Inis na inexit ko agad ang message na iyon at dumeretso sa twitter.

New Tweet

Hope there's a chance to switch lives...

Pagkatapos kong itweet 'yon ay may nagnotif naman agad at nakita kong icon ni Vlad ang nasa notif bar ko.

Hindi ko iyon pinansin at pinindot na lang ang laro sa cp ko.

Tumagal ako nang halos dalawang oras sa paglalaro pero nakakainis parin kasi hindi ko man lang nabawi ang stars na naiwala ko!

"WTH!? Losestreak, seriously?"

Ibinato ko ang cellphone ko sa kama at lumabas muli ng kwarto.

Sana naman matapos kong kumain ay magbago na ang ihip ng hangin. Malas.

Eman's POV

'Hope there's a chance to switch lives...'

Talaga? Gusto pa ni Wexi na palitan ang buhay niya? Huh, ano pa kaya ang buhay na meron ako?

Pagkabukas ko ng Twitter ko ay agad namang tweet ni Wexi ang bumungad sa akin. Lumabas ito agad sa pinakataas dahil nagreply dito sa Vlad.

Gusto ko rin sanang magreply at iparating ang pagcomfort ko, pero sadyang hindi ako plastic. Kapag hindi ako sang-ayon ay talaga namang hindi, tss.

Nostalgic ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon