Author's note
I really hope u're enjoying as this will be ended soon. I am still grateful that despite of not being an expert or famous author, u guys r still here to support this craft. I am glad that I made my imaginations enter yours. Don't forget to vote!! Please stay updated for the remaining chapters!! God bless 💛
Eman's POV
Natapos ang pagwewelcome at agad naman kaming bumalik sa klase. Nasabi na mga head teachers at principal na lang ang bahala sa mga bisita.
Naglakad kami ni Orin papunta sa buildings namin. Mas gusto kong siya na lang muna ang kasama ngayon dahil naguguluhan pa ako.
"Malapit na pala ang birthday mo, Eman no?" Si Orin.
Napatungo ako habang naglalakad at napangiti. Alam kong magiging masaya ang 17th birthday ko.
"Hmm, buti natandaan mo pa."
"Baliw! One week after kasi ang akin e."
Napatawa kami pareho at pumunta na sa building namin.
"Ay, Orin!" Tawag ko pa nang makalayo siya ng kaunti. "Yung art project natin."
Nakita ko siyang tumango kaya naman binilisan ko nang pumunta sa taas. Kinuha ko agad ang art project ko sa mesa ko at tumakbo na uli pababa.
Malapit sa building ng HUMSS ang office ng TVAG Club kaya naman ako na lang ang pupunta kina Orin.
Nang makasalubong ko siya ay dumeretso na kami at ipinasa agad ang gawa namin.
"Wow! Just like noon, kayo pa rin talaga ang nauunang magpasa." Jesh smiled at us tsaka naman kami nagpaalam. He is the club president.
Matapos iyon ay naghiwalay na kami dahil HUMSS ang strand ni Orin.
"Una na ako, Eman. Hmm, 'yong kay Fairon nga pala..."
"Kakausapin ko siya para doon. Wag ka na mag-alala. Malamang kakausapin ka rin non."
Tumango na lang siya at ngumiti pa. Naglakad ako nang medyo mabilis at umakyat sa hagdan. Baka kasi malate pa ako.
Pagkapasok ko sa classroom ay si Wexi agad ang nadatnan ko na nakaupo sa desk ko, mukhang iniintay niya ako.
"Eman!" Tawag ni Wexi.
Tumingin lang ako sa kaniya at itinaas ang dalawang kilay ko na mukhang nagtatanong sa kaniya.
"Sorry nga pala noong--"
"Psh, ayos lang."
Tumayo siya at tsaka tumabi sa upuan ko. Magkalayo ang upuan namin pero kapag walang teacher ay lumalapit siya.
"Guys hindi raw pupunta si Ms. Zara, ipasa na lang daw ang assignments niyo, dali." Biglang sabi naman ng president namin sa klase.
Gaya ng sinabi niya ay nagpasa nga kami ng assignments samantalang ang iba ay naggagayahan pa.
Agad akong nag-isip nang gagawin ko matapos iyon, nang maalala ko rin si Wexi sa tabihan ko.
Tumingin ako sa kaniya at nakatingin naman siya sa akin.
"Wexi, tuloy mo na ang kwento mo." Ngumiti pa ako sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata niya pero mayamaya'y umubo rin at nagsimulang magsalita.
"Ahm, that was already a year ago hindi mo na kaila--"
"I know, pero hindi ko na kasi maalala. Ikwento mo sana sa akin kung paano ako naging beyond the line?"
BINABASA MO ANG
Nostalgic Chaos
Teen FictionEmandria Revi Vito. Isang simpleng babae na nangangarap lamang ng kapayapaan ng kalooban. Walang problema sa eskwelahan dahil sa matataas na marka, maayos na relasyon sa mga guro at kaklase, at sandamakmak na talentong naibabahagi niya sa anumang pa...