Chapter 7

59 8 0
                                    

Author's note

Hello! 💛

This time I just want to make you informed on how will you pronounce the names of my characters. 😊

• Emandria- Imandriya (the stress is on the second syllable) *Eman is pronounced as eman*
• Vlad- simply Vlad
•Jaq- Dyak
• Wexi- Weksi
• Yoami- Yowami
• Orin- Arin
• Fairon- Fayron
• Brea- Breya
• Quaz- Kwash
• Hizean- Hayshan

I want to put here also their full names!

Emandria Revi Vito
Vladimir Jaq De Chavez
Wexi Yoami Sy
Orin Kicia Vito
Fairon Servante
Breanda Quaz Guevara
Hizean Wrey Lim
Viro Joelle Tiamzon

That's all for now, thank you!! 💛

Wexi's POV

"How's your day?"

Nakangiting sambit niya habang iniintay ang sagot ko.

Hindi ko inaasahang makakakilala ako ng taong makikinig sa mga hinaing ko sa buhay, bukod sa mga kaibigan ko.

(FLASHBACK)

Labag sa loob kong iniwan sa Garden of Lia si Vlad at Eman. Kinakabahan kasi ako kapag silang dalawa ang magkasama, sa tingin ko palagi ay may mangyayaring masama.

'Wrong timing naman neto.'

Nagdrive ako sa bayan ng Gacuvan City at dumeretso sa Gacuvan Express Padala para kuhanin ang perang ipinadala ng tita ko.

(Author here! Hehe there's no such Gacuvan City in Ph i just invented the place so that i can easily imagine things. Thanks!! 💛)

Mabilis kong natapos ang pagregister sa slip at umupo sa waiting area.

Sa tagal ng process ay hindi ko napigilang magmasid sa paligid ko.

Tagal na rin pala noong nakapunta ako sa bayan ng lugar na ito. Hindi kasi ako masyadong umaalis mag-isa. Madalas ay kasama ko si Vlad at Eman. Pero dala na rin siguro ng hiya, ayaw ko silang gambalain sa oras na ito.

Sa tapat nito ay nandoon ang parking lot, katabi sa kanan ay boutique at sa kaliwa naman ay Jollibee. Maraming dumadaang sasakyan pero hindi naman gaanong malalanghap ang usok ng mga ito. Hindi naman gaano karaming tao ang dumadaan, siguro ay dahil sa init ng panahon.

"Ms. Olivar?"

Tawag pa ng teller sa babaeng katabi ko sa upuan.

Base sa text sa akin ni Mom, 20,000 pesos lang naman ang ipinadala. Sabi ng tita ko ay itago ko raw muna hangga't hindi pa nakakabalik ang mom and dad ko.

Mayamaya'y tinawag din ang pangalan ko at nakuha ko naman nang kumpleto ang pera.

Compose new message

Tita, nakuha ko na po.
sent to Tita Ja

Pabalik na sana ako sa Garden of Lia nang biglang magtext naman si Vlad.

New message from Vlad

Wexi gusto na raw umuwi ni Eman dahil marami pa siyang gagawin. I guess I'll see you on Monday? Take care.

Tsk. No choice kung hindi umuwi na lang. Sayang naman, hindi man lang nila ako inintay.

😣

Tumingin pa ako sa relo ko at nagulat naman akong malamang---

Dalawang oras na akong wala don!?!?!?

'Bakit nga ba hindi ko napansin na ganoon na ako katagal?'

Nostalgic ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon