Chapter 4

67 11 0
                                    

Eman's POV

Natapos ang klase at kaniya-kaniya ang pag-uwi naming tatlo.

"Sure ka ba Eman, ayaw mong sumabay sa'kin?" Pag-aalok ni Wexi.

Malapit lang kasi ang bahay namin sa kanila. Nasa iisang subdivision lang ang mga bahay namin kaya naman ayos na rin kapag sumabay ako. Pero hindi naman 'yon nakakapagpabago sa desisyon ko.

"Ah... hindi n-na." Nauutal na sabi ko. "Ingat, Wexi. See you tomo." Nginitian ko naman siya at tumalikod na lang ako.

Ayaw ko nang humaba pa ang usapan namin dahil may bibilhin pa ako sa bayan. Pumara ako ng tricycle at agad din namang nakarating sa bookstore.

"Revi? Ebaaaaarg!! Ikaw nga HAHAHAHA. Grabe akala ko namalikmata lang ako." Si Fairon.

Tinitigan ko pa muna siya at pinag-aralan ang pagbabago sa itsura niya. Pumayat ang mukha niya kaya naman mas nahalata ang jawline niya. Nagbago rin mismo ang buhok niyang noong nakababa. Miski ang pananamit niya ay nag-iba.

"Revi, h-hindi mo ba ako maalala?"

Muli ay tiningnan ko siya at halata naman ang panlulumo sa mukha niya.

"Loko ka, paano ko naman malilimutan ang taong nagnakaw ng first kiss ko? Tsk."

Lumiwanag ang mukha niya at ngumiti ng malaki. Pinisil niya pa ang pisngi ko.

"Hahaha nagpanakaw ka naman?" Inirapan ko na lang siya at nagdirediretso sa pagpasok sa store na 'yon.

Pangatlong book shelf na ang narating ko pero wala pa rin talaga ang hinahanap ko.

"Ano bang bibilhin mo?"

Nagitla ako sa boses na iyon pero hindi ako nagpahalata. Nilingon ko siya at tsaka nginitian. Nagpatuloy lang ako sa paghahanap at hindi na siya pinansin. Hindi ko naman kailangan ng tulong dahil mayamaya'y makikita ko rin 'yon.

"Hopya!" Tuwang tuwa ako na nakita ang sketch pad na nakalapag sa table malapit sa cashier.

Dinampot ko agad iyon at nakangiting pumunta na sa cashier.

😄

Lumabas ako agad, gusto ko nang umuwi.

"'Yan lang pala eh hahaha."

Nadatnan ko si Fairon sa labas ng bookstore. Nakasandal sa pader habang nakadekwatro ang paa sa sahig.

"A-Anong ginagawa mo diyan?"

"Hinihintay ka."

"H-Ha?"

"Ano ka ba Revi, halos 2 years tayong hindi nagkita. Mag-expect kang hindi ko hahayaang matapos ang araw na ito nang hindi kita nakakabonding."

Simula pagkabata ko, kasama ko na siya. Tandang tanda ko pa kung paano niya nanakaw ang first kiss ko, nakakatawa pero nakakainis pa rin!

"Akala ko nagbago ka na..." Kita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko. "... pangit ka parin pala HAHAHAHAHAHAA."

Tinulak naman niya ako nang mahina at tsaka ako inakbayan. Naglakad kami hanggang makapasok sa isang fastfood chain. Jollibee.

"Dating gawi?" Tanong niya pa at tumango na lang ako.

Hinintay ko siyang makaorder tsaka kami magkasamang humanap ng mauupuan. Ayokong humiwalay sa kaniya dahil palagi akong kinakabahan sa mga maaaring mangyari. Kadalasan ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero hindi iyon masarap sa pakiramdam.

Nostalgic ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon