Eman's POV
Thursday.
My whole Thursday iginugol ko lang sa school. I want to focus also sa studies lalo na at tambak ang research projects. After school, umuwi na ako para bantayan ang inaayos sa garden namin. It'll be a garden party.
Friday.
Umabsent ako sa school because I have something more important to do. I promised myself na bago ako mag-17 I need to know myself better, deeper.
I prepared myself so much. I prayed that this will be alright up to the end. I know I'll be guided.
Nagtricycle ako papunta sa GAC (Gacuvan Ampunan Center). Dito ako kinuha ng mga umampon sa akin.
TIIIIINGGGG!
New Message from Vlad
Hindi ka pumasok? Are u ok?
Hindi ko na pinansin pa iyon. Dumiretso na ako sa pagpasok sa Center.
Pagpasok ko ng gate ay natanaw ko agad ang playground sa left side. May slide, seesaw, monkey bars, may lalagyan din ng hoops at ropes.
Sa right side naman ay garden lamang na napupuno ng iba't ibang halaman at bulaklak. Maganda ang awra dito, maaliwalas sa pakiramdam.
Pero bagaman masarap sa balat ang pagtama ng hangin, hindi ko maalis sa akin ang pagkakaba.
Pumikit ako at huminga nang malalim.
"Kaya ko 'to."
Nang malapit na akong tumungtong sa hagdan ay may humawak sa damit ko.
"Hello po 😁"
Isang batang babae na nakangiti at kumakaway sa likuran ko.
Ngumiti rin ako sa kaniya at nagulat naman ako nang higitin niya ang kamay ko papasok sa center.
"Ate Meyzi!! Ate Meyzi!! May bisita po tayong magandang babae!!" Sigaw nung batang babae.
Agad na lumabas sa office iyong Meyzi at ngumiti sa akin.
Pinapunta niya sa playground iyong bata at kumaway pa muli sa akin bago umalis.
"Good morning po. May itatanong lang po sana ako."
"Hmm, I am Maezi Madrigal. Upo ka muna. Tatawagin ko lang si Sister."
Tumango ako sa kaniya at umupo sa waiting area.
Maya maya rin ay lumabas ang isang madre na parang nasa 70 na ang edad.
Isinama naman ako ni Maezi sa office niyong madre.
"Ano ang pakay mo rito, iha?"
"May gusto po kasi akong malaman."
Umupo siya sa upuan niya at isinuot ang salamin.
"Gusto ko pong malaman kung sino ang totoo kong mga magulang."
Seryoso ang mukha niya at napaiwas naman ako doon. Nakita ko ang name tag niya na ang nakalagay ay Sister Pido.
"Posible po ba iyon, Sister Pido?" Tanong ko pa.
Hindi siya sumagot ngunit tumayo siya at pumunta sa mga cabinet na nandoon sa office niya.
"Pangalan at edad mo, iha?"
"Emandria Revi Vito, 16."
"Vito... Vito..."
Umabot siya ng halos limang minuto na nagbubuklat sa mga folders na nandoon.
"Vito, Ella. Vito, Ezekiel." Tumigil siya nang bahagya at lumingon sa akin.
BINABASA MO ANG
Nostalgic Chaos
Teen FictionEmandria Revi Vito. Isang simpleng babae na nangangarap lamang ng kapayapaan ng kalooban. Walang problema sa eskwelahan dahil sa matataas na marka, maayos na relasyon sa mga guro at kaklase, at sandamakmak na talentong naibabahagi niya sa anumang pa...