Fairon's POV
"Servante, Fairon V." Tawag pa ng teacher namin na halata namang nang-iinis pa, tumayo naman ako at pormal na humarap sa kaniya. "Tell me, how would you defiiinneeee... assets?"
Tinitigan ko pa siya ng ilang segundo bago sumagot.
"A-Assets are the things that a-are resources owned by a company and which have future e-economic value."
Utal utal kong pagsagot na ikinunot naman ng noo ni Ms. Lascon.
'KAYA MO 'TO FAIRON, ANO BA!?'
"Examples include cash, investments, accounts receivable, inventory, supplies, land, buildings, equipment, and vehicles."
Tahimik lang ang klase at nakikinig lang sa mga sinasabi ko. Muli akong nag-isip nang isusunod pa at muling nagsalita.
"Assets are reported on the balance sheet usually at cost or lower. Assets are also part of the accounting equation: Assets = Liabilities + Owner's Equity. Some valuable items that cannot be measured and expressed in dollars include the company's outstanding reputation, its customer base, the value of successful consumer brands, and its management team. As a result these items are not reported among the assets appearing on the balance sheet." Huminga ako nang malalim matapos kong sabihin lahat ng iyon. "T-That's all Ms."
Bago pa muling tumingin sa akin si Ms. Lascon ay may isinulat pa siya sa index card na hawak niya.
"Very good, Mr. Sevante! Haha very very well said! I'm impressed!"
At nagpalakpakan naman ang ilan sa mga kaklase ko.
Hindi ko na siya sinagot pa at umupo na lang.
Kung hindi lang graded recitation ito, hindi ako magsasalita.
"Iba ka talaga pare, palahi naman oh! HAHAHAHA" Ani Hizean.
"Mr Choi!! Stand up!" Sigaw ni Ms. Kay Hizean. Masyado kasing malakas ang pagkakasabi niya kaya napabaling sa kaniya ang atensyon ni Ms.
Hindi ko na pinansin pa ang usapan nila dahil wala naman talaga akong pakielam.
Ramdam ko pa ang pagkulbit sa akin ni Hizean at mukhang batang nagmamakaawang nanghihingi ng candy.
"Tsk, liabilities." Bulong ko sa kaniya at umiwas ako ng tingin.
'Gago talaga 'to. Puro babae inaatupag.'
"Salamat p-pre." Nahihiyang sambit naman niya pagkaupo. "Alam mo Fairon, kung ako ang ganyan katalino? Araw-araw akong magpapakitang gilas. Astig kasing tingnan sa lalaki na matalino e. Dagdag points yun sa girls HAHA!"
"Aanhin ko naman ang girls? Tsk."
"Pre, umamin ka nga... bading ka ba?"
Natigilan naman ako sa sinabi niya at ramdam ko ang pagkunot ng noo ko. Nagkatinginan pa kami ng ilang segundo at---
"HAHAHAHAHAHHAHAHAHA G*GO!" Sabay naming sambit.
"Yaan mo na, sa tests na lang humataw." Pagbabalik ko sa tanong niya.
Ayaw ko lang talaga e. Basta ayoko.
I don't want to make everyone's expectation to me become that high kaya hangga't kaya kong tumahimik sa klase, I'll do it. Ang gusto ko lang ay magsolve gamit ang pen and paper. Hindi ko gusto 'yung pa-speech speech pa sa unahan. Psh, baduy!
Hindi ako mahiyain o anuman, ayaw ko lang talagang magsalita sa harap ng maraming tao. Sa katunayan, dancer ako sa school na ito at sanay na sa audience.
BINABASA MO ANG
Nostalgic Chaos
Novela JuvenilEmandria Revi Vito. Isang simpleng babae na nangangarap lamang ng kapayapaan ng kalooban. Walang problema sa eskwelahan dahil sa matataas na marka, maayos na relasyon sa mga guro at kaklase, at sandamakmak na talentong naibabahagi niya sa anumang pa...