Chapter 9

40 4 2
                                    

Orin's POV

Seryoso at walang emosyon ang itsura ni Eman hanggang makarating kami sa bahay. Napagdesisyunan kong isama muna siya sa amin para kahit papaano ay may kasama siya sa panahon ngayon.

Sa muling pagtingin ko sa kaniya ay tumambad sa akin ang lungkot ng bawat parte ng mukha niya. Biglang pumasok sa isip ko ang araw na naaksidente siya...

(FLASHBACK)

Nagmadali akong puntahan si Eman sa kanila para ibalita ang nakita ko.

Nang makarating ako sa kanila ay nakita kong bukas ang pintuan kaya naman pumasok na ako agad at dumeretso sa loob ng bahay nina Eman. Hinanap ko siya sa loob at isinigaw ko pa ang pangalan niya.

Pero walang sumagot. Narinig ko naman ang footsteps niya na papunta sa labas kaya naman hinabol ko siya. Hindi niya ako nakita kaya naman binilisan ko ang pagkilos ko papalapit sa kaniya. Ang nangyari tuloy ay ako ang nasa likuran niya.

Hinawakan ko siya sa balikat dahilan para humarap siya sa akin. Kitang kita ko pa ang pagkagulat niya sa pagkakita sa akin.

"Orin..."

Hinila ko agad siya papuntang sofa at nagsimula akong magsalita.

"Sorry Eman ah, kailangan ko na kasi talagang pumunta dito."

"Ano ba 'yon at tinakot mo pa ako?" Tumawa pa siya nang bahagya at tumigil din para pakinggan ang sasabihin ko.

"N-Nakita ko ang Mommy at Daddy mo." Lumaki ang mga mata ni Eman at bakas sa kaniya ang sobrang pagkagulat. "Nasa compound siya ng mga tita ko. Nakita ko---"

"O-Orin, alam mo namang n-nasa America sila di ba?" Pilit na pinakalma niya ang sarili niya ngunit halatang kabado siya sa mga sinabi ko.

"Nakita ko sila na papasok sa isang bahay doon, Eman."

"Baka namalikmata ka lang, Orin." Pagmamatigas niya.

"Sis, tinanong ko si tita about diyan and... sinabi niya na sina tito Johann nga ang nakatira d-doon."

Hindi na siya nakasagot at natigilan siya pa siya nang ilang minuto. Nakita ko na lamang ang luha sa mga mata niya. Yayakapin ko pa sana siya nang alisin niya ang mga kamay ko at tumakbo papalabas.

"Eman!"

Sinigawan ko pa siya para pigilan ngunit nakalabas na siya agad ng bahay at mabilis na tumakbo na parang may hinahabol pa.

Sinundan ko siya sa pagtakbo niya ngunit... sa ilang metrong layo namin ay tanaw ko na ang duguang katawan ni Eman na nakahalandusay sa kalsada.

(END OF FLASHBACK)

Lumingon ako sa kaniya at busy siyang nagpipipindot ng cellphone. Walang nagsasalita sa aming dalawa kaya ramdam na ramdam ko ang tensyon.

Nang makarating kami sa bahay ay ipinark ko naman ang kotse ko at tsaka pinatay ang makina nito.

"Hmm... Eman..." Tawag ko sa kaniya at lumingon naman siya sa akin. "Dito ka muna sa amin. N-Nag-almusal ka n-na ba?"

Pinatay niya ang cellphone niya at tsaka muling bumaling sa akin.

"Orin, pwede bang samahan mo muna ako sa ospital?"

"Ha? Para saan?"

Bakas sa mukha niya ang pag-aalala ngunit hindi iyon gaanong mahahalata sa boses niya.

"Si Vlad kasi eh, nasa ospital daw. Nagtext si Wexi sa akin."

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon at muling inistart ang kotse. Binilisan ko ang pagpapatakbo ko kaya mayamaya'y nakarating na rin kami agad sa Gacuvan Hospital.

Nostalgic ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon