Vlad's POV
"Akin, orange buff ha!" Si Wexi.
"Sa top ako." Si Eman.
Hindi naman siguro masamang itago ang nararamdaman at itawa na lang kasama sila.
"First blood!"
"Ano ba 'yan Vlad HAHAHAHAHAHA!"
Nagulat ako nang pagtawanan ako ni Wexi. Ako pa ang unang namatay. Hays.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalaro. Halos isang oras na kami ni Eman dito, samantalang kararating lang naman ni Wexi.
"Vlad, back up!"
Pawala-wala ang atensyon ko sa paglalaro kaya naman natalo kami.
"Sorry." Sabi ko sa kanila.
"Ano nangyari, kanser mo na."
Tinawanan pa nila ako pareho pero umalis muna ako doon at pumunta sa terrace.
Nang makalabas ako ay inihawak ko ang mga kamay ko sa hawakan doon at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
Inayos ko ang buhok ko at tsaka ipinikit ang mga mata.
Muling pumasok sa isip ko si Ms. Lastimosa.
Muling napuno ng mga tanong ang isip ko.
'Bakit ba sila magkasama?'
'Tungkol saan ang pinagmeetingan nila?'
'Is it about me?'
Hindi ko maintindihan pero kinakabahan ako. Kaba na parang may masamang balitang pararating.
"Vlad?"
Minulat ko ang mga mata ko at nilingon si Eman.
Ngumiti pa ako bago siya sagutin.
"Ano 'yon?"
"Pasok ka muna, kainin natin 'yong dala mo."
Ngumiti pa muna siya bago tumalikod.
Sumunod naman ako at nakitang nakaupo na sina Wexi at Eman sa kama.
Umupo naman ako sa silya at hinawakan ang tinidor na nakalagay sa katabi ng plato.
"Umamin ka nga samin, Vlad. Ano meron?"
Napatunghay ako sa tanong ni Wexi at hindi naman ako agad nakasagot.
"Vlad... sabihin mo na." Si Eman.
"Masama kasi ang pakiramdam ko." Agad na lumapit si Wexi at hinipo naman ang leeg ko matapos kong sabihin 'yon. "Wala akong lagnat. May hindi ako magandang nararamdaman."
"Can you just be more straight to the point?"
"Si Ms. Lastimosa. I saw her with my dad. Sabi ni Daddy sa yaya namin, he'll be out for a meeting."
Nakatingin lang sila at mukhang iniisip ang maaaring dahilan niyon.
"We all know, guidance counselor si Ms. Ano naman ang dahilan para mag-usap sila ni Dad in a restaurant?"
Bakas ang pagkagulat sa mga mukha nila.
"Nothing's making sense right now. I want to ask Dad about it. Hindi ako mapakali at hindi ko maialis sa isip ko." Dagdag ko pa.
"Do you think kaya maganda ang trato ni Ms. sa'yo dahil may iba pang rason? Is that it?" Si Eman.
"Ilang beses mo na ba sila nakita na magkasama, Vlad?" Tanong ni Wexi.
BINABASA MO ANG
Nostalgic Chaos
Teen FictionEmandria Revi Vito. Isang simpleng babae na nangangarap lamang ng kapayapaan ng kalooban. Walang problema sa eskwelahan dahil sa matataas na marka, maayos na relasyon sa mga guro at kaklase, at sandamakmak na talentong naibabahagi niya sa anumang pa...