Prologue

58.2K 1.1K 193
                                        

I let the warm water dripped all over my body.

My bathroom's light is dimmed and I like it this way. Pumikit ako at dinamang maigi ang init ng tubig na nagmumula sa shower at nagbakasakaling maibsan ang nararamdaman.

I got up very early because I was requested by our chief surgeon to assist him. Alas tres y media akong naligo at alas siyete ang oras ng operasyon. I haven't slept well last night because of too much stress going on around me.

Noong nakaraang buwan ay nakatanggap ako ng mabuting balita but I have a lot of bad news in my plate right now, too.

Pinatay ko ang shower at halos umuusok pa sa loob dahil sa init ng tubig na ipinanligo ko. My phone rang while I was drying my hair with a towel.

"Kendall." I breathed.

"Good morning, Doc Cortez. Ipapaalala ko lang po ang naka-schedule na heart transplant surgery of Patient Romero. You will assist Doctor dela Fuentes, 7am Manila Time." Dere-deretsong sabi ng sekretarya ko.

"I got it. I'll be there an hour before for the prep time."

When the call ended, I started blow drying my hair. Sa lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na napahinto na ako sa pagpapatuyo ng buhok. I stared at my reflection in the mirror. I look paler than usual, siguro dahil na rin sa pagod at sa stress.

I'm a surgeon, gustuhin ko mang umuwi matapos ang walong oras na shift ay hindi pupwede. Madalas akong magdouble shift at sa nature ng trabaho ko ay madalas pa akong tumatagal ng tatlumpu't anim na oras sa ospital.

I wore a pair of black slacks, white sleeveless peplum blouse and a black ballet shoes. Hinayaan ko muna ang buhok kong malayang nakaladlad. I took my cross body bag and checked if my car key is inside at nang masigurado ay naghanda na akong lumabas ng kuwarto.

I glanced at the king size bed and sighed heavily. It feels like yesterday. Parang kahapon lang may katabi pa akong natutulog. Parang kahapon lang may mayayakap ako pagkatapos ng nakakapagod at mahabang shift.

Pinikit ko ng mariin ang aking mata at pinilig ang ulo sa mga naiisip. I better get going. Hinablot ko ang aking lab coat sa ibabaw ng mini couch bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Kahit hindi nakatakong ay halos marinig ko ang sarili kong yabang sa sobrang tahimik ng buong kabahayan. Even the maids are still asleep maliban kay Manang Helen na nakikita kong nagpupunas ng mga muwebles kahit hindi naman marumi.

Tumingala siya sa akin ng marinig ang yabag ko pababa sa hagdan.

"Maaga ka?" Tanong niya at saglitang ibinababa ang basahang hawak.

"May maagang schedule ng surgery, Manang." Sagot ko at ngumiti ako sa kanya.

"Hindi ka nagsabi kagabi at nang nakagayak ako ng almusal mo. Ipagtimpla kita ng kape?" Nagmamadaling lakad niya papuntang kusina ngunit pinigilan ko siya.

"Huwag na po. Sa cafeteria na ako bibili."

Napatingin siya sa akin at saglit akong tinitigan bago bumuntong hininga.

"Hindi ka na nakakakain ng maayos, halos hindi ka na rin umuuwi. May problema ba kayo?"

Sa tanong niyang iyon ay agad kong inilunok ang hikbing maaaring lumabas. I don't want to talk about it. For months, I kept silent about it. I kept silent about what's happening. I kept silent about how I'm being treated.

Umiling ako at ngumiti muli pero sinong niloko ko? Manang Helen was my nanny since I was 5. Isinama ko siya rito dahil hindi ko kayang mawalay sa kanya. I'm even closer to her than to my mother.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon