Epilogue 2
"Dismissed."
Mabilis kong ipinasok ang mga gamit ko sa loob ng bag nang marinig ko iyon.
"Uuwi ka na? Come on, man. Let's have a drink first." Rinig kong sabi ni Rufus habang mabilis kong inaayos ang gamit ko. Damn, I am so tired and so sleepy. Inumaga ako kaka aral tapos hindi ako natawag sa recit ngayon. I don't know if I should be thankful or what.
Parang gusto kong matawag na lang sana ako para wala na akong iisipin sa susunod na meeting.
"I want to go home. Matutulog ako." Sagot ko sa kanya. Kumunot agad ang noo niya sa akin. Tumayo na rin si Paul nang tumayo ako.
"Come on, man! Two bottles, I swear. Garcia, ano?" Tawag sa kanya ni Rufus ng mauna ng lumabas ng classroom si Paul. Umiling ako. Sa aming tatlo, si Paul ang pinakatahimik. Kung tahimik ako, well you might think he's mute.
"Sa susunod na, Rufus. Pagkatapos ng finals. Dude, study hard. Sayang kung babagsak ka." Paalala ko sa kanya bago ko isinukbit ang messenger bag ko sa aking balikat. Tumawa siya sa sinabi ko.
"What are you, my dad?" Inakbayan niya ako habang papalabas kami. Tahimik lang si Paul na nakapamulsa habang naglalakad. Sumipol si Rufus ng dumaan iyong isa namin kaklase sa block. Simula first year kaklase ko na 'yan, hindi ko lang talaga nakakausap. Bukod sa mailap, iisang tao lang ang sinasamahan. Iyong kaibigan niyang kaklase rin namin.
"Hi Sav. Uuwi ka na?" Malokong tanong ni Rufus. Parang uminit kaagad yung tainga ko nang mahimigan ko ang paggiging malisyoso niya. Yeah, right. Her name's Savannah.
Savannah Amanda Harlington.
Tumingin siya kay Rufus na hindi man lang ngumingiti tapos ay mabilis lang na sumulyap sa aming dalawa ni Paul.
Shit.
I suddenly felt weird with that three second staring contest.
Hindi niya kami pinansin at basta na lang kami nilagpasan. Hell, she's pretty! Sa tunog pa lang ng apelyido, alam mong hindi purong pilipina. Pantay ang morenang balat at matangkad rin. She has that kind of supermodel physique. Mahaba at medyo kulot iyong buhok.
Pinilig ko ang ulo ko. Ano bang iniisip ko?
"Damn, ang ganda 'nun. Isnabera nga lang. Nakita niyo 'yung third year? Yung si Dela Fuentes? Nanggigigil ako roon, eh." Sabi ni Rufus. Itinulak ko siya sa narinig ko. Tangina, lahat ng babae na lang. Tsaka sinong Dela Fuentes?
Sa tagal ko rito sa law school, wala talaga akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Pero naririndi talaga ako kapag puro kabastusan ang lumalabas sa bibig nitong si Rufus.
"Why?" Natatawang sabi niya nang itinulak ko siya ng malakas. Inayos ko ang pagkakasukbit ng aking messenger bag.
"Dude, kung nakita mo lang 'yong Dela Fuentes—" Umiiling na sabi niya pero muli lang ring nagsalita.
"'Pero mas gusto kong 'tong si Savannah. Damn those sexy legs. I can imagine that wrapping around my—" Hindi ko siya pinatapos at agad itinulak ng malakas.
"Fuck! Dude, anong problema mo?" Naiirita niyang baling matapos ayusin ang polo niyang bahagya pang nagusot sa lakas ng tulak ko. Naramdaman ko ang pagpigil ni Paul sa akin na sumugod pa. Sanay na ako sa tabas ng bibig nito ni Salvador pero biglang nag-init iyong ulo ko at hindi ko alam kung bakit.
"Stop it with your filthy mouth, Rufus!" Sabi ko sa kanya.
"Jeez, magsama nga kayo!" Sabi niya sabay alis. Huminga ako ng malalim at sinabi kong ayos lang ako nang magtanong si Paul. Inabutan ko pa si Rufus sa parking. Umiling siya ng makita ako.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)
RomanceSelah Juliana always wanted to please her father after their brother's death. Batas ang salita ng kanyang ama at para sa kanya ay walang makakaputol nito. Kahit siya. After graduating college she was already arranged to be married to an honorable ma...
