Chapter 22

11.2K 273 469
                                    

Bittersweet


"I love you, too." I whispered back to him. Mas lalong humigpit ang pagyakap niya sa akin. Nakatalikod ako sa kanya at halos sabay lang kaming nagising mula sa mahabang pagtulog. He pulled me closer to him as if we were not close enough to each other.

I felt him breathe against my neck. Tumawa ako bago tinapik ang brasong nakayakap sa aking katawan.

"Get up. You have work today." Natatawa kong sabi sa kanya.

"I don't want to work. Huwag na kaya akong pumasok tapos umalis tayo?" Bahagya siyang umangat mula sa pagkakahiga at sinilip pa ako. Humarap ako sa kanya at ngumisi. Inayos ko ang buhok niyang nakatabing sa kanyang noo. His eyes are still sleepy yet he already looked good this early.

"Are you crazy? Everyone is expecting you to be back at work today."

Imbes na sagutin ako ay mabilis niyang pinatakan ng halik ang aking labi at mabilis na pinaulanan ng halik ang aking pisngi bago siya tuluyang bumangon at nagderetso sa bathroom. I lazily got up. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri at pagkatapos ay tiningnan ang aking kamay.

Ngumiti ako ng tipid habang tinitignan ang dalawang singsing na naroon. I can't believe that we're already married. Hinawakan ko ang mga singsing. Our wedding ring is a plain band made of white gold then I looked at the engagement ring he gave me. Hindi na ito ang unang singsing na ibinigay niya sa akin.

This one is different. It is a single thin band with a big square cut diamond in the middle. Sa sobrang simple ay nagsusumigaw ng ka elegantehan. Tuluyan na akong tumayo mula sa aming kama at sandaling inayos ang magulong comforter.

Pumasok ako sa bathroom at nagderetso sa sink. I can hear the loud shower and I can feel that it's a bit hot in here because of the water. Naghilamos ako at nagsipilyo bago ko inayos ang buhok ko. I cut my hair after the wedding dahil sobrang haba na nito.

Matapos ay bumaba kaagad ako para magpunta sa kusina at maghanda ng aming almusal.

"O gising na ka na pala. Ngayon ka na ba magsisimula sa ospital?" Tanong ni Manang Helen ng sumungaw siya mula sa entrada ng kusina. Umiling ako. I' am still waiting for the confirmation from the hospital pero nagpasa na ako ng application of residency doon.

"Baka sa susunod na linggo pa po kung matatanggap." Sagot ko kay Manang bago kumuha ng kape at nagsalin sa percolator. Umupo ako sa high chair sa may counter area at tahimik na pinagmamasdan ang kape na unti-unti nang bumababa mula sa filter ng percolator.

I ranked first at the PLE this year. After I passed it, I immediately applied my residency at our hospital. Sabi ni mama hindi ko na kailangang gawin iyon pero gusto ko pa rin gawin. I want to get in following the right process.

After my post graduate internship in Georgia, I decided to go back here dahil dito ko naman talaga gustong magpractice ng medicine. Hindi rin lumipas ang tatlong linggo pagbalik ko rito sa Pilipinas ay nagpakasal na rin kami. Pero pagkatapos ng kasal ay agad akong nagreview para sa boards kaya ngayon lang talaga kami maayos na nakapag honey-moon.

Kaya nang pumasa ako at matapos ang oath-taking, agad siyang nagleave para makapagbakasyon kami. Kkakagaling lang namin sa Venice noong isang araw at ngayon nga kailangan na niyang bumalik sa trabaho dahil ang dami ng naghihintay sa kanya.

Sa unang buwan namin bilang mag-asawa ay sa condo muna niya kami nanatili but after another month ay binili na niya itong mansion na ito para sa amin. Isinama ko si Manang Helen rito dahil hindi talaga ako sanay ng wala siya.

CJ agreed because she already moved out of the house. May sariling condo na rin iyon na bigay pa ni papa sa kanya. Nilapag ko ang dalawang mug sa lamesa husto namang pagsungaw ng asawa ko sa dining area.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon