T-Rex
Naalimpungatan lang ako nang magpaalam si Luthor para pumasok sa trabaho. Hindi ako nakagising ng maaga dahil sa puyat. Mishael wanted to have a drink so after our dinner ay nagderetso kami sa isang chill bar para uminom.
When I felt Luthor kissed my forehead before he went out of the room ay nakatulog rin agad ako ulit. It was past eleven when I woke up. Masakit ang ulo ko hindi dahil sa pag-inom kagabi kundi dahil sa mahabang oras ng pagtulog.
I just texted my husband that I just got up before I went to the bathroom to take a bath. Naakit ako sa bath tub kaya agad ko iyong pinuno ng tubig. Mayroong webinar mamaya para sa mga first year residents. I think it will be an HR Talk, some rules and regulations, I don't know.
Halos tatlumpong minuto lang rin ako sa tub bago lumipat sa shower. Naibsan ang pananakit ng ulo ko pagkatapos maligo. I just wore my usual pambahay since the webinar will be around three in the afternoon. Bumaba ako at hustong naghahanda ang kasambahay ng pagkain.
Nandoon rin si Manang Helen na nag-uutos yata nung kung ano. Nang masilayan ako ay agad sinalat ang leeg ko.
"Akala ko ay may sakit ka. Ang tagal mong nagising. Nakadalawang tawag pa ang asawa mo sa telepono." Tamad akong ngumisi sa kanya bago umupo at nagpakuha sa kasambahay ng kape. Routine ko na ang pag-inom ng kape pagkagising, no matter what time it is of the day.
"Si Mishael kasi Manang, eh. Nagkatuwaan kagabi kaya hindi nakauwi ng maaga." Paliwanag ko. Agad kong kinuha ang mug nang mailapag ito ng kasamabahay sa aking harapan. Parang nagising kaagad ang diwa ko nang matikman iyon. I want my coffee black so it's a good starter for me. Alam na alam talaga ni Manang ang mga gusto ko.
I will call mama later to tell her that I got in. I know she did not manipulate the process. Nag-exam ako doon at interview kaya nahirapan rin naman ako. Though me, being the top 1 at the PLE somehow, helped me to get in, too.
I skipped jogging today. Siguro ay mamayang gabi sasaglit ako sa treadmill sa work-out room namin. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako sa kay Manang para umakyat. I started setting up my laptop and copied the Meeting ID that was sent to our email para kapag oras na ay hindi na ako magmamadali mamaya.
Nilabas ko rin ang isang kulay puti na formal na blouse para pamalit. I will not bother change my denim shorts. Bakit pa? Nakaupo lang naman ako buong webinar na ito. Inayos ko na rin ang mga alarm sa aking cellphone. This whole week my schedule starts at 7am so I have to be up as early as three in the morning so I could work-out for at least an hour before getting ready to work. Nasa kalagitnaan ako ng pagset ng alarm sa aking cellphone nang biglang tumawag si Luthor. Agad ko itong sinagot.
"Finally, you're up!" Baritonong boses ang sumalubong sa akin. Natawa ako.
"Kanina pa kaya. Kumain na nga ako, eh." Sagot ko. I heard him chuckled. Mukhang nasa loob siya ng sasakyan dahil naririnig ko ang mahinang tugtog mula sa stereo.
"You're on the road?" I asked.
"Yeah. Client meeting. Pabalik na ako sa opisina." Oh, okay. Mukhang may bago na naman siyang kasong kailangang hawakan. Hindi na ako magugulat kung biglang magresign itong si Luthor at magtayo ng firm niyang sarili. Kagabi, isa rin iyan a mga napag-usapan namin sa dinner. If he really wants that, I will support him. But, he also confirmed that he will file for candidacy for next year's election for senatorial position.
Syempre ay gusto iyon ni papa. Hindi pwedeng hindi mangyari. So he's kind of torn if he'll resign or will have his own firm before the election period.
I told him I have a webinar that will probably last for hours so he said that he'll try to go home early so he could cook. And he's a damn good cook! Kaya ko rin naman magluto pero hindi kasing galing niya. Kasi paborito ko iyong kaldereta, tapos nagluto siya noon ng sariling version niya and gosh, it was so good.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)
RomanceSelah Juliana always wanted to please her father after their brother's death. Batas ang salita ng kanyang ama at para sa kanya ay walang makakaputol nito. Kahit siya. After graduating college she was already arranged to be married to an honorable ma...