Lost
Napaupo ako sa damuhan nang bahagyan kinapos ng hangin mula sa pagtakbo. Naramdaman kong tumigil si Randolf at Anthony at lumayo sa akin ng kaunti para mabigyan ako ng privacy. Ipinatong ko ang mga braso ko sa ibabaw ng aking mga tuhod bago pinipilit na huminga ng maayos.
Isang oras na akong tumatakbo rito sa park. Mmay mga mangilan-ngilang tumatakbo rin. Ang iba naman ay may dalang mga alagang aso habang namamasyal. Tatlong araw na simula ng sabihin sa akin ni Luthor ang mga dapat kong malaman.
"We have a daughter." He said. Para akong papanawan ng malay ng marinig sa kanya iyon. Tumango ako sa kanya at pilit na pinapakalma ang aking sarili. May anak siya.
"Did you cheat on me?" Matapang kong tanong sa kanya. Agad siyang umahon mula sa pagkakaupo sa lamesang kahoy at sinubukang abutin ako. Umigting ang panga niya nang humakbang ako paatras.
"I did not cheat on you, Selah." Mabilis niyang sabi.
"I....didn't know she was pregnant when she left."
He had a girlfriend before me. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako kawalang alam sa kanya noong mga panahong iyon. He knows about me and Abraham. He knows about me leaving this country because of Abraham.
Ngayon, pakiramdam ko, wala talaga akong kaalam-alam sa kanya. I don't know if I can still able to believe him that the only reason they're seeing each other is because of their sick daughter.
"Why didn't you tell me before, Luthor? Why did you keep it a secret? Did papa...-"
"It's not important anymore." Mabilis niyang putol sa akin. May kinalaman ba ang papa ko kung bakit kinakailangan rin nilang maghiwalay noon? Kung hindi ba kami kinasal ay sila ngayon?
Itinukod ko ang aking noo sa aking braso nang maalala ang usapan naming iyon. I feel like I'm the intruder here. Kahit ako ang asawa, kahit ako ang pinakasalan..pakiramdam ko parang ako pa ang nanghihimasok. Tumayo na ako at nagsabi na sa dalawa na umuwi na kami. I still have work tonight.
Kakatapos ko lang maligo nang maramdaman kong my nagbukas ng pinto. My hair is still dripping wet at nakabalot pa ng tuwalya ang aking katawan. Inaayos ko ang scrub suit ko sa pagkakalapat sa aming kama nang maramdaman ko ang unti-unting pagyakap sa akin ni Luthor mula sa likod. Medyo natigilan ako at bahagya siyang nilingon.
Humigpit ang yakap niya sa akin at hindi inalintanang mababasa ko ang damit niya.
"Are we okay?" Bulong niya bago ako hinalikan sa aking buhok. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Hindi ko makapa ang damdamin ko. I feel like I was still in shock and I don't know how to act towards him. Marami akong gustong itanong pero hindi ko rin alam kung paano sisimulan 'yon.
"Wala kang overtime sa City Hall ngayon?" Marahan kong tanong at pinagpatuloy ang pag-aayos ng scrub suit ko. Inabot ko rin ang bag ko at tinignan ang mga gamit ko sa loob. Naramdaman ko siyang umiling. My paranoid mind started to think if those overtime before was really intended for work.
"Hindi mo pupuntahan ang anak mo?" Marahan pa rin ang pagkakatanong ko sa kanya noon. Kahit na naghuhuramentado ang damdamin ko, hindi ko kinasanayang sumigaw. Hindi siya gumalaw at hindi rin siya sumagot.
So, they'll see each other?
"Anong oras kang aalis? Dito ka uuwi?"
Humarap ako sa kanya para makita siya. Tikom na tikom ang labi niya at malamig ang mga tingin na ipinukol niya sa akin.
"Selah, don't be like this. Please." Niyakap niya ako ulit. Lumunok ako. Kung ano ano na ang tumatakbo sa isip ko. Alam ko naman na kaya lang kami nagpakasal ay dahil sa kagustuhan ni papa pero hindi ko maiwasang umasa na natutunan naman talaga niya akong mahalin.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)
RomanceSelah Juliana always wanted to please her father after their brother's death. Batas ang salita ng kanyang ama at para sa kanya ay walang makakaputol nito. Kahit siya. After graduating college she was already arranged to be married to an honorable ma...